PS: I Love You Babe

3K 44 18
                                    

“Mahal na mahal kita.”

“I don’t believe in destiny... until I found you.”

“Handa akong sungkitin ang tala para sa 'yo.”

“Beybi aym inlab wid yu.”

 “Oh, irog ko. Ikamamatay ko kung mawalay ka sa piling ko.”

“You to me are everything.”

“Ickaw lhAn sApfHuat nUah.”

May iba’t ibang paraan ang mga Pilipino para i-express ang nararamdaman nila para sa mga mahal nila.

Ikaw? Naranasan mo na bang masabihan ng mga salitang 'yan? O ikaw mismo ang nagsasabi ng mga cheesy pick-up lines mo para malaman nila na seryoso ang sinasabi mo?

Likas na romantic ang mga Pinoy. Kapag um-edad na tayo ng 14 pataas (kung minsan nga mas bata pa), nagsisimula na tayong ma-attract sa opposite sex. And according sa mga psychological research, sa edad na 16 or 17 kadalasang nakikilala ng isang indibidwal 'yung magiging partner for a lifetime niya.

But it’s not that easy.

Kasi nga, hindi naman mainit na kanin ang pag-aasawa na kapag napaso ka eh iluluwa mo na. Ganyan din sa relasyon. Tandaan: May mga bagay na kapag ipinagpilitan kahit hindi pa dapat, masisira rin sa katagalan at mag-iiwan ng malalim na sugat.

Pero pag-usapan natin ang pag-ibig ng isang Juan dela Cruz. Throwback muna tayo at alamin natin kung pa’no nag-evolve ang panliligaw ng isang binatang Pilipino.

Noong unang panahon, nu’ng mga panahong lamok pa lang ako sa mundo, napakaraming proseso ng panliligaw ng isang binata sa dalagang kanyang napupusuan. Hindi lang mahirap kundi madugo at masalimoot.

Oo. MADUGO at MASALIMOOT.

Hindi naman kasi uso no’n ang cellphone at internet kaya kartero lang ang maaasahan mo para makipag-communicate sa chix o sa boylet na gusto mo. 'Tapos 'di pa uso nu’n ang mga babaing... Teka ibang term na nga lang.

Ganito kasi 'yan. According sa nanay ng lola ko na sweet 92 pa lang naman ngayon, ang mga babae noong panahon ni Rizal ay kadalasang nasa bahay lang nila. Bawal silang magpagala-gala sa gitna ng kalsada lalo na kung magdadapit-hapon na. Hindi rin sila nagsusuot ng mga short na short na nga tapos pina-short pa. Hindi rin kasing-kapal ng alikabok sa bodega namin ang mga make-up nila. Sa panliligaw, normal scene na ang pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig, at panghaharana ng mga boys.

At take note ha! Kapag niligawan ang isang dalaga at naging mag-jowa sila ng lalaking gusto niya, bawal silang mag-HHWW (Holding Hands While Walking). Kapag nahawakan daw ng lalaki ang kamay ng babae, kino-consider na nilang hindi na virgin ang babae at kailangan na siyang pakasalan ng lalaki.

Well, alam ko namang tinuro naman 'yon nu’ng high school ka kaya 'wag kang magmaang-maangan d’yan. Kung hindi mo 'yun alam, siguro tulog ka sa gitna ng klase o nakikipagdaldalan ka sa katabi mo kaya hindi mo nage-gets ang mga sinasabi ko. Tama ako 'no?

Sa kasamaang palad, sa pelikula mo na lang makikita ang mga ganyang eksena ngayon. Iba na kasi ang uso. Iba na ang gusto nina Juan at Juana dela Cruz. Gusto mo ba ng instant girlfriend/boyfriend? Andito ang list para makakuha ka ng instant partner:

*Hanap.

*Usap.

*Deal.

Oh kitams? Ganyan na lang ngayon. Mas madali pa kesa sa Basic Math ang paghahanap ng partner mo. Pero sana lagi niyong tatandaan na kung ga’no kabilis naging kayo, ganu’n lang din kabilis mawawala ang partner niyo sa inyo.

Dear Honey, Why So Sinungaling? [PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon