Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter 1


A/N: How's the Prologue guys? Enjoy reading! Chapter 1 na tayoooo ^_^


Hindi namin kasama si Kuya ngayon magsimba kasi may gala siya kasama yung mga kaibigan niya, pinayagan naman siya ni mama kasi minsan lang naman daw mauwi si kuya dito.

Nasa byahe na kami papuntang bayan, nandoon kasi ang simbahan na madalas namin puntahan. Si papa ang nagdadrive habang si mama naman ang katabi ni papa, ako naman ang nakaupo sa backseat.Makalipas ang 20 minuto ay nasa simbahan na kami, naghahanap pa ng pagpaparkingan si papa.


"Ma, Alwina, baba na kayo, hintayin niyo na lang ako sa may harap ng simbahan, magpapark lang ako sa bandang likod, puno na dito sa harap eh" sabi sa amin ni Papa. Agad naman akong bumaba at hinintay si mama na makababa pagkatapos ay dumiretso na kami sa harap ng simbahan.


Limang minuto lang ang lumipas ay nakita na namin na papalapit na sa amin si papa. Pagdating niya ay agad na kaming pumasok sa loob ng simbahan at naghanap ng mauupuan. Nakahanap naman kami sa may bandang gitna yung malapit sa daanan na may carpet.


Tahimik lang kaming nakikinig sa sermon ng pari, tungkol ito sa mga kabataang maagang nag-aasawa o yung mga maagang nabubuntis. Tahimik lang akong nakikinig dahil di rin naman ako makarelate sa topic ni father.


Pagkatapos ng misa ay nag-aya si mama na mamasyal kami sa waltermart kaya agad naman akong pumayag pati si papa tutal naman ay linggo ngayon at familyday.


Dumiretso naman kami sa may likod ng simbahan kung saan nakapark ang kotse. Pagkakita dito ay pinindot agad ni papa yung car keys at agad na kaming sumakay at deretso na sa waltermart.


Haban nasa kotse ay nag-uusap lang si mama at papa tungkol sa trabaho ni papa sa munisipyo, ako naman ay busy sa phone ko kasi nagtext sa akin si Des kung may assignment daw ba kami.


"Ikaw Alwina, narinig mo naman yung sinabi ni fatner kanina di ba?" tanong sa akin ni mama. Agad naman akong napaisip kung ano yung tinutukoy ni mama at agad na naalala yung sermon ni father kanina.


"Opo narinig ko po, anong meron doon?" tanong ko kay mama, nagtataka kasi ako sa kanya kung bakit niya natanong sa akin yun eh.


"Maraming kabataan ngayon ang maagang nabubuntis tapos iniiwan ng nakabuntis sa kanila, kaya ikaw, huwag ko lang maririnig na may nobyo ka na at palalayasin talaga kita." sabi ni mama sa akin.


Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya na palalayasin niya ako pag nagkaboyfriend ako, muntik ko na tuloy masabi sa kaniya na 'Ma, paano ako magkakaboyfriend eh binusted ko na matagal na, baka nga di na ako magkaboyfriend kahit kailan eh'. Pilit na lang na ngumiti ako sa kanya at tumango.


"Saka ka na magboyfriend kapag tapos ka ng mag-aral at mayroon ka ng maayos na trabaho. Huwag ka gumaya sa ibng kabataan diyan na inuuna pa lumandi bago mag-aral" dagdag niya pa. Sumagot na lang ako ng opo para di na humaba pa ang usapan.


Nag-usap na lang ulit sila ni papa tungkol sa mga bagay bagay at di na ko pinansin. Di ko naman maiwasan isipin yung nangyari sa nakaraan kung saan naranasan kong masaktan ng wala akong ibang pinagsasabihan at karamay.


Nakaraan na pilit kong kinakalimutan ngunit masasabi ko ring isang magandang alaala kasama SIYA.


Hindi ko maiwasan mapangiti ng mapait dahil hanggang ngayon kumikirot pa rin ang aking dibdib sa tuwing naaalala ko SIYA.


Minsan naiisip ko kumusta na ba siya? Naaalala pa kaya niya ako? Nagbago na ba yung nararamdaman niya?

Mga tanong na hindi ko alam kung kailan ko malalaman ang kasagutan.



All These YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon