SWITCH #5

584 27 6
                                    


Nakaka-isang linggo na mula nang nagbago kasarian ko. Ang dating Evans T. de Rosales ay naging Eloise T. de Rosales.



At oo, may boobs ako.



Ngayon, nagtatago ako.



At bakit ako nagtatago?



"Angel~"



Ayun, hinahanap ako ng ipis!



"Nakaka-irita na 'yang Alistair na 'yan!" sabi ko habang nagtatago sa ilalim ng teacher's table.

"Mare, alam mo bang kitang-kita ka diyan?"

"Eh loko ka pala! Talagang malalaman niya na nandito ako dahil kinakausap mo ko! Umalis ka nga!" Mula nang halikan ako ni Alistair, everyday after school pinupuntahan ako ng mokong na 'yun. Pati rin lunch time umuupo sa table namin ni Marseille sa canteen. Para ba siyang tuta na sunod-sunod lang sa akin. Gusto ko na talagang sapakin pero pinipigilan ako nung isa o kaya naman ang mga masasamang tingin ng ibang babae.

Nakakatakot kaya.

Kaya ngayong week suko na ko. Ang ginagawa ko na lang ay maagang umuuwi o kaya naman tinataguan 'to.

"Angel? Nandyan ka ba?"

"Mustafa, sabihin mo sa unggoy na 'yan na wala ako dito!" bulong ko.

"Pano ka wala dito eh kinakausap mo nga ko? At pwede bang tama na sa Mustafa na 'yan? Anong klaseng magulang ang ipapangalan sa anak nila ay Mustafa?!"

"Malay ko sa magulang mo! Paalisin mo na siya!"

Tinawag niya 'to. "Papa Alistair! Sabi ni Eloise wala siya dito."

"Huh? Paano mo nalaman?"

"Sabi niya sa twitter. May hashtag pa nga eh. #hanapinmokoAlistair #teehee"

Natawa siya. "Paligoy-ligoy talaga si angel. Pakisabi na lang hahanapin ko na siya. #nasalikodmolangko"

Narinig ko 'tong umalis kaya lumabas na ko sa tinataguan ko. "Ano ba pinagsasabi mo sa kanya? At anong teehee?!"

"Ano ka ba, mare. Landiin mo naman si Alistair. Hindi mo ba nakikita na ikaw ang hinahabol niya? Never siyang naghabol ng girl~ Laging ang mga girls ang naghahabol sa kanya. Ito na ang pagkakataon mo sa kanya at sinasayang mo lang!"

"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa mokong na 'yun! Mas gusto ko pang makatuluyan ang balyena!"

"Oh de sige. Makipag-swmming ka na rin sa galunggong."

Lumabas na kami sa classroom at dahan-dahan akong naglakad sa hallway. Baka kasi nandyan pa siya at bigla na lang mag-appear. Ilang beses na nangyari 'yun. Minsan pa nga naghuhugas ako sa CR at pagkatingin ko sa salamin, nakadungaw siya sa may pinto, at nakangiti pa.


Creeper.


"Mare, ano bang ginagawa mo at nagtatago ka sa palda ko?"

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon