6. ll TANONG PARA KAY MARIA KLARA

1 0 0
                                    


CHAPTER: II TANONG PARA KAY MARIA KLARA


-M.C (MARIE CLARE)

Wala na. Na korner na ako sa mga tanong ng mudra ni lyndon. Tanong ko lang? Bakit kailangan tanungin ako ng mama ni lyndon ng ganto?

"Àaaahahaha! Ija Marie clare. Wag mo ng pansinin yung pangalawang tanong. Ano... Yung una na lang."

Naka hinga ako ng maluwag nung sinabi ni tita lynda yon.

"O-opo..." Naka yukong sabi ko. "Mahal ko po si lyndon." Kasi po kailangan.

"Mahal mo ba si lyndon, dahil naramdaman mo? O dahil may nakita ka sa kanya na dahilan para gustuhin mo lang sya?"

Wala po akong nakita kay lyndon o naramdaman. Dahil kailangan lang po nyang panagutan yung nangyari saamin. Ayoko mapahiya sa iba na nakipag sex lang ako sa isang lalaki na hindi ko naman boyfriend. O maski ka kilala.
Para ho sa reputasyo ko bilang babae kaya ko ginawang boyfriend ang anak ninyo.

Ayan talaga yung totoo kung bakit. Pero ayokong sabihin yan.

Bakit ba ang daming tanong ng mama ni lynadon? Siguro kasi dati meron syang naging shota tapos sobrang nasaktan? Kaya nadala yung mama nyang mag ka girlfriend ulit si lyndon, at baka masaktan nanaman to ulit?

Yung tanong na ibinabato saakin ng mama ni lyndon sobrang seryosohan. Malalaman mo sa mga tanong na'to. Halatang sobrang mahal ng mama nya si lyndon.

Nakaka konsensya tuloy! Bwisit!

Pero kahit na. Kasalanan naman ng anak nya kungg bakit ko ginawang boyfriend anak nya ng hindi ko mahal.

Ginawan ako ng milagro e!

"Basta ho, mahal ko po ang anak ninyo. Hindi ko naman po sya sasagutin ng 'Oo' kung hindi. Kaya po sana mag tiwala kayo."

Ngumiti ang mama ni lyndon. Pero hindi ganoong literal.

"Pasensya kana sa mga tanong ko. Gusto ko lang kasi talaga malaman na seryoso ka sa anak ko. Sana maintindihan mo." Malungkot na tugon nito.

"Napansin ko lang kasi sa mga kabataan ngayon. Masyadong nag mamadali sa mga bagay na hindi pa nila dapat gawin."

Sapul ako.

"Yung mga kabataan kasi sa ngayon na katulad ninyo, masyadong mapupusok. Hindi muna iniisip yung nararamdaman nila. Basta naramdaman nila papasukin nila. Masyadong nag papadala sa bugso ng damdamin."

Nakaka proud lang kasi. Kahit na sobra kong mahal si Ruju noon na ex ko. Hindi ko binigay sa kanya yung bataan. Kaso na punta din sa iba nung araw na yon.
Kaya hindi din pala nakaka proud sa sarili.

Sisihin yung alak! Sarap makipag bugbugan sa alak!

"Minsan naman. Na obserbahan ko. Yung mga kabataan tumitingin sa panlabas na kaanyuan. Porket pogi o maganda papatusin. Samantalang yung ilang buwan o mas matagal na nanligaw sa kanya hindi napansin. Pero yung umamin lang na gwapo o maganda, sila na. Ilang araw palang o linggo nan ligaw. Oo na agad ang sagot."

Sapul na talaga ako sa sinasabi nito ni tita lynda. Grabehan na. Sakit!

"Kaya pansinin mo. Minsan kung sino pa yung agad na nasasagot o na agad na  papanagutan yung feelings. Ayon pa pala yung maling tao. Kesa doon sa matagal na naghintay. O umaasa parin."

Teka si ruju tatlong linggo lang nanligaw yon ha. Oo nga no?

"Kasi isipin mo. Minadali mo kaya hindi naging panghabang buhay. Hindi naging worth it. Para lang yang atleta e. Yung mga atleta bago sumabak sa laban nila. Pinag handaan o pinag hirapan nila muna, para makuha yung titolo. Binigay sa kanila yung titolo na yon kasi pinag hirapan nila. Kaya nasa kanila na yon habang buhay."

Pakiramdam ko tama si tita lynda. Hindi ko non sinugurado ang nararamdamn ko, kaya ayon. Habol lang pala saakin yung bataan ko. Pogi nga manyakis at malibog naman.

Hayop syang hudlom sya! Mag ka HIV sana o di kaya AIDS.

Nakinig lang ako kay tita. Pakiramdam ko naka relate ako sa mga pinag sasabi nya. Kasi ako din ganon. Mali nga talaga ako.

"Ayon lang. Sana maintindihan mo kung bakit ko na tanong lahat ng yon."

Tumango ako at ngumiti. "Tita ayos lang po."

********

Hindi na ako nag pa hatid pa kay lyndo hanggang dito saamin. Gusto nya pa nga kaso ang sabi ko. 'Wag na.' Naisip ko kasi na baka maikasama nya pa.

Kasi yung lugar namin hindi katulad sa lugar nila. May pag ka skwater kasi. Hindi naman sa literal na skwater pero kung titignan parang ganon na nga.
Dahil sa mga tsimosa at tambay na mga malilibag na siga dito kada kanto.
Saka hindi naman ganoon kalayo. Mga dalawang sakay lang mula sa kanila.

Papaliko ako sa kanto namin. Nang may matanaw ako sa harapan ng bahay namin na pamilyar ang awra. Naka talikod sya dahil naka harap sya sa kabilang kanto.

Likod pa lang nya kilala ko na kung sino sya. Si Ruju.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon