Chapter 4: We Meet Again

167 7 3
                                    

Shierra's POV

“Ikaw?!”

Sa dinami-dami ng students ng school na ‘to siya pa makakabangga ko?! Ang swerte ko naman talaga oh!

“Yeah me?! You know me?”

Ay hindi nga pala niya ako kilala. Sana di na niya maalala yung nangyari nung enrollment. Pag nagkataon patay ako nito.

“Ha?! Hi-hindi! Ngayon lang nga kita nakita dito. Ah sige nagmamadali kasi ako.”

Naglakad na ulit ako. Kaso hindi pa ako nakakalayo nung tinawag niya ako ulit.

“Wait! You look familiar.”

Aww! Patay na! Naalala na ata niya.

Humarap ako sa kanya habang nakangiti.

“Ah baka may kamukha lang ako. Hindi pa naman kita nakikita eh.”

“No. Wait let me think.”

Nagiisip na siya. Sana wag niya maalala!

Sana talaga. Please!

San—

“Oh! Naalala ko na!” sinabi niya yan tapos bigla siyang tumawa. As in yung tawang tawa! “Ikaw yung tatanga-tangang babaeng niligtas ko na muntik na mabangga. Akalain mong tatanga-tanga ka pa rin. Binangga mo pa ko.” Tapos tumawa ulit.

Aba’t! Loko to ah! Tinawanan pa ko! Nung enrollment ang seryoso niya nung niligtas niya ako. Tapos ngayon tawa siya ng tawa. May sira ata sa utak ‘to eh.

“Ikaw  binangga ko? Ikaw kaya bumangga sa akin!”

“Ako? Ikaw nga nakaharang diyan tapos nakayuko ka pa. Kung di ka sana nakayuko edi sana nakita mo akong paparating tapos nakaiwas ka.”

“So ako pa kailangan umiwas? Bakit kasi dire-diretso ka? Hindi mo man lang inisip na may mababangga ka!”

Ayan na! nagsisigawan na kami. Buti na lang break time na. Nasa canteen na yung mga students. Kundi madaming makakakita ng pag-aaway naming nitong mayabang na to!

“Aminin mo na lang kasi na ikaw may kasalanan. Oh baka kasi sinandya mong magpabangga sa akin. Ganun  na ba ako kagwapo? Kahit masaktan ka sa pagbangga sa akin okay lang?” He said that then he grinned.

WOW! Spell mayabang! S-I-Y-A!

“Ang yabang mo! Feeling mo naman sobrang gwapo mo!”

“Bakit hindi ba?!”

Siya gwapo? Oo gwapo siya. Pero mayabang siya!

“Tss. Eh ano naman kung gwapo ka? Eh—“

“Oh di inamin mo din! Haha. Baka naman you like me? Sorry pero may girlfriend na ako eh.”

So may girlfriend na pala siya. Siguro yung nakita ko sa mall na kasama niya. But who cares kung may girlfriend na siya?

“Ako magkakagusto sayo?! No way!”

“Oh let’s see what will happen. Wag ka munang magsalita ng patapos. By the way I have to go. Nice meeting you again. Sana pag nagkita tayo ulit wala ka ng gagawing mga accidents na ganito para lang mapansin kita.” He grinned then he left.

Naiwan akong tulala na naman doon habang tinitignan siya palayo.

Kung dati gusto ko siya makilala, ngayon parang ayaw ko na ata! Ang yabang niya grabe! >_<

“Shierra-chan!”

“Oh Megumi-chan!”

“Hey why are you still holding that books? Akala ko ba dinala mo na sa locker mo. Hindi ka rin pumunta ng canteen. Hinintay kita kaso gutom na ako kaya kumain na din ako. Malapit na din kasi mag-bell. Kumain ka na ba?”

Ay hindi ko na nga nailagay tong mga books na ito dun sa locker ko. Hindi pa ko nakakain. At kasalan lahat ng ito nung si…

 Ano nga ba pangalan nun? Hindi ko nga pala alam. Pero ayos lang. Wala na din akong balak malaman.

“Ah hindi pa ko nakakain. Eh kasi may mayabang ako nakabangga.”

“What? Sino?”

Sasabihin ko bang yung si new student? Wag na lang. Baka madami pa siyang tanungin.

“Ah wala. Hindi ko kilala eh.”

“Okay. Ay nga pala hindi ka na ba kakain? Samahan na kita sa canteen.”

“Wag na. Baka ma-late pa tayo sa next subject natin.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

4:15 pm.

Hinihintay pa namin yung teacher namin sa last subject namin.

Physics.

3rd year pa lang kami pero pang-4th year na yung iba naming subjects. Eh kasi nga nasa special class ako. Advance na tinuturo sa amin. Halos di na nga kami matulog minsan pag may ipapasang requirements eh. Mga haggard tuloy mga itsura namin pag pumapasok.

“Good Afternoon class.”

Oh andyan na si Sir Santos. Sabi nila terror daw ‘to eh. Kaya kailangan ko making.

“Class since 1st day pa lang. We’ll just elect our officers.”

Haay. Salamat naman at hindi muna kami magka-klase.

Nagsimula ng mag-elect ng officers. At ako? Heto, nakatingin lang sa bintana. Tinatanaw yung mga students na nagsisiuwian na. Haay! Wala akong gana makinig.

“Okay goodbye class. See you tomorrow”

Hindi ko namalayan na uwian na at natapos na pala yung pag-elect ng officers. Hindi ko nga din namanlayan na na-elect pala akong muse tapos si bryan yung escort. Gusto ko sana mag-president kaso parang wala ako sa sarili kanina. Ang dami kong naiisip eh.

At isa na dun si YOU-KNOW-WHO. Si mayabang na gwapong savior ko.

Hinihiling ko kasi na sana last na naming pagkikita yun. Alam kong imposible kasi nasa iisang school kami. At ang malala nasa iisang building pa kami. Pero sana naman hindi ko makita yung mayabang na iyon araw-araw. Kapag nangyari yun baka sira palagi araw ko.

Why Can't You Love Me More Than This?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon