SpongeBob

36 6 2
                                    

"I can't hear youuu!" Sigaw doon sa TV. Rinding-rindi na ko sa pinapanood ng kapatid ko! 


"SpongeBob SquarePants!"


"Uuuuh—"


*clicks*


"Waaah! Kuya naman eh! Bakit mo pinatay?" Mangiyak-ngiyak na sabi ng kapatid ko.


"Hindi ka ba nagsasawa sa palabas na yon? Araw-araw mo nang pinapanood yan ah." Sabi ko at napahiyaw.


"Victory!" Napasuntok ako sa kawalan. Nanalo pa kami!


"Eh ikaw nga diyan puro ka laro ng ML! Duh." Sabi niya at dumila pa sakin.


"Dwaw." Sabi ko naman at itinago na ang cellphone ko sa bulsa. Malelate na pala ako sa pupuntahan ko. Umakyat na ko sa aking kwarto at naligo na.


Pagkatapos ay nagbihis na ko at bumaba na.


"Oh saan ka na naman gagala, Leo?" Salubong ni Yaya Ne sa'kin pagkababa ko.


"May manlilibre lang sakin, Yaya. Nanalo kasi yung laro namin kanina lang." Sabi ko at dumiretso na ng sala. Tignan mo nga naman ang magaling kong kapatid, nanonood na naman ng SpongeBob.


Napa-iling na lang ako at lumabas na ng bahay.


"Uy bro, sakto nandito ka na pala." Sabi ni Seth at umakbay pa sa'kin. Agad naman akong napatingin sa T-shirt nya, "Pati ba naman ikaw?!" Tanong ko at tinanggal ang pagkaka-akbay niya.


"Ang ano?" Gulat na tanong nya sakin.


"Fan ka rin ni SpongeBob?" Tanong ko.


"Oh anong masama dun?" Balik nyang tanong sa'kin.


"Tangina. Di na ko sasama kung yan na naman ang makikita ko." Inis na sabi ko at inunahan ko siyang maglakad.


"Huy saan ka pupunta?!" Rinig kong sigaw niya bago ako makasakay ng jeep.


Pupunta ako sa lugar na walang SpongeBob. Tss.


"Bayad nga po." Sabi ko at ibinigay sa babaeng—shit. Maganda sana kaso yung design ng earphone nya, SpongeBob. Lahat na lang? Bakit ba baliw na baliw sila sa palabas na yon?


"Saan to?" Tanong ng driver.


"Sa lugar na walang SpongeBob," biglang nagsitinginan ang mga kasama kong pasahero, "I-I mean sa Vestra Grounds," nakita ko namang nagtawanan yung ibang pasahero. 


Pagkatapos ng sampung minuto na byahe, nandito na rin ako sa Vestra Grounds.


Natuwa naman ako dahil ako lang ang mag-isa ngayon dito. Mahangin at maaliwalas ang paligid. Tamang-tama dahil gusto ko munang pagpahingahin ang mata at tenga kong rinding-rindi na sa SpongeBob.


-


"SpongeBob remix song. Lezgo!"


Nagising na lang ako bigla nang dahil sa tugtugang pangmalakasan.


Napatingin ako sa paligid. Gabi na pala! Lagot ako nito kay Yaya Ne pag-uwi ko. 


Tumayo na ko at nakipagsiksikan sa mga taong sumasabay sa tunog. Kailangan ko nang umuwi! 


"Hey hey, wait. Meron pala tayong isang kaibigan na mukhang kadadating lang." Napatigil ako sa pakikipagsiksikan sa mga tao nang tumigil ang remix theme song ng SpongeBob.


"Spotlight please." Nabigla ako nang lumiwanang ang pwesto ko. Ako ba tinutukoy ng lintik na DJ na yon? 


Bigla namang lumiwanag ang pwesto ko, "Hey bro, what is our password?" Tanong ng DJ. Napatingin ako sa mga taong inaabangan ang pagsagot ko.


"Gate crusher ata yan."

"Oo nga! Paalisin nyo na yan dito!"


Sumang-ayon ang iba sa sinabi ng dalawang babae na nasa stage. Shit. Anong gagawin ko?


Bago ko pa masabi na hindi ko alam, bigla na lang nagslow motion ang lahat. Napatingin ako sa mga tao. Ngayon ko lang napansin na lahat pala sila may SpongeBob na design sa kahit na anong suot nila. Yung isa may tattoo pa sa kanang braso niya at yung isa naman kinulayan ng kulay pink ang buong katawan at nagsuot ng high heels. Tapos napatingin ako sa malayo at nakita ang karatula na may nakalagay na 'I love SpongeBob. SpongeBob is love.'


Napatingin naman ako sa dalawang bouncer na papalapit sa'kin. Ayaw ko mang gawin 'to pero...


"I LOVE SPONGEBOB. SPONGEBOB IS LOOOOVE." Nakapikit na sigaw ko.


"Nice! Sasabihin mo rin pala, pinatagal mo pa." Sabi ng DJ.


 Iminulat ko ang aking mata at nakitang bumalik na sa dati ang galaw ng mga tao.


Napabuntong-hininga ako at tumingin ulit sa karatula. Nanlaki ang mata ko nang mawala ang karatula. Nasaan na yon?!


"Hello, Leo." Napalingon ako sa stage at nanginig ang buong katawan ko.


Nagiging si SpongeBob yung DJ tapos yung isa si Patrick. Lahat sila nagbabalat-kayo at nagiging isa sa mga character sa SpongeBob.


Shit.




_


(@anlonelle: Pwede kayong kumuha ng ideas dito kung gusto niyong gawan ng story. Basta lalagyan lang ng proper credits. Thank you!)

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon