Pt2~

79 5 0
                                    

*

nakahiga lang sa kama si jayzie at nagmumukmok.

kaasar! bakit niya ginawa sakin yon? bakit ? minahal ko siya ng sobra sobra! bakit niya ko nagawang lokohin? anong mali sakin.? bakit ? bakit anniv din nila ngayon? shit !! ansakit ! parang binibiyak ang puso ko. 

bulong niya sa sarili.

"advincilla, pwede kang umiyak kung gusto mo!" 

"advincilla, wag kang magpapakamatay ha ? isipin mo nalang ung mga pangarap mo! yung pamilya mo! ang pamilya ko, mga kaibigan mo, lalo na ako! pag namatay ka hindi ko alam gagawin ko , kaya umiyak kanalang, wag ka mag papakamatay ha advincilla, kaya sige umiyak kana jan ,  magdrama , ka bibilhan kita ng maraming tissue, sige na iyak na umiyak kna---ARAAAAY potchang botcha naman oh!!!!" tinignan nya ng masama si jayzie nakaupo na pala ito sa tabi niya

"ANG OAAA MO MO AGONCILLO! KAASAR TO!" 

"IIYAK MO NALANG KASE!!!!"

"PAANO AKO IIYAK KUNG SINISIRA MO YUNG MOMENT KO?"

"eeeh sarreeeh nemen kase! pero grabe siya noh ?"

"hindi ko din inakala na magagawa niya sakin yun, ginawa ko naman ang lahat para sakanya pero bakit ? akala ko sapat nako! bakit ? kailan paba ? nakakainis best eh ! sobrang nakakainis. naiinis ako sa sarili ko kase feeling ko nag kulang ako sakanya. ANG SAKIT SAKIT BEST EH . na yung akala mong mahal ka may mahal palang iba. yung mahal mo na may mahal na iba, yung mahal mong may ka anniv na iba sa anniv niyo.. ansakit agoncillo."  hinaplos niya ang likod nento.. at nakita niyang umiiyak na ito. 

oo best sobrang sakit, masakit talagang malaman mong may mahal ng iba ang mahal mo. sobrang sakit 7-8 na kaya akong nasasaktan :( ngayon alam mo na. sakit diba ? ays.

"alam mo ba kung bakit tayo nag iinom kapag nasasaktan tayo? kase sinanay tayo nung bata tayo na alcohol ang gamot sa sakit at sugat natin."  

hindi nagsasalita si  jayzie at pinakikinggan ang malalalim na sinasabi ni aleisha, minsan lang ito mag salita ng ganon dahil napaka jolly at childish nento.

"Alam mo ba kung bakit hinahayaan tayong madapa ?  para matuto tayong tumayong muli sa minsan nating pagbagsak. Alam mo ba kung bakit tayo nasasaktan ? para matuto tayong maging matatag ! Alam mo ba kung bakit tayo naging duwag? para matuto tayong lumaban !. Alam mo ba kung bakit ka may kaibigan? para alam mo na mayroon kang kasangga sa oras ng pangangailangan."  nilingon ni jayzie si aleisha na nakatingin sa kawalan at seryosong seryoso habang yakap yakap nito ang mga binti niya.

"Best." sabi ni jayzie. 

"Minsan may mga taong mamahalin natin akala mo sila na ang para sayo, pero hindi pa pala. Dahil hanggat may malandi, hanggat may nag papalandi wlaang matinong relasyon. Minsan may taong mamahalin natin, at gagwin natin ang lahat para sakanila kahit alam mong may mahal silang iba.Minsan kailangan mong magparaya at isakripsiyo ung pagmamahal mo alang alang sa pinag samahan niyo . Minsan gusto mo siyang ipaglaban kaso wala kang magawa. Minsan para silang punong jeep, alam mong puno na pero sabi kasya pa, kay pag sisiksikan mo parin yung sarili mo sa jeep kahit alam mong wala ng space para sayo."

"agoncillo!"

"minsan advincilla, di mo kailangang isipin na kasalanan mo ang lahat kung alam mong binigay mo ang lahat. Na broken hearted kalang pero hindi pa katapusan ng lahat."

"Agoncillo!"

"Minsan ang bu---ARAAAAAY HA!!!! aaissh inaano kita ha ? nakita mo ng nag eemote eh! -__- "

The story of us (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon