Chapter One

34 0 0
                                    

Chapter One

"Relle! Relle! Gising na!" Ingay naman ni Mommy! Weekend ah?

"Kendice Jerelle! Gising na! Tanghali na!"

Shemay! Si Mommy ba 'to?! Ba't tumatalon sa kama ko?

Naramdaman ko yung palad niya sa mukha ko. Aba bastos 'to ah! Kaya napilitan akong bumangon.

"Waaaah! Praise the Lord! Gising na siya!"

"Bakit, na-coma ba 'ko?" sabay irap ko sa kanya. Dun lang nag sink-in sa utak ko na nandito siya.

"Ano? Gulat ka noh?" with matching actions pa ni Coco Martin.

"VAUN! Ano ba problema mo? Sabado! Umaga!" sigaw ko sabay bato ng unan sa kanya. Tawa siya ng tawa habang binabato  pabalik sa'kin yung mga unan.

"Arte mo naman, ikaw na nga sinusundo eh! Tara, gala."

"Gala nanaman? Hindi ba uso pahinga sa'yo? Wala sa bokabularyo mo 'yun?" tanong ko.

"Wala! Hahaha. Napaka-KJ mo! KJ! Bagay sayo eh, Kendice Jerelle, KJ!" tawa pa rin siya ng tawa. Hindi ba nauubusan ng hininga 'to? Paulit-ulit na yang 'KJ' joke na yan ah. Nangangalawang na. Hmph! Magantihan nga...

"Eh atleast ako kahit bagong gising, mabango! Eh ikaw? VAHO! Bagay rin sa'yo, Vaun Andre Herrera Orteza! VAHO!" with matching suntok ko pa sa hangin. Ha! Kala niya ha.

"Nako, ewan ko sa'yo, tara na nga!" tignan niyo, siya rin talo.

"Teka, 5 minutes, ligo lang."

"Tss. 5 minutes, maputi na lahat ng buhok ko, pati sa ano, hindi pa lalabas yan."

Binato ko siya ng unan, akala niya hindi ko narinig yun ha!

"LABAS! Si Mommy nalang guluhin mo." tapos lumabas na siya ng tumatawa.

After 3 minutes...

"Hoy! Bilisan mo! 2 minutes nalang!" sigaw niya habang pinapatay sa katok yung pintuan ng CR ko.

Che! Tagalan ko nga.

-

Wow ha. 5 minutes na lumipas (lagpas ako ng 3mins hehe) ah. Time conscious yun ah? Bakit tahimik? Ewan. Pagkatapos ko suklayin yung buhok ko at kunin yung mga gamit na dadalhin ko, bumaba na 'ko. Aba, ang ugok nilalantakan na yung breakfast! Hala! Teka, pati yung akin!

"Hoy maVAHOng VAvoy!"

"Ay anak ng KJ!" sigaw niya sabay tago nung tinidor sa likod niya.

"Uy Ande! Tigilan mo 'yang itlog ko!"

"Huh? Wala ka namang itlog ah?" tapos ayan na naman yung tawa niyang mas mahaba pa sa Be Careful With My Heart.

O______O Ngayon ko lang narealize yung lumabas sa bibig ko.

"Hay nako Ande! Iba nanaman yung iniisip mo. Yung breakfast ko! 'Yang nginunguya mo!"

Tawa pa rin siya. "Kasi naman Relle, mag-elaborate ka!"

"Jusko Ande! 'Di ka ba kasi nagbreakfast sa inyo? Tabi nga jan! Kakain ako." nahulog siya sa kinauupuan niya dahil tinulak ko siya. Bwahahahaha.

"Sige na, kain ka na. Damihan mo ha? Payatot ka na oh!"

"Ay, concerned? Ano, kikiligin na ba ako? Haaay, I love you Fafa Vaun!" asar ko sakanya.

"Ha-ha. Nakakatawa. Kumain ka na nga!" tas tumahimik na siya at hinintay akong matapos.

Kung nagtataka kayo kung bakit bigla nalang siya sumusulpot dito sa bahay... Siya nga pala si Vaun Andre Herrera Orteza, bestfriend ko since nasa tiyan kami ng mga mommy namin. Joke. Tawa kayo, mga 6. Eh basta! Hindi na namin maalala kung kelan, pero tuwing April nagcecelebrate kami. Bakit? Sabi kasi ng parents namin, April daw yung day ng vacation namin sa Domi Beach. Doon kami nagkakilala. Nagchikahan kasi yung mommies namin, kaya naisipan naming gumawa ng sand castle. First time namin magkita nun. Tapos---

"Hoy! Nakikinig ka ba?" sigaw niya sa tenga ko.

"Ha? Ano?" tanong ko.

"Hay nako Relle, tinatanong ko kung okay lang ba na isama ko si Alex." sabi niya.

"Ge ba. Sama ko rin si Vin ha."

Pero sa totoo lang, 'di ko kilala yung sinasabi niya. Oo na lang! Tumango si Vaun at nagpunta sa sala. Tinawagan ko na si Vin. Ay? cannot be reached? Isa pa nga. After 4 rings sinagot niya na.

"Ano ba? Aga-aga eh."

"Nagising ba kita?"

"Ay hindi, natulog. Napatulog mo ako."

"Ha-ha-ha! Fu-nny!" ramdam ko yung pag-ikot ng mata niya.

"Bakit nga?"

"Gala tayo. May isasama kasi si Vaun eh, baka ma-OP ako."

"Sino daw?"

"Ewan ko eh, ano nga ba pangalan nun?"

"Ewan ko sa'yo! Ikaw sinabihan ni Vaun diba?"

"Ay.. hehe. Al... Allan! Ayun, Allan!"

"Allan? 'Di ko kilala yun eh! Ayoko nga, baka dumami pa admirers ko."

"Kapal ng mukha mo, Vin! Sige na nga matulog ka na lang ulit. Bwisit!"

Tumawa siya. "Oo na. Sige good night! Este, good morning pala."

Nilagay ko na sa bag yung phone ko at nagpunta na sa sala. Aba! Nanunuod ng spongebob!

"Ayos ah, akala ko ba aalis tayo?" tanong ko ng nakapamewang.

"Eh naalala ko 10 pa pala magbubukas yung mall." sagot niya ng 'di umaalis ang tingin sa TV.

"Ay putspa! Ginising mo pa 'ko ng ganito kaaga!" kairita talaga 'tong si Vaun! Hala, tumatawa pa!

"Ba't ka kasi nagpagising?" tanong niya.

"Ah juice colored ewan ko sayo!" tapos narinig ko 'yung tawa ni spongebob mula sa TV.

"Yamot! Hahahahaha! Nuod muna tayo, tapusin lang natin 'tong spongebob. Tapos lakad na tayo papunta kila Kaizer, ride natin yon eh. Haha."

"Dami mong sinabi, oo na, gulo mo."

After 15 minutes...

"Tara na."

"Wait lang, papaalam lang ako kay mommy."

"Sige." tapos umakyat na ako.

"Mommy! Mall lang kami ha."

"Okay, mag-iingat kayo ni Vaun ha."

"SIge po, love you mi!"

"Loveyoutoo." tapos kiniss ko na siya.

-

"Hoy. Tara na."

Inakbayan niya na ako tapos ginulo yung buhok ko.

"Buhok ko yan!"

"Alam ko, tara na kila Kaizer."

Tapos mga 10mins ng paglalakad, nandito na kami kila ano. Allan Rider? na hindi ako sure sa pangalan.

-END OF CHAPTER 1-

Author's Note

hi hi hi. hahahahaha ang cute niyo. ☺ sorry bitin. :) mwa!

SayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon