(No title)

47 9 0
                                    

"Shet, may chix pre."

"Witwiw!"


Nagkakagulo ang mga lalaking tambay sa kanto nung dumaan yung babaeng nakulangan sa tela.


Napa iling-iling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.


"Kuya, pembarya." Napatingin ako sa batang sumulpot sa tabi ko. Kumapa naman ako agad sa aking bulsa at dumukot ng ilang barya.


"Oh eto." Sabi ko at ibinigay ang barya. Ngumiti naman siya sakin, "Salamat po!" At nagtatakbo sya papasok sa maliit nilang bahay.


"Hoy! Saan ka pupunta?!" Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang makarinig ng sigaw sa bahay nung bata.


"M-may kukunin lang po ako, T-tay—"


"Sinungaling! Ano to?!" Lalo akong hindi nakaalis nang marinig ko yung batang nanghingi sakin kanina.


"Akin na po yan, Tay! Iipunin ko po yan para makapag-aral ako!" Rinig kong dipensa ng bata.


"Hinde! Bakit ka pa mag-aaral? Ha?! Eh bobo ka namang bata ka eh! Magsasayang ka lang ng pera!" Kumuyom ang kamao ko nang marinig ang sinabi. Ama siya ng bata pero wala siyang karapatan na pagsalitaan nang ganun ang bata! Anong klaseng magulang to?!


"Kung ako sayo, huwag mo nang tangkain pa na labanan ang ama ng bata." Napatigil ako at napatingin sa matandang naka-upo sa kalsada.


"At lalong hindi mo matutulungan ang bata sa pagsugod mo, iho." Medyo kumalma naman ako. Tama naman ang sinabi nya, magkakapasa ako pero wala akong maitutulong sa bata. Aish! Utak munggo ka talaga, Ron!


"Sa tuwing may gustong kumupkop sa bata, nagtataka na lang kami kasi ayaw ng bata na iwan ang ama niya. Siguro binabalaan siya o sadyang mahal talaga ng bata ang ama niya. Kaya simula noon, hindi na kami nakikialam sa kanila dahil wala rin naman nangyayari. Saka ayaw namin madamay." Paliwanag ng matanda.


Wala na kong nagawa kundi ang pakinggan na lang ang masasakit na salita na itinatapon ng ama sa bata.


Labag man sa loob ko ang umalis, nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Sana makamit ng batang yon ang mga pangarap niya. 


"Tulong!" Napalingon agad ako sa aking likuran at nakita ang matanda na nagsisisigaw habang may lalaking tumatakbo na may bitbit na bag. Teka, sa matanda yon ah!


"Magnanakaw! Tulungan nyo ako!" Agad akong tumakbo para habulin ang magnanakaw.


Kinapitan ko ang damit ng magnanakaw nang makalapit ako sa kanya at saka sya sinuntok.


"Alam mo bang masama tong ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya.


"A-alam ko! M-may mga anak akong pinapakain at ito lang ang alam kong makakatulong samin!" Sabi nito at naglabas siya ng kutsilyo habang dahan-dahang umalis.


Nanginig ang buong katawan ko at napa-upo. Napa-tingin ako sa langit at napaluha.


"Ano na ang nangyayari sa bansa kong sinilangan?"




(@anlonelle: Pwede kayong kumuha ng ideas dito kung gusto niyong gawan ng story. Basta lalagyan lang ng proper credits. Thank you!)

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon