"Ang bilis ng panahon no?" tanong ko sa kanya habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
"Panong mabilis ang panahon?" nanatili itong nakapikit habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin.
"Isang sem na lang graduate na ko. Parang ayoko pang matapos" hindi ito kumibo kaya nagpatuloy ako.
"Parang ayokong matapos? Kasi sa oras na magtrabaho na ko. Kailangan ko nang iwan ang mga dating gawi ko." Bigla itong nagmulat ng mata at tinitigan ako ng malalim.
"Tulad ng?" malalim pa rin itong nakatingin sa akin na parang isang maling salitang bitawan ko ay ikamamatay ko.
Lumunok muna ako saglit bago nagpatuloy.
"Yung pagiging immature ko. Kelangan ko nang alisin sa sarili ko na hindi na talaga ako bata. Na hindi na ko pwedeng pa easy easy na lang sa buhay dahil papasok na ko sa totoong mundo." hindi pa rin ito nangsalita kaya huminga ako nang malalim bago ko ituloy ang sasabihin ko.
"Kailangan ko nang magbago. Para sa sarili ko. Para sayo at sa relasyon natin. Para kela mama at papa. Para sa future nating dalawa." napapikit ito at huminga ng malalim na para bang nabunutan ito ng tinik sa dibdib.
"Bakit Pan? Okay ka lang ba?" tanong ko dito ng mag halong pag-aalala ngunit iling lamang ang sagot nito at muli akong niyakap ng mahigpit.
"Pin mahal na mahal kita. Hintayin mo lang ako ng isa pang taon. Tulong na tayong dalawa sa pagtupad ng pangarap natin para sa isat-isa" yumakap ako dito pabalik. Sing higpit ng yakap nito sa akin.
Hindi pa kasi tapos si Pan. May naiwan pa siyang subject na kailangan niyang tapusin.
"Kahit naman hindi ka pa tapos Pan, you can still help our relationship to fulfill both our dreams." lumayo ako ng kaunti para makita ang mukha nito at laking gulat ko nang makitang may luhang malapit ng tumulo mula sa mata niya.
Napa-upo ako sa gulat. Hinili ko ito para umupo at sumunod naman siya.
" Pan bakit? " tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya.
He didn't answer, instead he cried silently. Harder but silent. Niyakap ko siya nang mahigpit at muling tinanong. Bumuntong hininga ito bago sumagot.
" Pin, nahihiya ako sa sarili ko eh. Malapit ka na magtapos, pero ako maghihintay pa ng isang taon. Naiinggit ako sa iba. Na sila kasabay nila yung mga girlfriend nila yung boyfriend nila sa graduation pero tayo hindi. " naiiyak ako sa sinasabi niya.
Hinaplos ko ang mukha nito at pinilit kong iharap sa akin.
" Pan, bakit ka nahihiya?" hinahaplos ko ang mukha niya na hindi makatingin sa akin ng deretso.
" Pan, hindi man tayo gagraduate ng sabay. Parehas naman tayong aakyat sa entablado para tanggapin yung diplomat natin. Hindi porket nauna ako sayo sa pag graduate ay napagiiwanan ka na. This is my timeline to graduate and next year is your timeline to graduate" tumingin siya sakin ng marahan na may pagtataka kung ano ba ang gusto kong iparating.
" We have a different timeline Pan. Hindi nakakahiya ang hindi sabay na pag graduate. Ang nakakahiya ay yung pagaaksaya nang opportunity to graduate for a very nonsense reason" Nakita kong may papatak na luha sa mga mata niya kaya naman bago pa man tumulo nang tuluyan ay hinalikan ko na siya sa mata.
"Cheer up! Wag ka mainggit sa ibang magkarelasyon dahil hindi healthy yun sa relationship nating dalawa" pagpapatuloy ko nang bigla niya akong hatakin para yakapin nang mahigpit.
Habang nakayakap ako nang mahigpit ay bigla kong naramdaman ang labi niya sa aking leeg na aking ikinagulat.
"Pan." Marahan kong tawag sa kanya ngunit imbis na tumigil ay bigla niya akong binalik sa pagkakahiga sa kama.
![](https://img.wattpad.com/cover/188644777-288-k683513.jpg)
YOU ARE READING
The Last Hope
Romance"Akin ka noon. Akin ka ngayon. Akin ka bukas. Akin ka sa isang araw. Sa isang buwan. Sa susunod na taon. Sa isang dekada. Kahit ilang libong taon pa. Akin ka. Sa akin lang. Wala nang iba"