SWITCH #15

901 53 17
                                    


Pagkagising ko nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Dahil ata sa party kagabi at nagpaulan pa ko. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Nang makapunas na ko ng mukha, tiningnan ko sarili ko sa salamin para makita hindi mukha ng babae, kung di ng lalaki.


Hindi mukha ni Eloise, kung 'di ni Evans.


Nanlaki mata ko at napahawak sa mukha ko.


Lalaki na ko...


LALAKI NA KO!


Ito na si Evans T. de Rosales! Bumalik na ko! Bumalik na ko sa dati- teka lang.


Napatingin ako sa pajamas ko at tiningnan ang loob.


"BUNTOT KO! MAY BUNTOT AKO! LALAKI NA KO ULIT! HINDI NA KO MAGKAKA-RED FALLS OF DOOM!"


*BAM BAM*


"Hoy! Ano pinagsisisigaw mo dyan!"

Dali-dali akong lumabas ng banyo at binuksan ang pinto para makita ang kapatid ko; ang kuya ko. "Kuya! Kuya lalaki ka na rin! Wala ka ng chocolate hills-" Binatukan ako.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Anong chocolate hills?! Lumabas ka na dyan at kakain na!"

Ang sakit ng pagkabatok niya, pero ok lang, natutuwa ako at mukhang bumalik na sa dati ang mundo. Sumunod ako sa kanya pababa at nakita ang mga magulang ko na nasa maayos din na kasarian nila. Uupo na sana ako nang biglang may nag-doorbell at pinagbuksan ko 'to para makita hindi si Marseille, kung 'di si Mustafa.

"Pare-"

Hinawakan ko mukha nito at tinitigan ng maiigi. "Mustafa? Mustafa ikaw na talaga 'yan! Hindi ka na si Marseille na malanding babae! Lalaki ka na! May buntot ka na!"

Napatitig 'to sa akin. "Naka-shabu ka ba?"

Napangiti na lang ako. "Long story, pare." Hindi ko na ikekwento sa kanya, o kahit kanino pa. Hindi sila maniniwala sa akin, at baka sabihin tinotopak pa ko.

"Ok...so ready ka na ba?"

"Ready saan?"

"Pare, pupunta tayo sa mall 'di ba? Bibili tayo ng games. Napag-usapan natin 'yan kagabi nang papunta tayo sa The Square."

Napaisip ako at naalala nga na napag-usapan namin 'yun. Pero bakit niya nasabi kagabi? Isang buwan na kaya 'yun. At bakit sa The Square? Ibig sabihin nun bumalik na alaala nila? "Di ba pumunta tayo kagabi sa birthday ni Jean- este ni Jaden?"

Napataas 'to ng kilay. "Ha? Birthday ni Jaden? Ano pinagsasabi mo pre? Ang birthday niya sa November 30 pa."

"Kaya nga. Kahapon lang 'yun."

"Pare, mukhang kailangan palitan mo ang kalendaryo mo. November 1 pa lang ngayon."

Nanlaki mga mata ko. "A-Ano? I-Imposible! Nakaka-isang buwan na tayo! December na!"

"Atat sa Noche Buena noh?" Pumasok siya sa living room at binuksan ang TV. Palabas ngayon ang news at sa baba nito, makikita ang date ngayon.


November 1


Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. Chineck ko ang cellphone ko at nakalagay Nov. 1. Tiningnan ko ang nasa dyaryo, tinanong ang mga magulang ko, at ginoogle ko pa kung ano talaga date ngayon, at lahat pareparehas ang sagot,

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon