Naglakad na ako papunta sa table namin. Nandoon na sila Mommy at Daddy, pati si Ate at si Kuya na may kasamang babae, ulit. So we’re complete na.
“Oh, san ka ba galing? Kanina pa kami naghahanap sayo.” Walang ibang sungit kundi si Ate Laine.
“Sinamahan ko kasi si Tanya sa CR.” I replied. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa pagitan ni Ate Laine at Kuya Derick. Kinuha ko yung tease spoon at akmang hihigop ng soup pero biglang nagsalita ulit si Ate.
“Who is Tanya?” Everyone on the table stared at me.
“Basta, yung batang nameet ko lang diyan kanina. Anak siya ni Ali Ruiz, kilala mo ba yun Kuya?” Nabaling naman yung tingin nila kay Kuya.
“Uhm, I’m not so sure, pero I think meron nga akong nameet 7 years ago. Bakit mo natanong?”
“Ahh, wala lang. Kain nalang tayo.” I changed the topic kasi baka mabuko ako.
Nagsimula na kaming kumain. Lahat ng tao sa hall ay kumakain na rin.
Tama talaga ang hinala mo Dann. Pero hayaan mo ng ang Kuya mo ang magsabi sa mga magulang niyo. *Bravo*
“Laine, hindi ba pupunta dito si Timmy?” Mom broke the silence between our meal.
Si Kuya Timmy ang Fiancè ni Ate, and they’re going to marry next, next month.
“Hindi po Mommy, nasa business trip kasi siya sa Europe.”
“Ow, I see. Kailan ang balik niya?” This conversation is just between Ate and Mommy at kami kumakain lang habang nakikinig sa kanilang dalawa.
“Sabi niya po next week daw.”
“Mukhang napapadalas na yang business trip niyang Fiancè mo ah?” Sumulpot na si Daddy sa usapan nung dalawa.
“May bago po kasing project na ilalaunch yung company nila, kaya kailangan talaga.”
Daddy just nodded, and continued eating.
“Mic test.” The emcee was upstage.
“While everybody is eating, may I invite the newest Chef in the family, Ms. Danielle to come up and render a special song to us to savour our dinner?”
Hala, hindi po ako prepared.
Kaya mo yan Dann, tiwala lang. Lagi ka namang handa sa mga ganyang bagay eh.
I saw my Baby, my dark blue guitar on stage shining like a star. I named it Coisani, may history yan eh.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad papunta sa stage habang nagiisip kung ano ang kakantahin ko.
Narinig ko ang palakpakan ng mga tao, may naghihiyawan din at sinasabi ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Definitely (Not) Inlove
Ficção AdolescenteHerra Danielle Padua, a young professional; a common and simple girl haven't had a boyfriend since birth. The reason behind it is she is a perfectionist who looks for a perfect person which does not exsist. Let's see who'll hook her perfectionist he...