Untitled < 3 >

269 36 54
                                    

Untitled < 3 >

( RY's POV )

"RY! Halika rito mag-uusap tayo," tawag sa'kin ng manager ko nang pa-out na ako sa trabaho. Patay! Dahil ba 'to sa ginawa kong pambabasa do'n sa paimportanteng customer kanina?

Lumapit ako ng dahan-dahan sa boss ko nang nakayuko. Nakakahiya naman. Ang dami niya nang nagawa para sa'ken tapos ang igaganti ko pa yung pangbabastos ko sa customer. Dapat talaga hindi na lang ako nakialam kanina.

"Oh? Bakit lugmok 'yang mukha mo? Kala mo papagalitan kita 'no," tanong niya sa'kin habang nagpipigil nang tawa.

"Hindi niyo po ba ako papagalitan?"

"Bakit naman? Tama lang naman ang ginawa mo doon sa lalaking 'yon kanina! Akala mo kasi kung sinong gwapo kung makapagsalita 'yong Milo na 'yon!" Milo pala pangalan no'ng manyakis na kumag na 'yon. "Ang astig mo talaga kanina RY! Para kang knight in shining armor. Nagulat din si miss ganda do'n sa ginawa mo. Cute niya. Malay mo magkatuluyan kayo ni miss ganda," tuloy pa ni boss.

"Oo naman boss! Baka matuluyan ko na talaga 'yon! Saka alam niyo naman po na hindi pa ko pwede sa mga ganiyang bagay. May pinapalaki pa akong bata," sabi ko naman.

"Ayos ka rin talagang bata ka. Hay! Masiyado ka lang talagang hard sa sarili mo. Di ka robot hijo, uso magpahinga," tinapik pa niya ang balikat ko matapos sabihin iyon.

"Wala naman pong sweldo sa pahinga," sabi ko nang tumunog ang cellphone kong Nokia na may antenna pa.

"Mai smundo na sa kapatid mo n mgndang bbae. Kamag-anak niyo ba?" Nagulat ako sa mga nabasa ko. "Oh! RY? Okay ka lang 'toy? Bigla ka atang namutla," pag-aalala ng boss ko.

"Boss una na po ko. Nagkaproblema po sa school ng kapatid ko." Hindi ko na hinintay na um-oo ang boss ko dahil tumakbo na agad ako sa labas ng café na pinagtatrabahuhan ko.

"Sira ba 'yong teacher ni AA? Ano ba 'yan? Ako lang naman ang kamag-anak niya tapos ipapasundo sa iba? Seryoso ba 'to?" Nag-tricycle na ko sa kamamadali ko at baka mamaya ay napaano na ang kapatid ko. Mabilis naman akong nakarating sa school ng kapatid ko. Pumunta agad ako sa teacher niya at tinanong kung saan dinala si AA no'ng nagsundo sa kaniya. At kahit pa sabihing gusto kong sigawan at magwala sa harapan ng teacher ni AA ay pinalampas ko na lang muna, tutal wala namang mararating kung gano'n ang gagawin ko. Tumakbo ako ulit palabas ng school at hinanap ang kapatid ko. Nilibot ko na 'yong playground pero hindi ko pa rin siya makita.

Sa 'di kalayuan ay may natanaw akong babaeng parang pamilyar. Teka! Teka! Te--Takte!! Tinitigan kong maigi kung sino 'yong babaeng natatanaw ko. Pamilyar nga! Paano ba namang hindi magiging pamilyar eh siya na nga ang tinulungan ko dinugo pa ulo ko kaka-translate sa mga sinabi niya AT siya na nga 'tong tinulungan, siya pa talaga ang may ganang sisihin ako. Nagtago ako sa likod ng puno dahil malamang ay problema na naman ang hatid ng babaeng 'yan. May bata siyang kasama, sino kaya---Teka! Si AA 'yon ah! Nakahinga naman ako ng maluwag---Mabuti na lang pala ay ligtas ang prinsesa ko. Pero ano namang kalokohan ang nangyari at magkasama sila ng babaeng 'yon?

Papalapit na sila rito at dahil wala naman akong ibang pagtataguan kung hindi sa likod ng puno ay nagtago na lang ako. Sakto namang doon sila umupo sa tapat ng pinagtataguan ko kaya mapapakinggan ko ang pag-uusapan nila.

"Ate Ice. Bakit ka po ba umiiyak kanina," tanong ng aking cute na kapatid. Ice pala ang pangalan ng babaeng 'yan.

"Kasi baby, there's this humanoid who badtripped me and transformed to bad!"

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon