That night.

39 0 0
                                    

~~Chapter 11

Cassie's POV

Umalis na ako dun. Masakit kasing nakikita yung taong minahal mo ng ilang taon tapos balewala ka sa kanya, kahit friendship di mabigay .. Aquintance lang. Alam ko naman pinapakilig ko lang sarili ko ee lalo na nung binigyan niya ako ng ticket. Pagbigyan niyo nalang ako ha.

[ Life is a road and i wanna keep going ---ringtone ko]

Pagcheck ko kung sino yung tumatawag si Xander lang pala.

"hello?"

"asdfghjklqwrryu" walang nagsisink in saken sa mga sinasabi niya kaya binaba ko nalang at flinight mode yung phone ko para di muna ko maistorbo.

Bakit ba ganto ako. Ako kasi yung klase ng tao na ang hilig mag-isip ng mga bagay bagay. Inaassume ko ang mga bagay na ikasasakit lamg lalo ng puso ko. Eto ko ngayon parang tanga nakaupo sa may playground ng village at nakatitig sa kawalan. Ang tahimik ang sarap ng feeling 10 na rin kasi ng gabi kaya lahat ng tai nasa mga bahay na nila.

Pero ako eto di ko alam kung bakit may bumabagabag sakin. Alam niyo yung feeling na ang lungkot niyo pero wala namang dahilan. Eto ang nararamdaman ko ngayon.

"bakit ka ba kasi ganyan?" okay kausap ko yung bato.

"buti ka pa hindi marunong magreklamo kahit sinisipa sipa ka na nila!" parang baliw akong kinakausap yung bato sa may paanan ko.

"Sana katulad niyo ako hindi nasasaktan" Tuluyan ng may tumulong luha sa mata ko. Alam ko na ngayon kung bakit ako nalulungkot. Alam ko na kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Kasi si Andre matagal ko mg mahal pero hindi ako pinapansin tapos eto ngayon si Xander pinaglalaruan ako pero hinding hindi siya nawala sa tabi ko.

Pinikit ko ang mga mata ko para marelax naman kahit papaano pero nagulat ako ng may nagpunas ng luha na pumatak sa mata ko.

Pagmulat ko nakita ko si Xander. Nakatingin lang siya sakin. Hindi ako nagsasalita ayokong malaman niya ang tungkol kay Andre mahirap na.

"Batang iyakin!" sabay kurot niya sa braso ko.

Di ako nagsalita, tinignan ko lang siya ng masama.

"Wag ka na nga umiyak. Bakit nanaman ba?" tumingin tingin siya sa paligid. "ahh alam ko na sinisisi mo yung bato noh". Dagdag niyang sinabi.

Kilala na nga niya talaga ako.

"Eh kasi sana bato nalang ako para wala akong nararamdaman!" sigaw ko sa kanya.

"Alam kahit gaano pa katigas at strong ang bato madudurog at madudurog yan. Simpleng pagsipa nababawasan yan."

"tapos?"

"Hindi mo dapat sinisisi sa bato ang pagdadrama mo! Cassie naman kung mahal mo yung tao bat ka magmamatigas? Ipakita mo! Malay mo nagaantayan lang kayo!" he yelled at me. Then looked away. He glanced for the last time and left me there, instill.

"Xander bat ka ba ganyan" bulong ko lang sa sarili ko.

Andre's POV

Nung pauuwi na ako naisipan ko munang dumaan sa park at kagulat gulat namang nakita ko Cassie nakaupo dun. Ang cute niya nga ee nakapikit pa. Mukha siyang anghel. Kaya lang biglang may tumulong luha sa mga mata niya.

Sa sobrang pagtataka ko lalapitan ko na dapat siya. Siguro may bagay nanamang nasaktan siya ng todo. Iyakin yan mula pa noon. Kahit anong pagtatago niya mahina talaga siya. Sakto may jacket akong dala. Baka nilalamig siya.

Papalapit na sana ako nung nakita ko si Xander na lumapit sa kanya. Mukhang seryoso pinagusapan nila. Aalis na nga sana ako dahil hindi kaaya aya sa mga mata ko ang nakikita ko. Pero isang step palang palayo narinig kong sinigawan niya si Cassie. G*g* yun ahh! Lalapitan ko dapat pero umalis na rin siya. Kaya nilihis ko ang daan konpara magkasalubong kami.

Nung medyo malayo na sa park.

"Xander!" sigaw ko sa kanya.

"Ano bang problema mo bat mo sinigawan si Cassie?" dagdag kong sinabi kasi parang wala siyang paki.

I caught his attention! Huminto siya at lumingon.

"You dont know what youre saying!" then he turned back again. Weak tong lalaking toh!

Pero on the other side nakikita ko ang sarili ko sa kanya .. Lalaking wala pakialam kung may nasasaktan mang iba.

"Ano ginawa mo kay Cassie?" nilapitan ko na siya.

"Ikaw ang dapat tinatanung ko niyan!" He pushed me at umalis na ng tuluyan.

Bakas sa mata ni Xander ang galit. Kitang kita mo sa kanya na gusto niya na akong suntukin pero pinipigilan niya lang. Pero bakit ba ganun? Wala akong ginawang masama kay Cassie. Higit sa lahat niyaya ko pa nga siya ee. Ano ba tong babaeng to? NapakaKumplikado.

I went back to the park at inaasahan na sana andun pa sya. Gusto ko iparamdam sa kanya na heto ako pede mong sandalan. At di naman ako nabigo. I saw her changed her place nasa swing na siya at nakatitig sa kawalan.

Lumapit ako sa kanya at ipinalupot sa kanya yung jacket ko.

"Gabi na bat nandito ka pa?"

She just stared at me. Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot. Nabigla naman ako nung may tumulong luha sa mata niya. I sled my hands on her face, "Bakit ka umiiyak"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Inalis niya lang ang tingin niya sakin at yumuko.

"Anong ginagawa mo dito Andre?" Sabi niya sakin ng hindi manlang ako nililingon.

"Napadaan lang ako. At nakita kong may isang babaeng nakatitig sa kawalan nung nilapitan ko. Ikaw pala"

"ahhh" she just sighed.

"Bakit ka malungkot? Di bagay sayo ang nakasimangot!" i tried lifting her chin to face me.

Nabaliw na ata si Cassie pagtingin sakin ayun humagulgol nanaman ng iyak. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I leaned towards her and hugged her really tight, "Ayokong nakikita kang umiiyak"

"Ano bang pakielam mo? Ikaw naman may kasalanan ng lahat ng ito eeh" sinusubukan niyang pumalag. Pero mas hinigpitan ko pa. Pinagpapalo niya nalang ang likuran ko.

"Lalayo na ako. Nasasaktan na ako. Di mo naman ako mapapansin ee at ilang taon na akong eto nagmamahal sayo!" nabigla ako sa mga pinagsasabi niya. Speechless pa rin ako di na ako nagsalita.

Tinulak na niya ako ng tuluyan at ayun umalis na siya. Hahabulin ko na siya pero ang bilis niya nagtatakbo siya. Hindi ko na alam kung san siya nagliliko basta alam kong papunta yun sa bahay niya.

-----------------

Sorry guys mobile upload lang ulit.

Alam niyo ba yung feeling na angsakit sakit na yung taong mahal ko hindi ako pinapansin. At yung taomg palaging andyan lagi ko lang nasasaktan :(

----------

You Got Me; Complicatedly!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon