HMLB - Two (SECOND PART)

1 0 0
                                    

Two

~•~

"I-DATE mo sarili mo dito. May pupuntahan ako." Sabi niya.

Tinaas ko ang napakaganda ko'ng kilay. "At san naman yun mister?" Oops, wrong move ata. Nagalit kasi siya.

"Stay out of my life. I don't need you." Ani niya at tinalikuran akong nakatameme.

Ugh! I officially hate his guts! That handsome devil!

"Stay out of my life. I don't need you nye nye nye. We'll see about that mister." I mimicked his annoying voice.

Napa-buntong hininga nalang ako at pumunta sa ticket booth. Ia-aksaya ko nalang at panahon at oras ko sa mga rides kaysa sa devil na katulad niya. Ng malapit na ako sa counter ay nakita ko siyang naglalakad and my curiosity hit me hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na patagong sinusundan siya.

What the hell are you doing Keila?

Yeah, what the hell am I doing? Ano naman kung di niya ako ide-date? Ano naman kung may iba siyang pupuntahan? Ano naman kung ang sama sama niya sa akin? Ano naman kung ang sama nang ugali niya kahit sobrang gwapo niya? Ano naman kung wala siyang pake sa akin? Wala naman diba? And then I noticed the hot liquids running down on my cheeks.

Fudge! Bakit ako umiiyak?

Inis na pinunasan ko ang mga luhang tumuli nang di ko namalayan. Kahit ako ay naguguluhan sa sarili ko. He's not worthy of my tears, kay di ko siya dapat iyakan! Hah! Sadyang sa kanya ko lang na-experience 'to! Oo, NBSB ako pero may mga manliligaw ako noh!

Siya lang naman kasi yung lalaki'ng may ganang mag-sabi nang panget ako. Siya lang naman yung lalaki na niyabangan ako nang sobra sa park. Siya lang naman yung lalaki'ng hindi man lang ako kayang pag-buksan nang pinto sa kotse niya. Siya lang naman yung lalaki'ng may lakas ng loob paupuin ako sa compartment. Siya lang naman yung lalaki na dinala ako sa amusement park para i-date sarili ko. Siya lang talaga.

Alam ko yung iniisip niyo, no I'm not in love with him or anything. 'Ni hindi ko nga siya type! Ang layo layo nang type ko sa kanya. Yung gusto ko kasi, mabait, gentleman, sweet at sobrang layo niya dun! Sadyang di lang talaga sanay ang magandang si ako sa pag-trato niya sa akin. First time ko yun ha!

Dahil sa lalim ng iniisip ko, nawala siya bigla sa paningin ko. Saan kaya nag-punta ang demonyong yun? Ah alam ko na, baka sinundo na ni Satanas bwiset.

Pabalik na sana ako sa mga pila ng ticket nang may narinig akong mga boses sa gilid nang isang store na sobrang dilim. At dahil nga curios ako,  pinuntahan ko yun at nag-tago sa isang halaman. Di nila ako makikita dito pero kitang kita ko sila.

"Please, Grace.. Please give me a chance, gagawin ko ang lahat para sayo. Just please.." Nagulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun at nang silipin ko ay nakita ko si Dwight!

Ah, so ito pala yung pupuntahan niya?

Inis pa din ako sa kanya. Pero imbis na umalis ay mas lalo lang akong nakinig. Hindi ako chismosa noh! Sadyang interesado lang po ang maganda na si ako.

"No, Dwight. Please stop. Mas lalo ka lang masasaktan sa akin.". Sabi nang magandang babae na Grace ata yung pangalan. Duh, oo maganda ako pero di ako takot mag-compliment nang taong karapat-dapat sa compliment ko. That's the number one rule of first class pretty.

"Bakit kasi ang paasa mo, Grace? Dahil sa mga pinapakita mo, mas lalo akong nahulog sayo. Akala ko gusto mo din ako so I let myself fall for you. But turns out na kaibigan lang tingin mo sa akin? Fvck! Ang sakit! Ang sakit sakit!" Naluluhang sabi ni Dwight at naluha na din yung Grace.

Naks. Drama. Sana pala bumili man lang ako ng isang large popcorn.

"Hindi ako paasa Dwight! Never call me that! Mag-kaiba ang friendly sa paasa! I showed my care for you because you're my friend! I love you as a friend!" Sigaw nung Grace.

Woah. Buti nalang talaga medyo malayo layo kami sa tao kaya di nila maririnig 'tong drama. Para sa akin lang 'to muehehehe.

Nagulat ako nang biglang sinuntok ni Dwight yung pader at mukhang nagulat din yung Grace. "Saan ba ako nag-kulang Grace..?" Nakayukong at mahinang sabi ni Dwight pero sapat na para marinig namin.

Napatakip nalang nang bibig si Grace. Nage-enjoy talaga ako. "Stop, Dwight.."

"SAGUTIN MO AKO GRACE! TANG-NA! ANG HIRAP HIRAP! Ang hirap hirap na.. Grace parang awa mo na, sagutin mo na yung tanong ko kasi hirap na hirap na ako."

Nakakaawa. Nakakaawa ngayon si Dwight. Demonyo siya pero yung babaeng ito yung kaisa-isahang weakness niya. Naaawa ako kahit ang sama sama niya sa akin. Di naman niya siguro deserve 'to.

"N-no Dwight. Hindi ka nag-kulang. You're the perfect guy to be honest. Sweet, charming, handsome, smart and kind. The perfect loverboy. You're everything that I've wished for. But sorry. S-sorry that I can't return the feelings you want. Di lang ikaw yung nahihirapan Dwight. A-ako rin. Mahal kita sa paraang alam ko. S-sorry talaga." Natauhan si Dwight sa narinig niya at biglang nandilim yung aura niya.

Shit. Nakakaawa na nakakatakot si Devil..

Nagulat kaming dalawa ni Grace nang biglang lumuhod si Dwight. Napatakip ako nang bibig at maluha-luha na. Feel na feel letse! Kasi naman eh.. nakakaawa siya. Parang nabura yung galit ko sa nangyayari ngayon.

"Date mo today, G-grace. Please, I promise l-last na 'to. Pagkatapos.. Pagkatapos di na kita guguluhin. Di na kita kukulitin. Just please, t-today..?" Nagmamakaawang sabi ni Dwight.

"Dwight, tumayo ka diyan.." Nanginginig na sabi ni Grace.

"Please, baby. Just one last time." He pleaded once again.

My heart ached. Hindi dahil sa endearment niya ha!? No! Bakit naman dahil sa endearment niya yun? Hahahahaha! Naawa lang talaga ako sa kanya, promise.

"F-fine! But after this, w-wala na. Okay?" Sabi ni Grace at tinulungan naman niyang tumayo ang nagliliwanag na mukha ni Dwight.

Ang cute pala niya ngumiti.

"YES! THANK YOU GRACE! AHH! ANG SAYA KO! Shet ang bakla pakinggan." Natawa si Grace sa sigaw ni Dwight.

"Let's go." Nakangiting sabi ni Dwight at nilahad niya ang kamay niya kay Grace na agad naman niyang tinanggap.

Pinahidan ni Dwight yung tuyong luha ni Grace na ikinangiti nilang dalawa. "Yan, mas maganda ka kapag nakangiti, so please smile for me." Malambing na sabi ni Dwight na mas lalong ikinangiti ni Grace at napansin ko di'ng namumula yung pisnge niya.

Naglakad na sila papunta dito kaya nataranta ako. Letse! Baka makita nila ako! But fear not beautiful and handsome sexy readers! (Pagbigyan na, minsan lang yan) Ninja kaya ako kaya ligtas akong naka-alis sa pinagtataguan ko. Nag-tago ako sa isang malapit na poste at pinag-masdan silang dalawa.

I admit, bagay na bagay silang dalawa.

Curios pa din ako kaya pinag-desisyonan ko'ng sundan nalang ulit sila.

I'm curios on what a Dwight Mondragon can do.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Healing Mister Lover Boy (Sparrow #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon