Dahil sa pagkapanalo namin sa volleyball, wala kaming klase ngayong Lunes. Akala ko makakapag-relax ako ngayon, pero hindi. Biglang tumunog cellphone ko at nagdala ng masamang balita si Mustafa.
"Mare, tinawagan ako kanina ni papa Alistair. Pumunta ka raw sa Chocolat cafe mamayang three. 'Yung katapat lang ng The Square."
"Bakit?"
"Dun daw pangalawang date niyo. Hais! Bakit kasi 'di mo pa ibigay number mo sa kanya. Nakakaloka kayo! Gawin ba naman akong third wheel!"
"Kahit kelan 'di ko ibibigay number ko sa mokong na 'yun. Baka i-track lang niya phone ko."
"Bahala ka na nga mare. Stress kayo sa pimple ko. Pinapasabi pala rin niya na magsuot ka ng something pretty. Babush~"
Tinatamad pa naman akong umalis pero inisip ko na lang na para matapos na rin 'to, naggayak na ko.
________________________________________________
"Sige, kuy-este, ate."
"Hoy, 'yung pang gas. Wala ng libre ngayon."
Nag-iwan ako ng sampu sa upuan. "Sobra pa 'yan. 7.50 na lang ang Ariel." Bumaba na ko sa kotse at pumasok sa Chocolat cafe. Nakita ko siyang nakaupo sa may corner at may binabasang libro. Pinuntahan ko 'to at nang makita niya ako, tinago agad ang binabasa niya sa bag.
"Medyo late ka angel." Natawa siya. "Pero ok lang. Alam ko naman natagalan ka sa paghahanda sa date natin."
"Feeler naman nito." sabi ko at umupo na. "So dito pangalawang date natin?"
"Yup, pero kung gusto mo, pwede tayong pumunta kahit saan pagkatapos dito."
"Wag na. Ok na dito at mapapahaba pa lang pagsama ko sa'yo."
Napangiti siya. "Ayaw mo 'yun? The longer the better."
May lumapit sa amin na waitress at may dalang mga coffee. "Sir Alistair, here are your orders." Nilatag niya 'to at nginitian ng matagal si Alistair bago umalis.
"Ako na nag-order sa'yo, pero promise magugustuhan mo pinili ko. Banoffee Pie at for the coffee, almond cookie flavored siya."
Tiningnan ko ang coffee at nakita ang design na butterfly sa ibabaw nito. Tinikman ko nga 'to at nagustuhan ang lasa. "Masarap nga siya." Napansin ko kakaiba naman ang coffee niya at tinanong "Ano 'yan?"
"Ah~ wait lang." Tumayo siya at pagbalik may dala siyang tasa ng gatas. Unti-unti niyang binuhos ang gatas sa inumin niya.
Pinanood ko lang siya hanggang sa nakagawa siya ng angel. "Wow, marunong ka pala sa ganyan."
Napangiti siya. "Mas gusto ko kasi ako 'yung nagde-design sa kape ko para espesyal talaga."
"Ano ba kinuha mo?"
"Caramel nut fudge and maple nut crunch with two sugar cubes," May binudbod pa siya dito. "at may konting cinnamon~" Actually, wala sila nito sa menu. Nire-request ko 'to at matagal na kong customer dito kaya alam na nila ino-order ko. Hindi na rin nila dinedesignan since alam nila ako na gumagawa."
"Ang galing mo ha. Maganda siya, at talagang angel pa ginawa mo."
"Kasi inspiration ka niyan, 'di ba angel?" Ngumiti siya sabay kindat.
Hindi ko na lang 'to pinansin at kumain ng banoffee pie ko.
"Angel, gusto kitang makilala. 'Di ba sabi mo nga hindi natin kilala isa't-isa? Then let's try to get to know each other."
BINABASA MO ANG
SWITCH
Teen FictionSimple lang naman ang gusto ni Evans: mapasakanya ang babaeng gusto nito. Malay niya bang sa pagpindot ng switch na 'yun babaliktad ang mundo... Literally. "BOOBS?!" Story by kcxtreme & ilovemars4ever Cover made by Dark_Keiichi/dkengerous