It's you

8.4K 75 8
                                    

I was only 8 years old...When I met a guy in Calinisan beach resort. I know that this guy wants to help me. Gusto nya akong tulungan nang makita nyang sumusuka ako na may kasamang dugo, nagulat sya ng makita akong ganun. Habang sumusuka ako, tinatanong nya ako "okey ka lang?" Sumusulyap lang ako sa kanya non dahil diko magawang magsalita, ilang minuto pa nilapitan nya ako then he said "I want to help you. Pero anong pede kong gawin para matulungan ka?" Sumulyap lang uli ako, sobrang sakit na ng lalamunan ko non dahil sa pag suka ko pinipilit ko ding ilabas yung tinik ng isdang tilapia na nalunok ko dahil yung tinik na yun ang dahilan kung bakit may kasamang dugo yung suka ko. Akmang magsasalita na uli sya ng biglang dumating yung lola ko, tinulungan muna ako ng lola kong mailabas ng kumpleto yung isinusuka ko, at ng mailabas kona lahat hinila nya ako pabalik sa cottage namin. Di man lang ako nakapagpasalamat non sa lalake na nag alala sakin at diko man lang nalaman ang pangalan nya.

After a years...I was 10 years old that time, when I saw an unknown guy in my dreams. As in diko talaga sya kilala, nagtaka nga ako kung bakit ko sya napapanaginipan pero kahit ganun, pakiramdam ko nakilala, nakita at nakausap kona sya noon pa man pero diko masabi kung kelan, saan at kung paano.

Then, 15 years old ako ng makilala ko si Denver sa school, He's the Campus heartthrob at di lang sya gwapo, mabait din sya, matalino at marespeto. Grade 10 sya nun at grade 9 naman ako. Sya ang kauna unahang lalake na pumukaw ng atensyon ko, I can't explain pero unang beses kopa lang syang makita sa school pakiramdam ko magkakilala na kami bata pa lang ako. Pero im imagining things lang naman siguro.

At yun nga, habang tumatagal ako sa school non nakilala kopa si Denver, at ang maganda naisipan nya pang makipagkaibigan sakin. At yun, naging friends kami...Bestfriend rather, I knew a lot about him and also, he knew a lot about me too. Pero isa sa gumulo sakin sa mga nalaman ko is yung...

One time, nasa science garden kami ng school nagkukwentuhan, I asked him "Sa daming nagkakagusto sayo dito sa school bakit ni isa wala kang magustuhan sa kanila?" He smiled and answered me... "I'm waiting for someone. Almost 10 years na ata akong naghihintay o naghahanap sa kanya." I was so curious so I asked him again "Then, sino bang hinihintay? Hinahanap mo?" He looked at me, "I don't know her name. Nakilala ko lang sya sa isang beach resort. I'm only 9 years old when I met her. Unang kita kopa lang sa kanya non, sobrang nagandahan na agad ako sa kanya at yon...Nagkacrush ako sa kanya, kahit tingin pa lang nagagawa ko non, nagkagusto na agad ako." He smirked "Gustong gusto ko syang lapitan nong mapansin kong parang nanlalambot at nahihirapan sya pero diko magawa dahil sobrang nahihiya ako. Then, minutes later nakita kong sumusuka sya with dugo pa. Nag alala akong sobra non, pero diko alam ang gagawin ko, nalapitan ko sya at nagtatanong ako kung okey lang siya pero puro sulyap lang naman yung sinasgot nya sakin. Itatanong kona sana yung pangalan nya pero dumating yung lola nya ata? At umalis na sila" A minutes of silence....I remembered that moment pero ako nga kaya yung tinutukoy nya? Arghhh... I asked him again and again "Meron kang pagkakakilanlan nya? Baka lang naman?"Then, may kinapa sya sa bulsa ng polo nya. "Yung bracelet lang na nahulog nya non yung nasakin eh" I suddenly stop. Naaalala ko yung bracelet na yun. Yun yung bracelet na nawala ko. Bigay pa yon sakin ng papa ko bago sya mamatay may kapartner pa yung kwintas.Pero dahil nagmamadali na si lola dina ko nakapagsalita. Nahulog ko yung bracelet at hindi ko ineexpect na nasa kanya yon.

Kinapa ko yung bulsa ng palda ko at kinuha yung kapares na kwintas nung bracelet. Pinakita ko yun sa kanya, nagtaka sya then I explained... Siguro yun din yung reason kung bakit sa unang kita ko sa kanya pakiramdam ko magkakilala na kami. Kaya pala pakiramdam ko sya at yung napanaginipan ko nung 10 years old pa lang ako ay parang isa lang. At siguro kaya sya uli yung nagustuhan ko maliban dun sa lalakeng nakilala ko sa beach dahil yon at sya ay iisa lang...


Collage student kami nung naging mag boyfriend at girlfriend kami... And now kasal na kami at may isang anak na babae. Masaya kaming namumuhay ngayon...Sabi nga nila kung kayo ang itinakda kahit sa tingin mo imposible, si tadhana na ang bahalang pagtagpuin uli kayo...He's my first crush, first boyfriend, first love and he's my only one...



The End....

Tadhana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon