Reunion Part 2 (24)

2.1K 49 3
                                    

CHAPTER 24: “Reunion Part 2”

Ivan’s POV:

 

Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko ngayon. Seriously? Andito siya? TOTOO?

“Patchot ikaw ba yan?” tanong ni Patrick.

She smiled  “Oo. Ano bang tingin niyo? Kayo ha! Ang o-oa niyo.”

HALA! OO nga! Siya nga!

Lahat sila napatayo at niyakap si Patchot. Di pa rin ako makapaniwala.. Totoo nga talaga. Pero paano siya napunta dito? I mean how did she know na ngayon ang reunion namin?

“Oh wait lang! mukhang meron pang hindi bumabati kay Patchot.” Parinig ni Angelo. -_- Okay. Ako yun. Tss.

Napaupo silang lahat at nakatingin sakin. Aish! FINE! Tumayo ako at lumapit kay Patchot. I feel the awkwardness between us. Kinakabahan ako alam niyo yun?

“Ah. H-hi.” Sabi ko. Then I force a smile.

Ngumiti naman siya sakin. Namiss ko yang ngiti na yan. “Hello.”

Then the next thing I knew, niyakap ko nalang siya. AKO MISMO ANG YUMAKAP SA KANYA! Napa woah naman yung mga kasama ko. Bakit ko siya niyakap? Bakit ko ito ginawa? Then na feel kong niyakap niya rin ako pabalik. Ghaa! Yung puso ko, ang bilis ng tibok..

Then I don’t know bakit ko nasabi ang mga salitang ito.

“I missed you.”

Bwisit na dila to. Bakit ko nasabi yan? na feel ko na gusto ng umalsi ni patchot sa yakap kaya hinayaan ko siya. Then yung itsura niya parang nawala na yung mga ngiti sa mukha niya. Okay. I know..

Umupo na ako. At umupo na din siya, bale kaharap ko siya ngayon.

Patrick-Ella-Patchot-Angelo-Kathy-Jane

---------------------------------------------------------

I LOVE YOU, BEST FRIEND! (ILYBF 1) |FINISHED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon