Unexpected Us

2.8K 27 0
                                        


"Hoy! Graceee!! Tigilan mo nga yang pag babasketball mo!! Ke babae mong tao panlalaki nilalaro mo!! Halika dito!!" Bulyaw ni mama sakin. Hay nako! Aga aga tinotopak na naman tong maganda kong mama. Tss.

"Mamaaaa!! Hayyst! Ke aga aga tinotopak na naman kayo. Kala ko ba nag usap na tayo. Tss." Paglalambing ko kay mama. "Hay! Halika na. Aalis na tayo. Maligo kana!! Ambaho baho mona!!" Sigaw pa nya. Inamoy ko yung may kilikili ko. Tss si mama talaga e kabango bango kopa.

"Sige na maaa! Susunod ako—arghhh! Mamaaa—" arayyy!! Mama naman ehh. "Anong susunod!! Tara naaa!!"

Pagkatapos naming kumain ng hapunan hinila ako ni mama papunta sa may sala at kinausap.

"Tapatin mo nga ako grace! Tomboy kaba! Ha!" Sambit ni mama na di naman patanong yung pagkakasabi. Ako? Tomboy? Naku! Si mama talaga!

"Tsk! Mama? Ako?" Tinuro ko sarili ko "Tomboy? Lul! Hindi no!" Ngisi ko kay mama.

"Oh! Kung ganun bigyan moko ng manliligaw mo" ha? Teka! Kelangan ba yun—

"Grace! Tao po!" Ha? Hakdog tong lalaking to ah. Sino ba to at gabing gabi na e nambubulahaw pa.

"Oh! Ambilis naman Grace!" Halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Erron katabi ni mama. Kanina lang kausap kopa si mama pero ngayon nasundo nya agad sa labas tong si erron at—Wahhh! Bakit nandito to??

"Ah! Toy? Ikaw ba boyprend nitong si grace—" Diko na pinatapos si mama "Maaa!! Wala. Akong. Boyfriend.!" Napahawak na lang ako sa dibdib ko ng biglang ngumiti ng nakakaloko si Erron sabay kindat sakin at sinabing

"Ah! Opo tita. Boyfriend po ako ni Grace!" Magsasalita pa sana ako ng umepal na naman si mama. Haystt!

"Aba! Grace. Akala ko tomboy ka. Akala ko manliligaw lang yun pala! Boyfriend na. Danilooo! Halikaaa! May papakilala ako sayo!" Halos manigas at manginig naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pangalan ni papa. Habang si Erron naman ay ngingiti pa. Anong trip nitong lalaking to? Hmmm. Pinandilatan ko sya ng mata pero tawa lang ng tawa amp.

"Sino ba yon Elsa? Gabing gabi na—" Hindi na natapos ni papa ang sasabihin nya ng magsalita na naman si mama.

"D-danilo...A-ng p-prinsesa n-natin...D-dalaga na." Sambit ni mama habang may paiyak iyak pa. Diring diri naman ako kay mama habang si Erron ay natatawa lang at si papa naman ay agad hinawakan ang magkabilang balikat ni mama. Yak!

"M-may boyprend na ang grace natin." Oa mo ma! Napakamot na lang ako sa ulo ko at magsasalita na sana ng bigla namang magsalita si Erron...

"Uhmm. Erron po...Boyfriend ni Grace at magiging asawa nya din po." Akala ko magagalit si papa pero laking gulat ko ng ngumiti ito at nakipagkamay pa kay erron. What the—my spokining dollar! Shocks*

"Aba! Totoy! Erron... kaylan ang kasalan?" Sambit ni tatay na halos ikaluwa ng mata ko...




Napakasayang balikan ng kwento naming dalawa.2 years na kaming kasal ni Erron at hindi ko inexpect na ganto pala talaga makipaglaro ang tadhana. Haha! Pero wala ako pinagsisihan sa nangyare. Si Erron yung taong diko inaasahang dadating sa buhay ko na kaylanpaman ayoko ng mawala. Sya yung taong kahit kailan hindi ko inaasahang mamahalin ko ng sobra. Napakabilis man ng mga pangyayari, masaya naman ako sa plano ni tadhana.

The end....

Tadhana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon