Tagos

117 11 2
                                    


"Bayad nga po." Sabi ko at inabot sa ale ang bayad ko. "Salamat."


"Saan to?" Tanong ng driver.


"Sa San Dara lang ho." Sabi ko at umayos nang pagkakaupo.


Nahagip ng tingin ko ang isang babae na puro puti ang suot. Nurse ata siya o trip niya lang ata na magsuot ng ganoon. Nakita niya akong tumitingin sa suot niya at tinaasan ako bigla ng kilay.


Napa-iwas na lang ako ng tingin. Sungit naman nun.


Mga ilang minuto pa, "Oh, sinong bababa ng San Dara diyan?" Tanong ng driver.


"Meron po/Ako po." Halos sabay na sabi namin nung nakaputing babae.


Sinyensahan ko na mauna na siyang bumaba. Tumingin lang siya sakin at tuloy-tuloy na bumaba ng jeep. Hindi ako manyak pero napatingin ako sa likuran niya. Nanlaki ang mata ko saka dali-dali akong sumunod sa pagbaba niya at inakbayan siya.


"T-teka, anong ginagawa mo?!" Tanong niya sakin at pilit na tinatanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya.


Mas hinigpitan ko pa ang pagkakaakbay ko, "Huwag kang magulo, miss. May tagos ka." Sabi ko at naglakad na kami.


Kita ko na nanlaki ang mata nya, "Bakit ngayon pa." Impit na bulong niya na parang inis na inis siya. Ayan kasi, hindi tinatandaan kung kailan malapit nang datnan. 


Tumuro siya, "Dun tayo sa mall." Sabi niya at mas binilisan ang paglalakad.


"Teka nga. Wag ka nga masyadong mabilis! Kita mong naka-akbay ako sayo, oh." Sabi ko at napatingin sa may pwetan nya, "Shit. Kumakalat na." 


Narinig naman niya ang sinabi ko, "Bat ba ko nagsuot ng puro puti ngayon?! Argh!" Rinig kong reklamo niya.


"Oo nga, bakit nga ba?" Tanong ko sa kaniya.


Malapit na kami sa kakapkapan ng guard.


"Sir, dito po kayo." Biglang sabi ng guard nang akmang pupunta ako sa pila ng babae.


Lumapit ako sa guard habang naka-akbay pa rin ako dito sa babae. Binulungan ko ang guard at napatingin sa babaeng kasama ko. Tumango na lang siya at dumaan kami sa pila ng mga lalaki para madali ang pagpasok namin.


"Anong sabi mo?"


"Sabi ko natagusan kaaray! Para saan yun?" Reklamo ko habang hinihimas ang hita kong sinuntok nya. Ang sakit ng suntok kahit nakatalikod, shemay.


"Bakit mo sinabi?! Nakakahiya kaya!" Sabi niya.


"Kesa naman mamula na yang pantalon mong puti, di ba?" Maangas na sabi ko at pinasunod ko siya papuntang CR ng mga babae.


"Hala bakit may lalaki dito?"

"Pati ba naman sa CR maglalandian?! Kakaloka!"

"Hindi na nahiya."


"At least may jowang handang tumulong kapag may tagos ako, no! Eh kayo? WALA! Mga asdfghjkl!" Hindi ko na pinatapos magsalita ang maingay na babae na to at pinasok siya sa loob ng cubicle.


"Shh! Hindi kita tutulungan sinasabi ko sayo." Natahimik naman siya at kumalas na sa pagkakaakbay ko.


"Okay... umm... ano na sunod?" Nahihiyang tanong niya.


"Diyan ka lang at bibili ako ng underwear at pantalon mo saka ng... ano... ng n-napkin mo." Sabi ko at lumabas na.

"Gosh. Ang caring naman niyang boyfriend."

"Ang swerte ni girl."

"Oo nga. Akala ko kasi maglalandian sila dito eh hehe."


Napa iling-iling na lang ako bago makalabas ng CR. Dumiretso ako sa Clothes JKL.


Humanap ako ng pantalon pero puro puti ang nandito. Dito siguro yun bumili.


Pumili ako ng pwede niyang isuot at binayaran na sa counter. Pagkatapos ay naglakad ako papuntang Sonswat. Naghanap ako ng napkin at may nakita ako sa bandang dulo.


"Long pad... for heavy flow... ah pwede na ata to."


Pumila na ko sa counter at nakitang nagbubulungan ang mga babaeng nakapila rin. Bakit ba big deal sa iba ang pagbili ng lalaki ng napkin? Hindi naman para sakin tong napkin na to ah.


Nang matapos kong mabayaran ang napkin, dumiretso na ulit ako sa CR ng mga babae.


Kinatok ko ang cubicle kung nasaan yung babae, "Open the door. It's me." Sabi ko at naghintay sa labas.


Binuksan naman niya at ibinigay ko sa kaniya lahat ng pinamili ko.


"S-salamat." At sinarado na agad niya ang pintuan.


Nakahinga naman ako nang maluwag. Ang hirap pala kapag naging babae ka, no. Ang laking problema kapag inabutan ka sa kung saan tapos puri puti pa lahat ng suot mo. 


Mga ilang minuto pa kong naghintay at biglang nagbukas ang pintuan.


Nakita ko syang parang galit at namumula.


Uh-oh.


"Bakit ganyan itsura mo?" Nagtatakang tanong ko.


"Tinanong mo pa talaga ako! Bwiset ka! Grr!" Bago niya pa ko masabunutan ay nakatakbo na ko palabas.


Pfft. Di ko naman alam na magagalit siya dahil dun. 


Binilhan ko kasi siya ng panty na may promo. Mura lang din kasi kaya pinatos ko na. Tinanong kasi ako kung ano raw ba ilalagay kong message, tapos ang sabi ko 'Jowa daw ako, oh. Hi, Miss Tagos', eh hindi ko naman alam na ilalagay pala yun sa mismong panty eh hehe. Peace out. Basta ang alam ko, nakatulong ako.*winks*



(@anlonelle: Pwede kayong kumuha ng ideas dito kung gusto niyong gawan ng story. Basta lalagyan lang ng proper credits. Thank you!)

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon