| Autograph |

144 13 4
                                    

Minsan ay nawi-weirduhan ako sa iba tuwing nakikipagkwentuhan tungkol sa mga nababasa nilang libro. Nakakainis kasi yung minsan nagcoconcentrate ako sa pag-aaral tapos bigla na lang silang sisigaw ng malakas.

I hate the crowd.

I hate the noise.

People always disregard my presence dahil madalas naman talaga akong may sariling mundo. In short, I'm invisible and I'm perfectly fine with that.

Pero hindi pala iyon magtatagal.

When I entered college, nakilala ko si Lawrenze. He was the first one to approach me habang kumakain ako sa cafeteria. Noong una ay nakiupo lang siya at dahil malawak naman ang inuupuan ko at ako lang mag-isa ay pumayag na rin ako.

Maya-maya ay napansin kong tingin siya ng tingin sa akin at sa textbook na nakabuklat sa tabi ng pagkain ko.

"Gusto mong basahin?" Tanong ko sa kanya dahil unti-unting kumukunot ang noo niya.

Noong una ay nagulat pa siya sa pagsasalita ko pero mabilis din siyang naka-recover.

"Nope. Just looking."

Tumango lang ako saka pinagpatuloy ang pagkain.

Maya-maya ay nagsalita siya ulit. "Don't you ever read anything else? Puro na lang textbook ang hawak mo," sabi niya na hindi tumitingin.

It was my turn to be shocked. He noticed?

"It's just my pastime." Depensa ko. May masama ba roon?

Narinig ko pang may ibinulong siya pero hindi ko iyon naintindihan kaya't hindi ko na lang pinansin. Nang matapos kaming kumain ay nagpunta na rin kami sa kanya kanya naming room.

After class, laking gulat ko nalang nang sabayan niya akong maglakad habang palabas ng gate.

"Hey!" Bati niya sa akin.

"Ah, hello."

Titig na titig lang ako sa mukha niya habang siya ay diretso ang tingin sa harap. Ngayon ko lang napagtanto na napaka-attractive niya pala.

"Inabangan mo ba ako?" Wala sa sarili kong tanong.

Namula ang pisngi ko nang humarap siya sa akin at ngumiti. It was just a boyish grin, but it damn affects me too much.

"Sort of." Sagot niya na nakangiti pa rin.

Hindi ko nalang pinansin ang kabang naramdaman ko. Kaba nga ba iyon? O excitement? Ah, hindi ko alam.

"Saan ka nakatira?" Tanong niya sa akin.

"Dyan lang sa may subdivision malapit sa school," sagot ko naman. Hindi ako sanay na may nagtatanong ng tirahan ko. "Bakit?"

"Ihahatid na kita."

"H-Ha?"

Tumingin siya sa akin ng matiim, "I said I'll walk you home, dumidilim na."

"S-Sige," iyon na lang ang sinabi ko at nanahimik.

Pagdating namin sa harap ng gate ng bahay ko ay bigla siyang pumihit paharap sa akin.

"I'm Lawrenze. You?" Tanong niya.

"I'm Fely. Nice to meet you," nakipagkamay pa ako sa kanya. Kalmado lang ako kung titingnan pero nagwawala na ang mga paruparo sa tiyan ko.

"Oo nga pala. Bago ko makalimutan," sabi niya saka may kung anong kinuha sa bag.

Pagkaraan ng ilang segundo ay may iniabot siya sa aking libro. Wala nang balot iyon pero halatang bago pa. Tumingin ako sa kanya nang nagtataka. "Para saan to?"

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon