HMLB - Two (FIRST PART)

7 1 0
                                    

Two

~•~

IS this fate or just a coincidence? Di ko inaakala na ang 'papagalingin' ko'ng anak ni Mr. Mondragon- err, Dad, ay ang ka-blind date ko ngayon. This must be destiny.

Wala akong ibang choice kaya labag sa loob ko'ng sinundan siya. And what did he say? Loverboy of the Mondragon family? Loverboys are gentlemens at hindi basta basta nangi-iwan nang magandang babae na si ako! Ugh!

Nakalabas na kami sa Greenland Park at nakarating sa isang.. wait.. is that a Koenigsegg CCXR Trevita? Fudge.. that costs like, millions of dollars!

"Ano? Tutunga-tunganga ka nalang diyan? Just fvcking get in and let's get this so called date over." Di ko napansin na nakapasok na pala siya sa driver's seat at hinihintay nalang ako pumasok. I sarcastically smiled at him. What a gentlemen, I love you muwah muwah! Ehem, note the sarcasm there.

Binuksan ko ang pinto sa shotgun's seat at pumasok na doon. Dalawang minuto na ang nakalipas at taka naman akong lumingon kay Dwight nang mapansing hindi pa rin umaandar ang sasakyan niya.

"You don't have the rights to sit there. Doon ka sa likod! She's the only one allowed to sit there!" Naiinis na sabi niya na ikinataas ng kilay ko, mas mataas pa sa Mt. Everest!

"Whatever!" Inis na lumabas ako nang kotse niya at akmang bubuksan na sana ang pinto sa passenger's seat nang umandar ito kaya muntik na akong mapa-subsob sa daan.

Pagkatapos ko'ng maka-recover ay napa-awang ang hindi lang maganda- kundi napaka-gandang labi ko sa ginawa niya. Nagtitimping pumunta ako sa lugar na hindi ganoon kalayo kung saan nandoon ang kotse niya. Nahawakan ko na ang pinto nang bigla nanaman itong umandar!

"Argh! You jerk!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya at nakita ko siyang halos mamatay-matay na kaka-tawa.

"Ulol! Matuluyan ka sana!" Galit na sigaw ko ulit sa kanya.

"Get in." Nag-seryoso na siya maya maya.

Mabilis na binuksan ko ang pintuan at sumakay na. Mahirap na baka umandar nanaman ulit. Tsk!

"Ano? Di ka aandar?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya. Inuubos niya ang pasensiya ko. The nerve!

"Ano ako, Driver mo? Sa compartment ka sasakay!" Nakangising sabi niya na ikina-gulat ko.

FVCK! SERYOSO BA SIYA!? LET A SUPER DUPER FANTASTICALLY BEAUTIFUL LADY LIKE ME SIT ON THE COMPARTMENT!?

"SERYOSO KA BA!?" This time, galit na galit na talaga ako! How dare he!

Sumeryoso naman siya bigla. "Mukha ba akong nagbibiro? Pasalamat ka nga masasakyan mo ang napakaganda at napakamahal ko'ng compartment eh. Buti nga at bumait bait pa ako at hindi kita pinasakay sa tambutsyo o kaya sa gulong o bubong. Kaya bilis na bago pa mag-bago ang isip ko."

Gigil akong bumaba nang napakamahal at napakaganda kuno niyang kotse at binuksan ang compartment. Napatitig ako sa sasakyan ko at nagda-dalawang isip kung sasakay ba o hindi.

"BILISAN MO NA DIYAN, FREAK!" Narinig ko'ng masayang sigaw niya na ikina-init lalo ng ulo ko. Gosh! I can't stand this guy!

Sumakay na ako sa compartment at sinara na yun. Bwiset! Ang init init dito! Tapos ang liit at sikip pa! Argh! Paano pa kaya kung pumunta ako sa mansion nila bukas!? -On the second thought, 'wag nalang kaya ako pumunta? But then again, lagot ako kay Dad kaya wala akong choice. Naramdaman ko'ng umandar na ang napakaganda at napakamahal niyang kotse, which is a good thing! Gosh! 573 words na ang chapter pero nasa kotse pa rin kami! Grr!

Kung tutuusin, I'd rather sit on the roof of the car, may kapitan naman dun tapos mahangin pa kaya lang baka masiyado nang ma-expose ang kagandahan ko kaya 'wag nalang pala. Hehe, peace!

Then may biglang tatlong idea ang pumasok sa utak ko!

Idea #1

Kung pauwiin ko kaya dito si Kayla at utusan mag-kunwari bilang ako at siya umattend sa mansion ng halimaw na 'to? Kaya lang baka mahalata kasi nga diba, happy go lucky siya tapos ako super bugnutin. Tapos baka i-tanong pa nang halimaw na 'to ang nangyari ngayon tapos ma-confuse si Kayla which is not a good thing. Oooorr, pwede ko i-kwento sa kanya lahat at i-train siya mamaya kaya lang masiyadong hassle at biglaan namanang pag-uwi niya, baka malaman din ni Dad. Kaya enkk!

Idea #2

Kung mag-kunwari kaya akong may sakit bukas? Kaya lang baka ma-banggit ni Dwight kay Meyah na may sakit ako, knowing Meyah- madaldal siya! Baka masabi na wala talaga akong sakit at i-hatid niya pa si Dwight sa condo ko! Kaya no! Ekis din!

Idea #3

Kung umalis kaya ako nang bansa at 'wag na mag-pakita pa? But think of the consequence of my action. Paano kung mahanap ako ni Dad? Baka di na ako masinagan ng araw! Mababawasan- no! Mawawalan ng maganda sa mundo kasi ako lang naman ang maganda sa mundo!

Napa-buntong hininga nalang ako. I'm going crazy. Kung ano anong katangahan pa ang pumasok sa isipan ko. Tch!

Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang compartment at nakita ko si Dwight.

"Labas na." Sabi niya na ginawa ko naman. Napag-tanto ko na nasa amusement park pala kami neto at pinag-titinginan ako. May lumabas ba namang isang ubod nang ganda sa isang mamahalin na compartment, sinong di mapapalingon?

I glared at him. I hate his guts. Paano kaya naging loverboy 'to kung hindi siya gentlemen? Ugh! Kawawa naman yung babaeng mahal neto! Nag-titiis sa katulad niya!


Healing Mister Lover Boy (Sparrow #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon