Nagkekwentuhan lang kami ni Pan nang biglang bumukas ang pinto. May pumasok na maliit na babae. Bat may highschool dito?
"Proceed na tayo sa Meeting room" sabi nung highschool.
Naglalakad kami ni Pan kasabay nung mga kapwa namin interns nang bigla niya kong kuwitin. Tumingin lang ako sa kanya tapos sumenyas siya na ilapit ko ang tenga ko sa kanya. Gago ba to? Ano kami magkasingheight?
"Di kita abot." Natawa siya ng mahina kaya naglakad kami ng mejo mabagal at tsaka siya bumulong.
"Bakit may elementary dito Pin?" Natawa ako ng mejo malakas kaya napatingin samin yung mga tao. Sasagot pa sana ko nang biglang buksan nung highschool yung mga pintuan. Taray 2 door yung room.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay namangha ako sa ganda nang meeting room nila. Katamtaman lang ang laki nito pero sa disenyo ay mukha siyang maluwag.
"Dito tayo Pin." Tawag sakin ni Christof habang pinag-aayos ako ng mauupuan namin. Naks! Gentleman!
"Salamat Pan!" Ngumiti lang siya bilang sagot. Itutuloy ko na sana ang sasabihin ko kanina kay Christof nang muling magsalita yung highschool student.
"Good morning sa inyo!" Nakangiti niyang bati samin. Bumati din kami ng good morning sa kanya. Kaso bigla siyang natawa.
"Ang formal niyo masyado. Hahahaha! Ako nga pala si Ma'am Julie. Ako ang HR niyo." Luh! G*go! HR pala yon. Kinuwit ako bigla ni Christof. Kitang-kita mo sa mukha niya na nagpipigil siya ng tawa.
Kami lang ata yung natatawa kasi yung iba mejo nagtataka na HR pala siya.
"Again, good morning sa inyo. We will be taking this day, as a day of getting to know you all. So isa-isa kayong pupunt dito sa harap to introduce yourselves together with your positions." Paliwanag ni Ma'am Julie. Tumango-tango kami lang kami nang bigla siayng magtawag.
"Start tayo sayo." turo niya sa isang lalaki na mejo maitim, chubs at laki ang ilong.
"Hi! Ako po si... ay wait, pwede po ba tagalog." Natawa muna si Ma'am Julie bago tumango.
"Yun po. Hi po ulit! Ako pala si Alexander Romero. Alex na lang. Uhm! Back-end." Pakilala niya sabay ngiti. ang laki talaga ng ilong niya. Tumayo na yung kasunod niya. Hindi pa kami kabado kasi malayo pa kami. Kabilang dulo kami.
Nagkwentuhan muna kami saglit ni Pan tungkol sa kung san kami pupunta mamaya. Half day lang pala kasi kami dahil introduction lang daw muna kami.
Na-guusap pa kami ni Pan nang bigla siyang kuwitin ng katabi niya.
"Ikaw na po." sabi nung lalaking kumuwit sa kanya. Mejo may takot ang mukha nito dahil ata sa mukha ni Pan. Ang bilis naman.
Tumayo si Pan, at pumunta sa harapan. Huminga muna siya ng malalim bago nag-salita. Halatang kabado.
"Christopher Noah Montemayor. Uhm. Christof na lang. Designer." pagpapakilala ni Pan. Pero bago siya maupo ay may tinanong muna si Ma'am Julie.
"May girlfriend?" Ngumiti muna si Pan bago tumingin sakin at sumagot.
"2 years na po." Nag-iritan ang mga staffs and other interns. Napangiti naman ako. Proud si Pan na Gf niya ko. Sino ba namang hindi.
Bago pa siya makalapit ay tumayo na ako. Bahagyang bumulong si Pan nang magkatapat kami.
"Goodluck Pin." sabay mahinang tapik sa kamay ko.
Pagpunta ko sa harap ay mejo nablangko ako. P*ta! Ano nga ulit gagawin dito?
"Uhm! Amelia Winter Flores po." kumurap ako ng ilang beses bago huminga ng malalim at nagpatuloy. Tangina. Bat nakakakaba dito.
"Amelie na lang po. Marketing Staff" yumuko ako senyales na tapos na ko. Bago pa ako makaalis ay muling nagtanong si Ma'am Julie.

YOU ARE READING
The Last Hope
Romance"Akin ka noon. Akin ka ngayon. Akin ka bukas. Akin ka sa isang araw. Sa isang buwan. Sa susunod na taon. Sa isang dekada. Kahit ilang libong taon pa. Akin ka. Sa akin lang. Wala nang iba"