Untitled < 4 >

255 35 54
                                    

Untitled < 4 >

( Quoton's POV )

"Uhm," mahinang sabi ko habang bumabangon dahil naramdaman ko ang hot na hot na sun laser na tumatama sa balat ko. Napatingin ako sa paligid ko while scratching my eyes because of the morning dirt. T-Teka---Nasaan ako?! Kaninong bahay 'to?

"Am I kidnapping," usal ko sa sarili ko. 'Kyaah!' I shouted my mind just to whisper it so that the kidnapper won't hearing me. I get the broomer because its the nearest thing to me so I can have an armor. May narinig akong humanoid sa kusina kaya I prepared for armoring myself. I walked slowly but surely at the back of him, hahampasin ko na sana siya ng hawak kong walis nang tumalikod siya.

"Good morning, sweetheart." Ngumiti pa siya sa akin. W-What?! D-Did he just calling me sweetheart?!

"I enjoyed last night," sabay kindat nito.

"What did you doing to me?! Did you moved my body yesterday night?! All I think is that you're good as good Samaritan then you'll doing that to me! I'm hating you," sigaw ko. I was going to hit he again but he hold-up my arm. I'm looking up to him because of his height greater than me. Ngayon ko lang napansin na gray pala ang kulay ng mata niya, ang tangos ng ilong, medyo brown ang buhok at makapal ang kilay kaya parang itsurang foreigner siya. Guwapo kung tutuusin--Wha--?! Ano ba pinagsasabi ko?! Nagulat ako nang papalapit na ang mukha niya sa'kin. Waaah! Revert! Hindi ko alam ang gagawin! In the end, pumikit na lang ako.

"Hindi ka ba kakain," tanong nya kaya I fronted to him. Akala ko kung ano na gagawin niya.

"I don't intake tuyo," sabi ko dahil yo'n ang nakita kong nakalapag sa table niya. Uupo na lang sana ako sa sofa nila kaso wala pala sila nu'n. I don't have any chance but to sitting in front of him eating.

"Ayaw mo talaga kumain," sabi niya na ipinakita pa ang tuyo. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Hmmm. Ang bango-bango naman nitong sinangag na ginawa ko at ang sarap-sarap pa nitong tuyo. Yummy," sabay subo niya ng malaki doon sa tuyo at sinangag. Okay lang 'yan Quoton, hindi ka nagugutom.

"Crunchy," sabay mapang-asar na tingin nitong lalaking 'to sa'kin. Kumain siya doon na parang sarap na sarap. Shy to accept but I'm starting to salivaing deep inside. Nagulat ako nang malakas na tumunog ang tiyan ko kaya nahiya ako sa kaniya.

"Hindi pala gutom ah," pang-aasar niya. Nagulat ako nang kumuha siya ng plato at nilagyan ito ng sinangag at tuyo.

"Hey! What are you doing to try," malakas na sigaw ko.

"Kakain ka! Wag kang maarte saka mag-Tagalog ka na nga lang!" sabi nito. "Oh!" Iniabot niya rin ang platong may pagkain sa'kin. Tinanggap ko na lang 'yon pero bago ko simulang kainin ay tinitigan ko muna itong maigi. Inangat ko ito at inalog-alog pa.

"That's edible," sabi niya dahil napansin niya atang tintitigan ko lang ito.

'Edible? Baka evitable!' pagko-correct ko sa isip ko sa sinabi niya. "P-Paano ba kainin yan," nahihiyang tanong ko.

"Ganito kasi 'yan." Hinimay niya 'yong tuyo at saka isinawsaw sa may suka saka inihalo sa sinangag.

"Oh," sabay hinarap niya sa'kin ang sinangag at tuyo na parang susubuan ako. Eh?

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon