ilang araw na kaming hindi nag uusap ni jayzie . :( sabado ngayon at required pumunta sa school kase mag aayos para sa monday. Contest na :( pero paano ako kakanta kung naiiyak ako sa away namin ni jayzie ? magkikita nanaman kami, pero hindi naman kami nag uusap. Iniiwasan niya ako. :( nag seselos ba sya ? aist asa pako. - Aleisha
"anak ano malalate kana."
"yes ma!"
lumabas na siya ng kwarto at nasa lubong niya ang mama niya.
"anak, walang araw sa loob ng bahay . Hubarin mo muna yang shades mo."
"masakit ang mata ko mommy, okay nato. alis nako."
"hindi kana ba kakain?"
"hindi napo. bye ma."
agad siyang bumaba at sumakay sa kotse niya. Pinaandar niya ito sa may bahay ni jayzie, nag babakasakali siyang matanaw niya ito doon. Ng makarating sya eh nakita niyang wala na ang kotse nento doon. Nalungkot nanaman siya. Agad na niyang pinaandar ito palayo.
Ng makarating siya sa parking lot. Pag kababang pag kababa niya ng kotse, nag ka salubong ng tingin si Jayzie, Pero napansin niyang tumingin din ito sa likod niya kaya napalingon siya doon, Nakita niya si Dexter at gayle na kakababa lang din ng kotse. Ang awkward ng pwesto nilang tatlo, dahil nag papalitan lang sila ng mga tingin. Maya maya pa eh umalis na si dexter at gayle, ng lingunin nya si Jayzie patalikod narin ito sa pwesto nento. Hanggang siya nalang ang maiwan doon.
"Ang mga magagandang Prinsesa hindi dapat malungkot sa umaga." nilingon ni aleisha ang nagsabi non, Nakita niyang nakangiting nakatingin sakanya si Keane,
"Pinaiyak kanya ?" tanong nento sakanya
"h-hindi." simpleng sagot niya. Sumandal din ito sa kotse niya.
"Nagtatampo lang siguro kase nalimutan mo siya."
"b-baka nga."
"kaya wag kana malungkot."
ngumiti lang siya dito.
"much better." sabi sakanya ni keane
nagulat nalang siya ng may humila sakanya. Ganun nalamang ang gulat niya ng makilala kung sino to. Hindi siya makapag salita . Natameme siya. Pati si keane nagulat sa panghihila ni jayzie kay aleisha.
nagulat siya ng dalahin siya nento sa canteen. Pinaupo siya nento at tyaka umalis para umorder, ng makabalik ito may dala na itong pagkain nilang dalawa, Nakaupo na sila pareho pero walang nag sasalita ni isa sakanila.
"hindi mauubos yang pagakin mo pag hindi mo kinaen." seryosong sabi nento sakanya.
"j-jayzie."
"Sabi sakin ng mommy mo hindi ka daw nag kakaen this past few days. Magpapakamatay kaba ? diba sabi ko sayo, kung mag di-diet ka ilagay mo sa lugar. Kaen. Healthy yan."
agad naman niyang kinuha ang tinidor at kumaen ng salad.
"sorry." napatingin sila sa isa't isa, dahil sabay pa sila. Sabay pa sila ngumiti
"kanina pako na ba-bother sa shades mo agoncillo, take it off"
"hindi pwede eh."
nagulat nalang siya ng alisin ni jayzie yun. Nalungkot ang mukha nento ng makitang namamaga ang mga mata niya.
"Sorry aleisha, hindi ko naman sinasadyang paiyakin ka eh "
BINABASA MO ANG
The story of us (Short Story)
Teen FictionMasarap siguro kung mahal ka din ng mahal mo diba ? sana nga mahalin niya din niya ako. Like more than BESTFRIENDS-- Aleisha