CHAPTER: RUJU / EX BABE
-M.C
Ang masigla at malanding lakad ko. Napalitan ng walang ka buhay buhay ng lakad at mabagal. Ang nakangiting ekpresyon ko kanina ay napalitan ng walang emosyon ngayon.
Hindi pa man ako nakaka lapit sa tapat namin. Lumingon na sya sa harapan ko.
"Babe." Nakangiting sabi nya.Muka nya babe! Babe! Babe! Ano nalilibugan ka?!
Wala akong balak pansinin sya. Kaya dumeretsyo ako sa gate namin para buksan yon. Pero ang manyakis kong ex mapilit.
Hinawakan nya ko sa braso ko. "Babe. Usap tayo." Mahinahon at malambing na sabi nya.
Nag pupumiglas ako. Hindi ako sumigaw baka kasi mag ka eskandalo.
Buti na lang at walang tao ngayon sa eskinita. Wala ding aso na naligaw para pag mulan ng ingay.
"Bitiwan mo nga ako." Mahina pero may inis ang tono ng boses ko.
"Kausapin mo ako." Pag mamakaawa nya.
Alam kong mangungulit sya. Susundan nya ako sa bahay. At tatanungn ako ni mama kung bakit sya nandito ngayon na alam na ni mama na hiwalay na kami.
Kaya dinala ko sya kung saan makakapag usap kami. Kahit na sigawan pa ang gawin namin. O brutal na pag uusap yan. Hindi ako maiilang.
Tangina nya! Gusto nya ng usapan ha? Pag uusapan namin lahat ngayon para matapos na.
"O? Mag salita kana." Bwisit na ako tangina!
"Gusto kong linawin lahat lahat sayo Clare."
Ngumisi ako. Yung naiinis na ngisi. "Paano magiging malinaw yung tubig kanal?"
"Sorry."
Siguro kung tanga ako katulad ng iba dyan? Binigay ko na sa kanya yung hindi pa dapat.
Yung nag sasabi ng... 'mahal ko e.' Sabihin na nating mahal mo kaya ibinigay mo lahat. Wala ako sa sitwasyon nyo. Pero sana may hangganan. Pero sana naman yung nasa tama. Sana yung pag bibigay mo sa mahal mo yung nasa dapat sasakto sa lebel mo ngayon.
Hindi nyo kailangan lagpasan yung dapat kung saan palang kayo naka tungtong para patunayan na mahal nyo yung isat isa.
Wag basta basta mag padala sa tukso. Wag lang mag focus sa ngayon. Isipin din sana yung magiging bunga ng gingagawa sa hinaharap.
"Clare. Babe aaminin ko. Gusto kong may mangyari saatin. Aaminin ko din na mali ako. Akala ko papayag ka na gawin na natin yon. Nakailang ulit ako ng pag yaya sa'yo kaso ayaw mo pa. Kaya napa isip ako na. Mahal mo kaya ako?"
"Hindi valid ang paliwanag mo.Aalis na ako." Sa tingin ko naman walang ka hahantungan tong usapan na'to. Anong rason yan? T@ina! Hindi valid. Sarap baliktarin!
Mag lalakad na sana ako para umalis kung nasaan man kami. "Saglit lang naman." Kaso pinigilan nya ako. Hinawakan nya ako sa braso at binalik kung saan ako naka tayo kanina.
"Pero na realize ko na hindi ko dapat inisip yon. Hindi ako nag isip na posible na iba pang rason. Na isip ko na baka ayaw mo kasi... Hindi pa dapat. Na bawal pa."
Yaan kasi. Nag papadala agad sa bugso ng kalibugan.
"At may isa pa akong narealize."
Ano? Na tigang ka talaga?
"Hindi ka lang yung babaeng basta basta."
"Oo malandi man ako sa paningin ng iba. Pero kapag may naka pana na dito." Sabay turo sa puso ko. "Stick to one."
Hirit ko. Totoo naman e. Kapag kasi na inlove ka sa isang tao. Hindi mo na talaga magagawang ku-merengkeng pa sa iba. Na kukuntento kana. Pero kung sinasabi mong hindi mo maiwasan ma inlove sa iba. Tapos may shota kana. Hindi inlove tawag don. Kumakati ka na.
O baka hindi na puso yung timitibok, yung kimchi muna.Sa bagay yung iba. May pag kukulang din minsan sa partner nila o yung partner nila yung may pag kukulang. Kaya na pupunta yung loob sa iba.
Pero hindi padin dapat basta basta. Kung may problema man sa relasyon. Pag usapan dapat. Pakinggan ang panig ng bawat isa. Ganon naman diba? Iba nga papaka tanga pa talaga.
Iba iba kasi naman talaga.
"Tapos na realize ko din... Na mas lalo akong na pamahal sayo. Dahil don. Naisip ko na ang swerte ko na naging akin ka. Kasi iba ka sa mga ibang babae na nakilala ko." Bolero! Neknek mo! Hindi mo ko ma uuto.
"Tapos kana?" Antok na ako. Sabay hikab ko.
"Please... Babe." Tumingin ako sa kanya na maluha luha pa ang mata. Dahil sa pag hihikab. Hindi ako naiiyak no?
"I wan't to prove to you na sincer ako sa pag hingin ng pasensya. Na mahal na mahal kita kahit walang sex."
Sino niloko mong hayop ka?!
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Nangamot ng ulo dahil nga antok na ako. Pag tapos tinaas ko ang kamay, tinapat sa kanya at inangat ang gitnang daliri. "Pakyu!" Sabay alis.
Natulala sya dahil sa ginawa ko. Nang kaunting makatalikod sa kanya nag salita ako habang nag lalakad ng rinig nya. "Antok ka din yata. Uwi na."
Sino inuuto mo ngayon boy?
BINABASA MO ANG
Maling Akala
Teen Fiction"Gusto ko, ang makakuha lang ng kimchi ko. Ay yung lalaking dadalhin ako sa altar." Siya si 'Marie clare tasia.' Isang dalagang sa unang tingin ay, ka diskri diskrimina dahil sa mga kanyang galaw. 'MALANDING VIRGIN' ang Bansag Sa Kanyang Sarili. Pe...