Chapter 2
Nakarating na kami sa bahay nung… Allan? Ay hindi pala. Allen. Oo, Allen.
“Ande, mabait ba ‘yang Allen na yan?” sabi ko nung nagdoorbell siya.
“Allen? D—“ naputol yung sinasabi niya nang lumabas na ang misteryosong si Allen.
“Dude!” at ginawa nila ang ‘manly’ handshake nila.
“Ay, si Kendice pala, best friend ko.” pakilala sakin. Syempre ako pa-cool, ngumiti.
“Alex. Alex Kaizer.” ngiti niya sabay bow. Gentleman huh? Wait.
“Alex?!” tanong ko. Naging confused yung itsura nila.
“Uhm, oo. Bakit Relle? Kilala mo ba?” tanong ni Vaun.
“Nakakahiya! Akala ko Allen. Alex pala. Sorry. Buti nalang hindi ko sinabi outloud.” sagot ko, may peace sign pa. Nag-chuckle siya.
“Haha, cute mo naman, Kendice. Okay lang.” sabi niya.
“Naku! Si Relle? Cute? Bulag ka ba, Kaizer?” tapos tumawa si Vaun.
“Kapal mo ha! Cute kaya ako! Tignan mo ‘tong mata na ‘to oh!” gesture ko sa mata ko sabay kindat.
“Ewan ko sayo, Jerelle. O ano, ‘Lex? Tara na?” tawa ni Vaun. Tumango si Alex.
“Oo. Wait kunin ko lang kotse ko. Hintayin niyo nalang ako dito.”
“Ge, bro.” Tapos umalis na si Alex. Ayan ha! Tama na. ^______^
“Hahahahahahahaha! Allen ha?” pambubwisit niya nanaman.
“Sorry ah? Mahina memory ko eh, malakas lang pagdating sayo.” sabay kindat ko sa kanya.
“Yuck, kadiri! Kaumay ka, Relle!” sabi netong maVAHO na ‘to.
“Alam mo naman hindi totoo yun, like, duh?! Ikaw pa nandiri ah. Hindi para sa akin yung love-love na yan.” Sagot ko sakanya.
“Psh. Tignan lang nating pag nainlove ka na. Pero, sa bagay. Sino ba naman papatol sa isang KJ na katulad mo? Hahahahahahahahahahaha!” asar niya ulit pero this time, nakita na ako. Hindi naman kasi ako nagboboyfriend. NBSB ako noh!
Bumusina na ang kotse ni Alex. Aha! Rich kid! Ganda nung kotse! Sumakay si Vaun sa harap at iniwan ako mag-isa sa likod. Whatta best friend! Dahil wala akong magawa, nagbasa na lang ako sa ebook sa phone ko.
Wala pang 10 minutes, may nagtext sa phone ko.
From: Vin Ganda
Teh! Gwapo ba?
Napatawa ako. Eto talagang si Vin.
To: Vin Ganda
Ewan ko. ‘Di ka kasi sumama. :P
From: Vin Ganda
Che! Ge, kita nalang tayo sa school. Labyu!
To: Vin Ganda
Lamyu too! J
Sweet kami nitong si Vin eh. Pero’di ako tomboy ah. Chill. Tapos biglang may nagtext sa akin ulit.
From: VAHO
Oy! Ngiti-ngiti ka jan? Baliw ka na? :p
To: VAHO
Che. >K
Tapos nilock ko na ulit yung phone ko. Tumingin nalang ako sa bintana dahil baka pagtripan ako ni Vaun.
Pagkatapos ng dalawang minute, nandito na kami. Bumaba na ako sa kotse at naglakad. Ay, naiwan ko yung dalawa kaya tumigil ako.
*Oomph* “Aray! Problema niyo?!” Nagulat ako. Pagkatigil ko may bumangga sa’kin. Muntikan na akong tumalsik! Tumawa si Vaun, pero si Alex hindi. Siya pa nga ‘sumalo’ sa’kin e.
“Sorry Kendice, okay ka lang?” tanong niya.
“Okay lang ako, Alex. Thankyou ha.” Sagot ko. Ngumiti naman siya. Medyo tumagal yung moment na yun. Bigla kong naramdaman na may umakbay sa akin. “Sorry Relle ha.” Tapos sumawa si Vaun at ginulo yung buhok ko. Nakasunod si Alex habang naglalakad kami.
Kung anu-ano lang ginawa namin. Foodtrip, lakad,tapos tumingin rin kami ng mga case ng iPhone, ang cucute nga eh! Pati earphones, tumingin na rin kami. Kaso lang hindi kami nakabili kasi naubos na naming sa pagkain hahaha. Grabe nga eh, magaling palang magbasketball si Alex. Pagdating ng 4:00 ng hapon, napagod na ako.[
“Ay, pagod na ‘ko. Uwi na tayo.” Ayos tong si Vaun ah, nabasa isip ko.
“Onga, tara na.” dagdag ko. Tumango si Alex at nagpunta na kami sa kotse niya.
Parehas pa rin yung lugar kung saan kami nakaupo. Medyo lowbat na ko kaya sumenti sa bintana. Hehe, joke lang. Mga ilang minute lumipas, narinig kong nagbubulungan ang dalawang ugok.
“HOY!” Anong pinagbubulungan niyo? Share share!” sabi ko.
Natahimik sila.
“Che. Ge, wag niyo ko sharean.” Sabi ko uli.
Inunang ihatid ni Alex si Vaun.
“Salamat bro.” Sabi ni Alex. Wait. ‘Diba dapat si Vaun magpapasalamat? Ewan.
“Bye VAHO!” sigaw ko bago siya umalis. Ngumiti lang si Vaun. Sungit! NAgpunta na kami sa bahay ko. (naks. Bahay KO talaga. Haha!)
“Alex, thank you ha.” Sabi ko.
“Hindi kendice, thank yiu.” Medyo nagtaka ako. PEro sinara ko na yung pinto, saying naman yung aircon ng kotse niya. Pinaandar niya na yung kotse niya kaso biglang tumigil tapos bumukas yung bintana then nagwave ulit siya. Hala hahaha. Baliw lang. pero nagwave na rin ako.
Pagpasok ko ng bahay, tinignan ko yung phone ko. SAkto naming nagring yung phone ko.
Si Vaun. Napangitiako at sinagot ang tawag.
“Ande! Miss mo nanaman ako?”
“Lul. Ano? Ayos ba si Alex?”
“Ha? Oo naman, Bakit?”
“Hahahahaha! Wala, secret.”
“Ewan ko sayo. Arte mo.”
“Ako pa ha? Starbucks tayo bukas.”
“Ano? Baliw.---baliw sayo----Magsisimba kami ni Vin saka ni Mommy tapos gagawa pa ko homeworks ko.”
Siningit niya yung baliw sayo pero dindedma ko lang. kulit e.
“Nubayan. Sige, see you nalang sa Monday. BYE BES A.K.A. KJ!”
“Ang laos na talaga. Nakakabingi Ande! Bye.”
Baliw talaga si Vaun. KAkatpos lang ng gala mag-aaya pa uli. Bakit niya kaya tinanong kung ayos ba si Alex? Hay nako. Nabubuang lang yun.
END OF CHAPTER 2