Part 2: Lunch Box

3 0 0
                                    

Hindi ako masyadong mahiyain kaya may friends naman ako agad at hindi lang sila Juds at Ilene, pati na rin ang iba naming mga kaklase

Except kay Delo. Everytime na may tatanungin ako, hindi ko alam kung hindi niya ako naririnig or hindi niya lang talaga ako papansinin argh!!

3 days palang ako dito pero napansin ko na ang pagiging makulit niya. Sobrang jolly. Nasosobrahan na sa pagiging jolly kaya nag mumukha na siyang baliw. Sayaw na ng sayaw w/ kanta pa. But I have to admit na dancer siya. Kahit joke lang pag sayaw niya, halata sa galaw niya na dancer siya

Ngayong araw, ayoko na siyang pansinin kasi napapahiya lang ako nakakatrigger. But narinig ko siya tinatanong name ko kasi nandun lang naman siya likod ko.

Napalingon naman ako sakanila na nag uusap. "Ilang days na ako dito tapos ngayon mo lang malalaman name ko ha?" I said with isang taas kilay hahahaha. Promise hindi naman ako maldita, alam naman ng mga classmates ko yun. I'm the funny gurl sa room. Alam din nila na pag nag iinarte ako, char char ko lang yun.

"Oh... ikaw? Ano name mo?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga name niya. "Delo. Luis. Ruz." He said with a cute ngiti

I never expect na magiging close ko 'tong mokol na 'to.

"Tiga saan ka naman?" Tanong sakin ni Delo. "Hmm. Tiga manila talaga ako. Pero dito ako tumutuloy kila tita." Sagot ko naman

"Bakit ka lumipat?" Tanong nanaman niya. "Kasi dito lang alam nila papa na mababantayan ako habang nag babayad sila ng mga utang. Sakto, may scholar naman ako dito"

"Hayaan mo, bantay ka dito samin" sabi naman ni Delo. Na touch naman ako sa sinabi niya kasi ma caring din naman pala 'to. "Bantay ka dito samin kasi may guard dito. Sainyo rin ba? May guard?" Dugtong niya pa.

Nag bigay ako ng poker face kaya tumawa siya onti. "Why? I'm just curious, Gela" Sabi niya pa

Makakasundo ko naman pala siya eh. Joker din siya katulad ko.

Bigla naman nawala ngiti niya at biglang natulala. "Necklace ko yan ah?" Giit niya. "Check your neck. Ayan necklace mo! Mag kaparehas lang tayo" sermon ko kay Delo

"Saan yan galing?" Tanong niya. "Sa papa ko. Muntik pa nga masangla eh. Sayo ba? Saan galing?" sagot ko. "Akala ko, napacustomize lang 'to. Kay tita ko 'to galing, pero 3 years older lang siya." Giit niya

"Gela.... Delo.... pwede bang mag tabi nalang kayo? Naiirita ako kay Gela at nasobrahan na ang pag bend ng leeg kaka-usap sayo, Delo" rinig ko naman na sabi ni Juds. Natawa naman kaming lahat kasi nahalata rin siguro nila na mababaluktot na leeg ko

Silver necklace ito. Mukha siyang sign ng LIBRA. Sign na rin daw ng birthday ko at katalinuhan ko ang sign ng libra.

Umayos naman na ako ng upo para mag review sa magiging recitation





Nagulat ako sa pag susulat niya. Kahit papano, naiintindihan pa naman sulat ko. Pero sakanya, ang ganda! Ang ayos gRrrrRr. And matalino rin naman siya kahit papano. Bakit ganon?! Hahaha

May time pa na pinatid niya ako. "Sorry boss ha! Yung paa mo kasi!" Sarcastic kong sinabi. "Kabadtrip din 'tong tranferee natin eh" tugon niya sabay ngumisi. Tinaas ko nalng middle finger ko at umalis.

1 week na nakakalipas at lahat, kasundo ko na. Hindi naman ako ganun ka popular kasi hindi ako mahilig sa social medias. Pero sinasabi nila sakin lahat na iaccept ko daw sila. Classmates nga hindi ko inaaccept, schoolmates pa kaya diba?

Sobrang focus ko sa studies eh. Pero sabi nila na famous daw ako pero hindi ko lang daw pinapahalagahan. Aanhin ko ang pagiging famous diba? I need a high grades para mag kascholar din next year. May possible na mawala ang scholar ko pag nag ka 89 pababa akong average. Kaya gagawin ko ang lahat ng pag rereview para hindi mawala ang scholar ko.


unknown? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon