| Binibini |

245 18 3
                                    


"Binibini!" Biglang sigaw ng lalaking di ko kilala. Kakagaling ko lang sa canteen kasi bumili ako ng zesto. Syempre mas mura yon eh tipid sa budget.

Dahil assuming ako tumingin naman ako sa pinanggalingan ng boses. Luminga-linga ako tapos may nakita akong lalaki na matangkad tapos tumatakbo siya sa direksyon ko.

Unang tingin ko palang napa-wow na agad ako. Pano ba naman kasi ang gwapo niya tapos bagsak at mahaba yung buhok. Tapos bigla akong kinabahan kasi palapit talaga siya sa akin.

Nung paghinto niya nginitian niya ako tapos titig na titig lang ako sa kanya. Feeling ko na-hypnotize ata ako nung mga sandaling yon.

"Nalaglag mo to sa kantina, binibini." Hindi ko alam pero bigla akong natawa non. Sino ba naman kasi yung tatawag ng binibini ngayon diba? Buang lang ganon? Tapos ang lalim niya pa managalog, ano Filipino Class?

Kinuha ko sa kanya yung papel ko. Oo papel lang yon tapos may sketch ko kasi yun ni Leonardo Decaprio (idol ko siya eh) tapos nagpasalamat lang ako sa kanya. Nginitian niya ako ng isang beses tapos umalis na rin siya.

Sunod ko siyang nakita nung may event sa school namin. Hindi ko talaga inexpect na makikita ko pa siya simula nung galing ako sa canteen.

Nagulat ako kasi miyembro pala siya ng banda tapos siya yung lead guitarist. Pagkatapos ng isang set nila ng songs bigla silang tumigil tapos bigla rin niyang kinuha yung mic. Tandang tanda ko pa yung sinabi niya.

"Ang susunod naming aawitin ay para sa binibining nagnakaw ng aking atensyon nang una ko siyang masilayan."

Tapos bigla niya akong tinitigan. Hindi ko alam kung paano pero pakiramdam ko ako talaga yung tiningnan niya kasi puro lalaki naman yung mga nasa likod ko. Tapos bigla siyang nag killer smile at kilig na kilig naman ako dun.

Nalaman ko nalang nung grumaduate siya na senior pala siya habang ako ay sophomore pa lang. Nalungkot ako kasi pagkatapos non hindi ko na siya nakita.

Minsan lumilinga linga ako nagbabakasakali na nasa tabi tabi lang siya. Syempre may mga alumni naman na bumabalik sa school nila diba? Pero hanggang sa grumaduate na rin ako ay hindi ko na siya muling nasilayan. Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Hindi siya nawala sa isip ko. Minsan bigla-bigla ko nalang maaalala yung pagtawag niya sakin ng binibini tapos malalaman ko ngumingiti na pala ako. After 2 years, wala pa rin akong balita sa kanya. No clue, nothing. Sobrang nawawalan na ako ng pag-asa. Sinubukan ko siyang hanapin sa social media pero hindi ko siya mahanap kahit pa anong gawin ko. Inaamin ko na nahulog na ata talaga ako sa kanya. Kahit dalawang beses ko lang siyang nakita, siya na lagi yung hinahanap-hanap ko.

Sobrang sakit. Kasi paano kung may asawa na pala siya ngayon? Paano kung hindi naman niya ako naaalala diba? Paano na? Edi wasak ganon. Asang asa na ako eh.

And then the day came when i gave up. I started dating men. Kahit ano para lang hindi ko na siya maisip. Minsan may nakikita na lang akong regalo o letter sa labas ng pintuan ng apartment ko pero walang nakalagay kung kanino galing. Sa dami ba naman ng dinate ko, malay ko ba kung prank yon. Tapos ininvite ako ng kaibigan ko na pumunta sa birthday party niya sa isang resort. At dahil buhay single, sumama naman ako. Pagdating doon nagkaroon din ako ng blind dates. Mga set up lang pero hindi ko kayang seryosohin.

Talagang siya pa rin yung gusto ko. Siya pa rin yung hinahanap ko. So that night when i was finally alone, I cried.

Naiinis ako sa tadhana kasi bakit ganon? Pinagtagpo lang kami tapos wala manlang storya ganon? Ngitian lang end na agad? Habang umiiyak ako may nag-abot sa akin ng panyo.

Nung tiningnan ko kung sino biglang tumigil yung mundo ko. Feeling ko sa kanya lang nakafocus yung paningin ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko, niyakap ko siya agad saka humagulgol sa balikat niya. His girlfriend be damned, kung meron man. Wala na akong pakialam.

"Binibini?" Sabi niya sakin habang niyakap ako pabalik.

"Ang tagal kitang hinintay. Sobrang tagal. Pero hindi na kita nakita." Iyak lang ako ng iyak. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero ni isa wala akong maiatas. Ngayon ko lang narealize kung gaano kalalim ang nararamdaman ko sa kanya ngayong nakita ko na siya ulit.

Nung humiwalay kami sa isa't isa, tiningnan ko ang mga mata niya. It looks so sad and apologetic. Hindi kagaya nung dati noong tinititigan niya ako sa school.

"I'm sorry, hindi ko nasabi sayo."

Nanatili akong tahimik. Iba ang kabog ng dibdib ko.

"We were going to attend your graduation, but we had an accident. Bumangga kasi yung sinasakyan namin sa truck nong papaliko kami. Ikaw lagi ang bukambibig ng kapatid ko. Binibini this, binibini that. And I like the kind of smile my brother's giving me everyday. Kaso hindi siya nakaligtas sa aksidente."

Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam ang pinupunto niya. Basta ang alam ko lang napakasakit. Parang dinudurog ang puso ko.

"He made me promise na babantayan kita kahit anong mangyari at ibigay ko raw sayo ang mga regalo at letter niya. So i did. I'm sorry it took me time to tell you. Ayaw niyang ipasabi sayo. Ayaw niyang ipaalam. I promised him, and now I'm breaking it. I'm sorry I didn't do anything to get you two closer before. My twin brother really loves you, ever since he saw you at the canteen."

Nakahawak na ako sa bibig ko at pinipigilan ang malalakas na hikbi habang sunod sunod na pumapatak ang luha ko. Bakit? Bakit ganito? Minsan lang ako magmahal oh. Pero bakit ganoon? Wala man lang akong ideya.

Ang tagal ko na siyang hinihintay na bumalik. Bakit Lord? Bakit ang unfair mo? Napaupo na lang ako sa sahig habang malakas na humahagulgol at wala na itong nagawa kung hindi samahan nalang ako sa pag-iyak ko.

Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya hinanap noon pa nung hindi pa siya gumagraduate. Edi sana matagal na kaming magkakilala. Bakit? Bakit hindi ko naisip yon?

He have loved me all along. Maybe he was sincere that time when he was playing the guitar. When he sang a song while looking directly at my eyes. Maybe he really qas trying to say what he really felt. And maybe..

Maybe he really did found me. But I was so blind to notice. I was so caught up with my everyday life that i didn't pay much attention to little things. And now i came to regret it.

Because now, he will never ever be mine anymore. Kahit anong gawin ko.

Now I can only look at his tomb and keep whispering my feelings for him na matagal kong tinago. Kahit alam kong useless.

I love you so much. I long for you to call me binibini again.

Kung nasaan ka man. Know that I will always love you deep in my heart. Know that until now, I'm still waiting for you, kahit alam kong hindi ka na darating.

A/N: shaket? HAHA. Let me know kung naiyak kayo. 😍

Vote if you like this story. Comment na din! Mwah!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon