Dear My Dear

33 5 9
                                    

Dear Dexto,

          Tatlong buwan na lang at mage-expired na feelings ko para sayo. Wala ka ba talagang balak na magpakita sakin? Ilang araw na kong nag-aabang na baka sakaling magpakita ka sakin. Kahit likod mo lang makita ko solve na ko doon. Bibigyan kita ng isang linggo para magpakita. Kapag hindi ka pa rin nagpakita. Goodbye na.

Love,

Kat


***


Nandito ako ngayon sa computer shop. Naglalaro ng online game as usual.


Nag-inat muna ako sandali dahil kanina pa ko naglalaro. Napatingin ako sa babaeng naglalaro din. Nasa bandang dulo siya at nagsasalita mag-isa. Tinanggal ko ang headphone at isinabit sa leeg ko para pakinggan kung anong sinasabi niya.


Natawa na lang ako, "Trash talker," sabi ko na lang at tumutok uli sa monitor.


***


Naglalakad ako papunta sa computer shop at nakasalubong ko yung babaeng nagmumura nung isang araw. Napahinto siya nung nakita niya rin ako. Nakita kong napasimangot siya at umiling-iling.


Problema non?


***


Dear Dexto,

        Oh ano masaya ka na? Kasi nagpakita ka nung naglalakad ako kanina pauwi sa bahay? Masaya ka na niyan? Choss! Ako dapat ang masaya ngayon kasi nakita kita. Pero narealize ko lang na it's time na para magkaroon ako ng ibang crush. Para madivert ang pagkagusto ko sayo sa ibang lalaki. Ayokong palalimin ang namamagitan sating dalawa. Actually wala naman talagang namamagitan, asumera lang talaga ko. Gusto na talaga kitang i-uncrush, crush! Kaso paano? Ah sige ganito na lang. Kapag nagpakita ka sakin ulit. Ie-extend ko yung tatlong buwan. Dadagdagan ko ng isang linggo. Deal? Okay, deal!

Love,

Kat


***


Nandito ako sa bahay at nagbabantay ng tindahan. Naalala ko yung babae nung isang araw. Napasimangot talaga siya sakin nung nakita niya ko. Inaano ko ba siya? Pasalamat siya at mabait akong lalaki.


Maya-maya pa at naisipan kong isarado ang tindahan dahil bibili ako ng ulam namin ng mga kapatid ko para sa tanghalian.


May bago nga palang tindahan sa kabilang kanto. Sakto at ulam ang tinitinda nila hindi ko na kailangan pang lumayo.


"Pabili po." Sabi ko at naghintay nang ilang minuto pero walang lumalabas.


"Pabili pooo!" Sigaw ko para marinig. Nakarinig naman ako ng ilang kalabog.


"Oo eto na! Teka lang!" Rinig kong sigaw sa loob ng bahay.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon