Chapter 1 - Si Belay

743 13 3
                                    

CHAPTER 1

And finally our eyes met

And slowly approaching, took my cheek, and he looked to me like I’m the most beautiful woman in the world

Until our lips….

“Hoy Belay, tanghaling tapat at linggong linggo, eh nangangarap ka na naman diyan” batok sa akin ng Nanay ko

 Itong Nanay kong ito panira ng moment,malapit na eh konti na lang !!

Hindi ko namalayan nakatunganga pala ako sa may mesa.

Malayo ang tingin wala naman tinatanaw  sa kanta yata yun.

“Ma! naman iniisip ko lang kung ano masarap na meryenda mamaya”- palusot ko.

“Weeh di nga, nangangarap ka nanaman ng boyfriend na sing pogi ni Coco Martin,hilig kasing manuod ng teleserye”- si Camille aking little sister na pinalihi yata kay clara yung kontabida sa mara clara.

 “Feeling niya siya si Julia Montes….

“O baka si Krista ay Maja pala.....

“Kaya ka hindi magka boyfriend, may nanliligaw naman sayo, hanap ka ng hanap ng perfect at artistahin ang dating- banat pa ni Camille

Talaga naman!!, Inuubos nito pasensya ko

Hindi ka naman kagandahan,nandyan naman si Bertong magbababoy.  Si Alex na pogi naman mukha nga lang mama’s boy

At si Harvey ang bff mo na obvious naman na patay na patay sayo –  hirit pa nito

Aba!! humirit pa, at nadaman pa si Harvey

 Aha… at nagmamaasim,batukan ko kaya

Inirapan ko ang bruha!!  sabay batok dito

“Aray, Ma oh….. si Ate”- reklamo ni Camille

O..O tama na yan magkakapikunan na naman kayo. Ikaw naman belay pinapatulan mo pa kapatid mo at ikaw naman Camille tama na yan pag aasar sa Ate tumingil na kayo”- sabi ni Mama

“Camille tawagin mo na Papa mo naglilinis ng sasakyan sa labas,at ikaw Belay, paki sabi kay manang maghain na at baka gutom na ang papa mo”- si Mama

Sabay harap at dila sa akin patakbong alis  ni Camille

“Ma, Belle na ang tawag mo sa akin mula ngayon,dalaga na ako, Ang baho kaya ng belay parang natigok na lola sa probinsiya” – pasosyal na sabi ko

“O siya siya Belle na kung Belle,naku itong batang ito”- ngiti ni Mama

By the way.. highway. Ako pala si Maribel Magtalas  Belle na lang for short ayoko ng Belay na nakasanayan na nilang itawag sakin masyadong mabaho parang lola..hindi kami mayaman pero hindi rin naman kami hikahos lalim noh..

I know that someday mameet ko ang Man of my Life yung lalake sa pangarap ko at buo na siya sa isip ko.

 Our BELAY ---------------------------->>

MY IMAGINARY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon