Chapter 1; Story of her Life

61 0 0
                                    

Mayumi's POV

"Ate, Maawa po kayo. Pakawalan nyo na po ako" pagmamakaawa ko sa ale. Binenta ako nila tita. At nandito ako ngayon sa isang ale na di ko kilala.

"Tumahimik ka! Wag kangiiyak dahil masisira make up mo! Baka wala ng bumili sayo! Umayos ka nga!!" Sigaw saakin nung babae.

Wala na akong ginawa kundi umiyak nalang. Hindi man lang ako makatakas dahil nakakadena ang mga kamay at paa ko, atsaka isa pa maraming bantay sa paligid, hindi na talaga ako makakatakas.

Maya-maya hinila ng babae ang kadenang nakakabit saakin.

"A-anong g-gagawin mo? S-saan mo ako dadalhin??" Tanong ko habang umiiyak.

"Tumahimik ka nalang, pwede? Sumama ka na lang." Sigaw nya. Hinihila ko ang sarili ko, pero sadyang malakas talaga ang babaeng humihila saakin ngayon.

(Fastforward)

"Gago ka!! Bitawan mo ako!!" pilit kong pinaghahampas ang lalaking katabi ko ngayon, habang sya naman ay pilit na hinahalikan ako. 

"Palaban ka ha?!" Sinampal ako ng lalaki at sinabunutan ako na parang baboy kung ituring. Nandito kami sa kotse ngayon, sa kotse ng lalaking bumili saakin. Wala na akong lakas, masyado na akong nanghihina.

Pinilit kong buksan ang mga mata ko, kahit gusto ko ng ipikit ang mga ito. Pero, mas gugustuhin ko ng gising masigurado at maprotektahan ko lang ang katawan ko. Lakas loob akong lumalaban sa tuwing pinipilit akong hawakan at halikan ng demomyong ito, pero kada laban ko ay sya namang tripleng dagdag ang sugat ko. Pero, wala akong pake. Buhay at katawan ko ang nakasalalay dito. Dinala niya ako sa isang lugar kung saan puro lalaki. Pumasok kami sa mausok, mabaho at puro baril ang mga hawak ng mga kalalakihan, ang iba ay may ngiting demonyo.

"Boss Arnold! Sexy nyan ahh. Pwede, patikim nyan pagkatapos mo?!" Sigaw ng isang lalaking may hawak na baril at may hawak ring sigarilyo.

"Tarant@do!! Ang mahal ng bili ko ne'to tapos, ibibigay ko lang sayo pagkatapos? Gag*! Hahahaha" Sigaw pabalik ng may hawak saakin ngayon.

"Hahahahaha" Tumawa lahat ng mga lalaking may mga hawak na baril. Ako naman ay dinala sa isang kwarto at tinulak ng lalaki.

"A-anong gagawin m-mo?? Wag n-nyo po a-akong saktan!! Maawa po kayo..!!"Pagmamakaawa ko.

"Hindi naman kita sasaktan ehh... Paliligayahin ko lang yung sarili ko ngayon. Hahaha"

Agad nya akong kinubabawan at hinalikan sa leeg, Nagpupumiglas ako, pero parang mas lumakas sya kumpara kanina, Nanghihina na ako. Wala na akong magawa. Pinipilit ko namang lumaban at magmakaawa pero, wala talaga. 

"Tulong..."bulong ko


**BOOOOOGGSSSHHH

The Slave of Mafia Boss "On Hold"Where stories live. Discover now