Part 7:

2 0 0
                                    

"Oh? Napatagal ka ata?" Pag tataka ni Nikko.

"May hinanap lang na ibang libro. Tugon nalang sabay ngiti

Ayokong mag alala sila kasi alam ko naman na baka may kung ano pa silang gawin kung malalaman lang nila yon.

Umalis na kami at pumunta na kung saan icecelebrate ang bday ni Delo

March 3. Wala nang ginagawa sa school. Kaming mga transferee nalang medyo may inaasikaso at pati ang mga scholars. Hindi na rin naman na required pumasok pero may dance competition pa rin ang mga schools kaya need namin pumasok.

While waiting at the gym sa school, bigla kong nakita si Delo na nasa harapan at aktong sasayaw. And he did. Sinayaw niya yung say you won't let go. Una niyang tinuro sakin na duo. Pero this time, pang solo lang yung step niya. I was smiling while he's dancing. Nung dun na sa part na, "Just say you won't let gooo" papalapit siya sakin with dance steps pa rin and gave me a rose.

Rinig naman sa buong gym ang ingay ng mga dance classmates namin dahil sa asar. Pinatayo naman niya ako para isayaw naming dalawa kaya tumayo ako agad

I'm enjoying the dance with him. Everytime na mag haharap kami, hindi ko maiwasang titigan siya kahit saglit. Ang ending ng sayaw, mag haharap kaming dalawa ng sobrang lapit at mag kahawak.

Pag katapos ng sayaw, nag katitigan lang kaming dalawa. Sobrang ganda ng mata niya. His smile. Argh. Ang gwapo niya. Matalino pa, maka-Diyos, mapag-mahal at matulungin

Nag flash back sakin ang pag aya niya sakin sa simbahan. Pag katapos kong mag dasal nun ay umayos na ako umupo at tinitigan ko nalang siya habang nag dadasal pa. Nung tinanong ko kung ano pinagdasal niya, sabi niya na gumaling na ang mommy niya. And then he smiled at me. Natutunaw nalang ako sa ngiti niya kasi madalang siya ngumiti

Nag flash back rin nung araw na hinawakan niya ng buo yung kamay ko habang nag lalakad kami sa madaming tao dahil mahirap na daw at baka mawala ako.

Nung araw na tinulungan niya kami ni tita Juana sa bahay na mag palit ng maalikabok na mga kurtina.

Nung araw na niyakap niya ako dahil umoo ako na sasali ako sa dance club.

Lahat lahat ng mga ginawa niyang magaganda. Hindi ko inalala ang lahat ng pang aasar niya sakin dahil mas madami ang magaganda kahit na alam kong major sakanya ang pagiging mapang-asar.

Natauhan naman ako ng biglang mag palakpakan ang mga dance classmates namin. Nag bitaw naman kami agad at hindi na nag titigan.

Meron akong mga manliligaw na binibigyan din ako ng kahit ano pero bakit sakanya lang ako nakaramdam ng ganito? Pero feeling ko, kaya ko pa naman itong pigilan. Matalino naman ako at alam ko ang mga pwede sa hindi.

Wala namang mali kung mag kagusto ako. Ang mali lang ay yung hindi pag sunod sa tita ko. Ayaw niya akong mag boyfriend.

Pero bakit naman ako magiging girlfriend ni Delo diba? Duuuh!! Hindi naman siya madalas nag kakagusto.

Narinig ko namang may pumapalakpak ng malakas. "Bravo!!! Bravoo!!" Rinig kong sigaw ni ser Toni na teacher namin dito sa dance class. Pumunta naman si ser Toni sa harapan namin ni Delo at hinawakan ang mga braso namin.

"Kayo ang bagay na bagay sa duo sa Baguio! Ang school ang may sagot sa tutuluyan, pamasahe at pagkain niyo" tugon ni ser Toni na ikinagulat ko.

"Ser?! Kelan po yan ser?!" Gulat na sinabi ko. "Next week! Alam naman na ito ni Delo at pinayagan daw siya. Sinabi ni Delo na pinaalam ka na daw niya at pinayagan ka ng tita mo" nakangiting sinabi ni ser na ikanatalon talon ko.

"Thank you ser!! Thank youu! Thank youu!!" Walang sawang thank you ang sinabi ko kay ser.

Naalala ko nung iniisip ko yon. Malaking bagay ang pag sali ko don. 30,000 ang price non. Bale 15k ang mapupunta sakin. 5k sakin. 5k kay tita at sa araw araw namin. At 5k sa mga supplies sa charity!! Kahit na ngayon palang nag iisip na ako ng kung ano ano kahit hindi ko pa alam na mananalo kami

Inakbayan naman ako ni Delo kaya tinignan ko yung kaliwang kamay niya sa kaliwang balikat ko. Bigla siyang bumulong sa kanang tenga ko, "pangarap mo 'to, Gela. Matutupad na"

Napatingin naman ako sakanya at ngumiti. Halos maluha ako. Kasi kahit hindi ka manalo sa Duo Dancé, may 2k lahat ng sumali. Tapos isang participation certificate sainyong dalawa.

Pang ilang buwan ko rin yung 2k na yon. Tsaka mas mapapadalas rin ako ng hulog sa alkansya ko kahit na 2k lang.

20 duos ang kasali. Bale ilang percentage lang ang meron para manalo kami pero gagalingan ko!!

Everyday kaming pumupunta sa school dahil 7 days lang ang preparation namin. Para na rin daw bawi kay Delo, pinag hhandaan na rin ng meryenda ni tita si Delo.

Napapansin ko na mas nagiging close na silang dalawa. Naririnig ko pa minsan na sinasabihan ako na mukha daw akong minion na ewan. Aba aba! Hindi pwedeng ginaganon lang ako hahaha pero hinahayaan ko nalang kase kahit ako rin naman, mabiro.

I'm starting to like him. Is that a enough reason para magustuhan ko siya? Saan ko mahahanap yung sagot? Sa bundok? Papahirapan ko pa sarili ko.

Sa pang babagabag ng utak ko sa mga ginagawa ni Delo sakin, gusto kong tanungin sakanya pero nahihiya ako. Dahil baka naman guni guni ko lang ang lahat. Pero this time, lalakasan ko na ang loob ko

Nandito kami ngayon sa gym sa school at nakaupo sa sahig habang nag papahinga

"Delo?" Giit ko. Nasa kanan ko naman siya. "Ano yun?" Tanong niya sakin. "Delo..... may tatanong sana ako eh. Bumagabag sa utak ko" giit ko ng nakakunot ang noo. "Uhm.... Gela? Pwede bang tanungin mo nalang sakin yan pag katapos ng competition? Promise, I will answer it" tugon ni Delo pero hindi makatingin ng deretso sakin.

Ayokong mag isip ng kung ano ano pero naiisip ko talaga. Nakakainis.

Habang nag lalakad ako papunta sa bag ko. May biglang nakabunggo sakin na babae. Kaya nabitawan ko naman ang mga props ng sa folk dance namin for next month. Dali dali ko itong pinulot at tumulong din ang babae "Sorry ate. Sorry" tugon niya kaya sinabi ko nalang na ayos lang.

Pag katayo namin at pagkabigay ng props, nakatitig agad siya sakin na parang nag tataka. "Libra?" Tanong niya sakin. Naalala ko yung kwintas ko na ang design ay libra kaya tumango ako. "Yes po, Libra yung zodiac sign ko kaya eto kwintas ko" sagot ko. "No no no. Libra. Yung a—" hindi natuloy yung sasabihin niya dahil biglang sumulpot si Delo

"Rein, pwede sa susunod nalang na araw?" Tanong ni Delo sa babae habang nasa likod ko siya at nakahawak siya sa dalawang balikat ko. "Pagod na rin si Gela eh" dugtong niya at bigla na kaming umalis

What was that? That was so straaange. Gusto kong patapusin yung sasabihin niya pero pinaalis ako agad ni Delo. "Bakit Delo? May sasabihin ka ba?" Tanong ko sakanya habang inaayos namin ang bag namin. "Wala. Talagang matanong lang yung Rein na yon kaya hinila kita agad" tugon niya kaya napatango nalang ako na may halong pag tataka.

Superman ka, Delo? Char. Pero para sa akin, ikaw ang nagiging hero ko. Pero hindi ko lang kaya sabihin sayo ng harapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

unknown? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon