Part 5: Camping

3 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa camping.
They settle the table para lagayan ng chocolate fountain and hotdogs at marshmallow. Nag dala rin naman sila ng titsirya. While me na birthday girl, gamit lang ang dala haay

Nahihiya pa ako at binigyan ni tita sila Delo ng tig iisang bonet. Si Rico lang naman ang may gusto pero kinuha nalang din ng apat na lalaki para na rin sa camping.

Nag dala naman sila ng tatlong tent.
Habang inaayos namin yung pang bonfire namin. Hinila naman ako ni Delo papasok sa tent.

"Bakit nanaman Delo? Wala na ako natulong oh?" Giit ko.

Nalatulala lang naman siya sa baba at halatang parang kinakabahan.

"Gela. Kahit anong mangyari o kahit anong sasabihin ko sa future. Please lang, wag kag magagalit sakin" pag mamakaawa ni Delo.

Tumango nalang ako sakanya kahit nakakakaba ang pwedeng mangyari sa future. Hindi ko nalang yon pinansin at tumulong nalang ulit kami sa pag ayos sa bonfire

Habang inaayos namin, naririnig ko si Juds at Delo na nag uusap.

"Kelan mo sasabihin sakanya?" Tanong ni Juds ng pabulong. "Dapat nga ngayon. Kaso hindi ko talaga kaya. Siguro sa susunod na araw na lang" tugon ni Delo

Baka hindi naman siguro ako yung pinag uusapan nila eh. Ayoko nalang mag isip ng kung ano ano.

Habang nag aasaran ang mag jowa na si Ilene at Rico. Ginulo naman ito bigla ni Delo at Nikko

"Si Delo nakikigulo pa. Wag ka ngang mang gulo Delo! Malapit mo naman nang maging jowa si—" hindi na natapos ni Francess ang sasabihin niya dahil biglang tinakpan ni Delo ang bibig ni Francess




May binigay sakin na libro si Delo na gusto niyang basahin ko. About siya sa mga psychology. Hindi naman ako nag dalawang isip na basahin yon dahil yun na ang matagal ko nang pinapangarap na bilhin nung nasa Manila palang ako.

Sinabi ko naman kay Delo na ibabalik ko rin agad pero sabi niya na wag na dahil wala namang may kailangan nun at naka tambak lang naman sa bahay nila yon.

Lahat nalang, puro Delo. Pinagkakamalan na rin kaming mag jowa pero sinasabi lang namin na hindi kami bagay

unknown? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon