Chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2


Nasa byahe pa rin kami papuntang WalterMart. Busy ako sa pagscroll sa phone ko ng biglang tumunog ang message ringtone ko.


From: Kuya Gelo

Yna, pakisabi naman kay mama na dito na ko sa barkada ko magdidinner. Uuwi naman agad ako, di ako magpapagabi. Salamat bunso :*

Pagkabasa ko nang text ni kuya ay tinawag ko kaagad si mama, tumingin naman ito sa akin.

"Ma, sa barkada na lang daw ni kuya siya magdidinner saka hindi naman daw siya magpapagabi" ani ko kay mama. Sigurado naman ako na di talaga magpapagabi si kuya kasi may pasok pa yun bukas.

"Okay sige, sabihin mo sa kanya huwag siyang iinom ng alak, nakamotor pa naman siya" sabi sa akin ni mama, agad ko namang tinext si kuya.

To: Kuya Gelo

Pinapasabi ni mama na huwag ka daw uminom ng alak kasi nakamotor ka. Walang anuman Panget HAHAHAHA :P

Natatawa pa ako habang nagrereply kay kuya, tinabi ko na ang phone ko dahil malapit na kami sa waltermart.

Pagdating ay bumaba kami ni mama at hinintay si papa sa entrance kasi magpapark pa siya ng sasakyan. Nasa may gilid na part kami dahil ang daming tao ang pumapasok ngayon, linggo kasi kaya karamihan ay nandito para mamasyal.

Nang dumating si papa ay agad na kaming pumasok sa loob.

"Alwina, magwiwithdraw ang papa mo samahan ko muna, sasama ka ba?" tanong sa akin ni mama. Tiningnan ko naman kung saan magwiwithdraw si papa at nakita ko na mahaba ang pila kaya umiling ako kay mama.

"Punta na lang muna ako book store ma, haba ng pila eh baka matagalan kayo. Puntahan niyo na lang ako dun kapag tapos na, dun lang ako sa mga libro" sabi ko kay mama. 


Pumayag naman agad ito dahil narealize din niya na mahaba ang pila at maaari silang matagalan kaya umalis na sila ni papa.

Dumiretso naman ako sa Book Store para magtingin tingin ng mga libro. Pagdating sa book section ay marami akong nakitang mga wattpad books ng mga sikat na author. May nakita akong He's Into Her Books, Baka Sakali, Taste of sky, My Husband is a mafia Boss, Diary ng Panget, mga Jonaxx stories at iba pang sikat na mga stories.

Mahilig naman ako magbasa ng wattpad pero mas gusto ko na lang magbasa sa app kesa sa bumili sa libro, syempre wala din naman kasi akong pambili.

Nagtingin tingin lang ako ng mga libro, binabasa ko rin yung mga summary sa likod ng books at ikot ikot sa iba pang part ng store.

Nagtitingin-tingin ako ng mga pen ng may kumalabit sa akin. Agad naman akong napatingin dito para alamin kung sino yung kumalabit sa akin.



"Uy Alwina! Anong ginagawa mo dito? Hindi mo kasama sila Tito at Tita?" si Des pala ang kumalabit sa akin, siya lang mag-isa at hinahanap sila mama at papa.

"Uy Des! Ikaw pala, nagwithdraw sila mama eh mahaba pila kaya nagpaiwan muna ako dito. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? saka ikaw lang mag-isa?" tanong ko kay Des na nakangiti sa akin.

"Ahhh... eh ako may bibilhin ako dito eh, naubos na kasi mga pen ko saka bibili pa ako ng iba pang kulang ko na supplies. Saka kasama ko sila mommy at daddy, nandyan lang yan sa tabi tabi, nagiikot-ikot din" sagot sa akin ni Des. Napatango naman ako sa sinabi niya at nakipagkwentuhan sa kanya.

Masaya kaming nagkekwentuhan habang tumitingin-tingin sa store ng may tumawag sa kanya.

"Desiree, nandyan ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap....Oh ikaw pala alwina, Anong ginagawa mo dito? Kasama mo sila mama mo?" Si Tita Dianne pala at Tito Nick, parents ni Desiree. Buti nandito sila at hindi busy sa mga business trips nila, malapit na kasi magtampo si des sa kanila eh.

"Hi Tito, Tita kumusta po kayo? Sila mama po nagwithdraw nagpaiwan lang po ako dito" sagot ko kay tita dianne na masayang nakangiti sa akin gayundin si Tito Nick.

"Hmmm.. We're fine hija, thank you for asking" bigla naman itong napatingin sa may entrance "Oh! Your parents are already here Alwina" sagot sa akin ni tita dianne, nakatingin pa din ito sa may entrance ng store kaya napatingin din kami doon. Nakita ko si mama at papa na papunta na sa pwesto namin.

"Dianne, Nick, Desiree kayo pala. Namamasyal din kayo?" tanong ni mama kela tito at tita.

"Yes Lyn. It's Sunday and family day that's why we celebrate it here. How about you guys? Family Bonding?" sagot naman ni tita dianne, nasa tabi lang kami ni Des at nakikinig sa kanila habang sila papa at tito naman ay nagkakamustahan din.

"Oo Dianne. Inaya ko sila kasi ayoko pa umuwi sa bahay, kakatapos lang namin magsimba" ani mama kay tita dianne. Tumango-tango naman si Tita Dianne at tinanong kung nasan si Kuya gelo. "Ah si Gelo, nasa barkada niya, bonding na rin siguro kasi minsan lang naman umuwi yun." sagot ni mama

Bigla naman nagsalita si Tita Dianne "So since magkakasama na rin tayo, why dont we go shopping together and also eat dinner together?" masayang tanong ni tita dianne. Agad naman pumayag si mama, papa, at tito, syempre kasama na rin kami.

So ang nangyari ay nagshopping si tita dianne at mama pero konti lang ang kay mama, wala kasi siyang hilig sa mga abubot o mga damit na mamahalin. Nakasunod lang kami ni Des sa kanila at si Tito at Papa naman ang ginawa nilang tagabitbit.

Natatawa na lang kami kay Tito Nick kasi ang dami na niyang hawak na paperbags na hindi na niya alam kung paano ito hahawakan.

Minsan naman tinatanong kami ni Tita Dianne kung may nagugustuhan ba kami at ititreat niya daw kami, si Des nakalimang damit na ata, ako naman isa lang nahihiya kasi ako kay tita, pero kapag di ako ang pumili siya mismo ang pipili ng ibibigay sa akin. Madalas pa naman yung mamahalin pinipili niya kaya ako na ang pumili para hindi masyadong mahal.

Ganoon lang ginagawa namin sa ilang oras na pagstay sa waltermart, hanggang mapansin namin na gabi na pala.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All These YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon