Happy Day (33)

1.8K 48 4
                                    

Ivan’s POV:

Dumating si Frances dito. Napapikit ako. Kasama kaya siya?

“Ivan,” sabi ni Frances, at hinawakan ang kamay ko. Ayokong dumilat. Kasi baka wala siya. Baka hindi siya pumunta.

“Ivan, wag kang mag-alala kasama ko siya” napadilat ako.

“Ano?”


“Kasama ko siya Ivan, nasa labas lang siya”

parang nagising ang diwa ko sa sinabi ni Frances. Sobrang saya ko. Pinuntahan niya ako. Napangiti ako.

“Gusto ko siyang makita---Gio, paki buksan naman ng pinto at pakitawag ang prinsesa ko” Tumango naman si Gio, at binuksan ng pinto. Excited na akong makita siya.

“Frances, sigurado ka bang kasama mo si Patchot? Eh bakit wala siya dito sa labas? Sabi mo andito siya?”

Nagtaka naman ako. Napatingin ako kay Frances,
“Oo nga, kasama ko siya. Pinauna niya lang ako kasi may kinausap siya sa phone. EJ? ba yun? A-- Ah! Aj! Yun yung kausap niya yata?”


Bigla akong nalungkot. Si Aj? Naisip na ba niya na mas mahal niya si Aj kesa saken? Napa sigh nalang ako. At pinikit ang mata ko. Pero shit lang, may tumulong luha eh.

“M-mat-tutulog lang ako---- pero sana hindi na ako magising

Angelo: “Hoy! Tangna mo Ivan! Subukan mong hindi magising, kakalbuhin kita!”

Patrick: “Pkyu ka tol! Subukan mo, mas magiging gwapo na ako kesa sayo”

Frances: “*sniff* Ivan, sorry...”


Napa dilat ako. “Wag kayong oa, matutulog lang nga ako!” sabay punas ng luha ko.

Pumikit ulit ako,



Grabe Patchot, umasa ako. Sobra. Tangna naman! Pinaasa mo lang pala ako. Sana di na ako umasa. Kasi si Aj naman pala talaga ang mas mahal mo. Sana hindi nalang ako magising no? Kasi ano pang saysay nun? Eh wala ka na sa buhay ko.



Patchot’s POV:

Kasama ko si Aj ngayon, Tama kayo. Mas pinili ko siya kesa kay Ivan. Sobrang sakit sa part ko na hindi ako nakapag paalam. Iniwan ko nalang siya agad. At higit sa lahat.

PINAASA KO NA NAMAN SIYA.


“Salamat Patchot, salamat” then he hugged me. Nag fake smile lang ako at tumango. Sana hindi ko to, pagsisisihan.

“Uhm, sure na ba talaga na ngayon ang alis natin aj?”


Tumango siya.
“Yes. Why? Ayaw mo ba?”



“Uhm, hindi naman sa ayaw ko. Ano kasi, bakit parang sobrang dali naman agad?”



“Mas maganda na yun Patchot,” hindi nalang ako sumagot at kinuha nalang yung mga gamit ko.


“Tara na,”


sabi ko, tas pumasok na sa taxi. I took a deep sigh. Then I texted Frances,


To: Frances <09--------->;

Fran, sorry iniwan kita. Kailangan ko ng umalis ngayon. Sasama na ako kay Aj, we’re going to LA. Sorry din pakisabi kay Ivan. Iniwan ko na naman siya. Sorry din kasi pinaasa ko siya. Hindi ko alam kung kelan ako babalik. Baka hindi na, sobrang sakit para saakin. Pakisabi na Mahal na mahal ko siya. Uhm, tumawag ka muna please? Pero lumayo ka kina Ivan, Iintayin ko ang tawag mo.



I LOVE YOU, BEST FRIEND! (ILYBF 1) |FINISHED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon