Chapter 1: Text message
“Don’t forget to submit your written report next meeting. That would be all. Class dismissed.”
Finally! Natapos din yung 3 hours na klase sa ObliCon, nakakapagod umupo ng ganun katagal. Palabas na ako ng room nang maisipan ko na tingnan yung phone ko.
*1 message received
-Vanessa
Girl! Class done? I’m here at the cafeteria. See yah!
Dumiretso na ako papunta sa cafeteria, at ayun nakita ko syang nakaupo habang hawak yung ipad nya. Rich kid eh. At ako isang hamak na scholar. By the way, Im Kylie Solliven, hindi ako kasing yaman ni Vanessa Ignacio, bestfriend ko since first year college, sa kanila yung Ignacio Group of Companies which is inclined sa clothing business. Hindi ako mayaman, sabihin na nating sakto lang para makakain ng sobra sa 3 beses sa isang araw at kahit papaano ay nakakabili ng mga luho. My parents are ofw, sa Vancouver sila nakaatira with my Ate, and sooner or later baka sumunod na din ako sa kanila dun.
“Busy ka na naman sa ipad mo!” sabi ko sa kanya pagka-upo ko sa harap nya.
“Why so tagal girl?” masanay na kayo sa kanya ganyan yan conyo.
“Eh why so conyo?” panggagaya ko.
“Hate you!” at nagpout pa “Anyways, you know may friend ako, childhood to be exact, ngayon nalang kami nakapag-usap through facebook pa and Im so happy with that. “ kwento nya.
“Edi mabuti. Babae ba sya?”
“Nope. He’s he! And you know what, I think bagay kayo! Wala syang girlfriend ngayon eh.”
“Wow ha! Close nga kayo talaga para matanong mo agad yan ah! Tsaka bakit ako? Eh mukha ngang mas bagay kayo!”
“Na-ah! He’s not my type. And I have this feeling talaga na bagay kayo, wait gusto mo bigay ko number mo? Textmate?” sabay ngiti nya sakin ng pagkawagas-wagas
“Ay nako Van, tigil-tigilan mo ako sa ganyan wala akong balak sa mga ganyang bagay!”
“Pakipot pa! Uhm he’s handsome, smart I guess, tall, appealing and soon to be an heir, oh diba such a good catch for you! “ sabay tawa nya habang ang buong attention ay nasa ipad padin kahit kausap nya ako.
“Bahala ka sa buhay, wag mo akong idamay sa kalokohan mo. Dyan ka lang bibili lang ako ng mango shake. Yun gamit ko ah pakibantayan, yung phone ko baka mawala. “ bilin ko sa kanya.
Ngumiti lang sya bilang sagot.
Tumayo na ako para bumili ng shake at naisipan ko nadin bumili ng fries, nakakagutom kasi yung amoy eh.
BINABASA MO ANG
Sayang! Bad Timing Lang! (HIATUS)
RomansNainlove ka sa maling oras sa isang taong hindi mo pa nakikita pero palagi mong kausap. Paano kung bigla kayong pinagtagpo ng tadhana? Tama na ba ang pangalawang pagkakataon?