CHAPTER I

14 2 3
                                    


HI GUYS THIS IS MY FIRST STORY NA SUSULATIN KO HOPE YOU LIKE IT AND ENJOY KAMSA

********************
CHAPTER I

Umiiyak ngayon si Elise kay Cristine dahil sa kasintahan nitong niloko siya at pinagpalit sa ibang babae alas otso palang na umaga nang binulabog nito ang dalaga

"sinabi ko naman sayo Elise lahat yan pare parehas lang ang hanap lolokohin ka lang ng mga yan pagtapos makuha ang gusto"

Sabi ng dalaga habang nag susuklay ng buhok. Tumingin ang dalaga sa kanyang kaibigan na iyak lang ng iyak sa kanilang papag naawa ito sa kanyang kaibigan kaya pinukol niya ng tissue ang kaibigan

"ayan magpunas ka dapat hindi iniiyakan yang mga lalaking yan dapat hindi natin iniistress sarili natin"sabi niya at tinulungan ang kaibigan na ayusin ang kanyang sarili

Sa tuwing may nakikita siyang babae na umiiyak dahil lang sa isang lalaki lagi niyang naaalala ang kanyang ama na iniwan sila ng kanyang ina para lang sa iba. Ang kanyang ama ang dahilan kung bakit nagkasakit ang knyang ina na ngayon ay wala na. Naaalala niya ang sakit na naramdaman niya noon

"ate kakain na tayo anjan na si mama may dalang talbos na kamote" sabi ni Elton na walong taong gulang na itinuturing niya na tunay na kapatid kahit hindi niya kadugo.

Noong nawala ang ina ng dalaga ang kaibigan nito ang kumupkop sa kanya na si aling Emma na ina ni elton. Itinuring siya nito na parang totoong anak kaya napakalaking utang na loob ng dalaga kay aling Emma.

"tita si elise nga po pala kaibigan ko po" sabi ng dalaga habang inaayos ang mga kubyertos at umupo na sa upuan

"magamdang umaga po aling Emma"

"abay dito ko na kumain Elise pasensya ka na sa ulam namin talbos lang ang napitas ko sa bukid kanina" sabi ng ginang at umupo na sa tabi ni elton

"okay lang po aling emma ganyan din po kinakain namin sa bahay" sagot ng dalaga at sinimulan ng kumain

"anak pumunta ka nga pala mamaya kila donya solidad may ibibigay daw siyang mga damit para sayo" sabi ng ginang kay cristine

Si Donya Solidad ang kanyang amo kung saan siya ay nagtatrabaho sabi ng kanyang ina na ang kanyang lola at ang donya ay isang matalik na magkaibigan noon

Napakabait ng Donya sa kanya sa katunayan ang dalaga ang pinaka pinagkakatiwalaan ng donya sa lahat ng nagtatrabaho sa mansyon.

Sa pagkakaalam nito ay ngayon uuwe ang apo nito galing sa manila ngunit hindi niya kilala ito dahil wala namang naikwekwento ang donya sa kanya

Manila. Kailan kaya ako makakapunta roon. Sa isip isip ng dalaga. Her wish is to be there to continue her studies there at mamuhay upang may maipagmalaki sa kanyang ama ang kanyang tagumpay ngunit alam ng dalaga na mahihirapan ito kung pupunta siya sa manila dah wala itong sapat na pera

"tita aalis na po kame ihahatid ko na po si elise sa kanila tas dederetso na po ako kila donya"sabi ng dalaga at lumabas na ng bahay kasunod nito ay si elise na hangang ngayon ay nakatulala pa rin

"sige bess alis na ko ayusin mo yang sarili mo gurl ahh pupunta pa kase ako kila donya"sabi ng dalaga ng makarating ito sa kanto ng bahay ng kaibigan

Tumango naman ito bilang sagot

Habang naglalakad ang dalaga sa kalsada may sira ulong sasakyan na muntik na siyang masagasaan kaya ipinikit na lamang nito ang kanyang mata dalawang mata (malamang alangan namang tatlo mata mo >_<)at inantay na masagasaan siya

kung di lamang ito tumigil ng tatlong metro ang layo mula sa kinatatayuan niya ay maiisip niyang magbabakasyon ito sa hospital

"Hoy lumabas ka jan buksan mo tong bintana" giit ng dalaga habang kinakatok ang bintana ng sasakyan ngunit imbis na lumabas ay pinagpatuloy nito ang pagmamaneho pero bago ito makaalis ay mabilis na kumuha ang dalaga ng bato at pinukol ito sa bintana dahil dito ay nabasag ito

Love Of My Life - Solidad series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon