Chapter 3

209 4 0
                                    

Mas naging masigla si Alex sa paglilinis sa pusit. Mayamaya pa ay kumakatok na siya sa bahay para maningil.

"O, sobra iyan, ha? Bayad sa paglilinis mo ng pusit," pormal ang mukhang wika ni jerome nang pagbuksan siya.

"Ay, thank you! Siyanga pala ako si -"

"Sige na, lakad ka na. Dalhan mo ako bukas ng malalaking isda, ha?" Pagkawika niyon ay lumapat na pasara ang pinto.

Naiwang nakatunganga si Alex

Nakakainis naman, sasasabihin ko sana ang pangalan ko para malaman ko naman ang pangalan niya, sukat BA namang magsara ng pinto. Bastos yata, ah! Pero ang guwapo naman niyang bastos, ha?

Nanunulis ang ngusong humakbang na siya patungo sa dalampasigan para balikan ang kanyang bangka.

Hindi bale, ako na lang uli ang mamamalakaya bukas para may dahilan akong bumalik dito. Sana ay makahuli ako ng mga malalaking isda bukas. Hay, ang pogi talaga niya!

Kinikilig na namang itinulak niya ang bangka patungo sa laot para makauwi na siya.

Malamig na malamig ang kanyang ulo nang makauwi na sa kanila, iyon ay kahit nadatnan niyang nakaumpok na sa mga kainuman ang kanyang tatay gayung alas-nueve pa lang ng umaga.

"O, hayan na ang dalaga mo, Philip. Mukhang nasabak na naman sa pamamalaot, ah?" wika ng kainuman ng matanda.

"Oo nga, eh, sumasakit kasing ulo ko," ngising-ngising wika ni Mang Philip

"Kuh, sobrang inom ka kasi kahapon."

"Suwerte ka sa anak mong iyan, masipag na, mahusay pa sa trabahong lalaki. Aba, kahit na wala kang anak na lalaki, malaking pakinabang mosa kanya dahil kaya niya ang trabahong lalaki. ako??!, iyong anak kong dalaga? Hayun, walang ginawa kundi magsuklay at magsalamin. Ang arte! Hindi kagaya ng anak mo, walang kiyeme kahit na anong trabaho."

"Oo nga, iyong anak kong dalaga, hayun sa kaartenan numero uno. Ngayon, isa na siyang dalagang ina."

Napapangiti na lang si Mang Philip. Sa mga papuri na naririnig para kay Alex, lalo nitong naiisip na puwede na itong magtamad-tamaran sa pagtatrabaho dahil may papalit na dito.

Sa loob ng bahay nila, naririnig ni Alex ang pag-uusap ng mga kainuman ng ama, pero hindi pa rin nag-iinit ang kanyang ulo. Aligaga pa rin kasi siya sa kaiiisip sa guwapong may-ari ng rest house.

Bukas, aagahan ko ang pagpunta roon. Sana naman, malaman ko na ang pangalan niya.

KAYA nang gisingin siya ng ama ng madaling-araw na iyon, agad na nagbangon si Alex at gumayak na para pumalaot.

"Aba himala! Mukhang walang sumpong ang anak mo, hindi na ako senermunan dahil masakit na naman ang ulo ko dahil sa pag-inom kahapon,"napapantastikuhang wika ni Mang Philip sa asawang si Aling Thelma.

"kasi naman, baka napagod na. Alam naman kasi niyang wala na siyang magagawa sa pagkalasenggo at katamaran mo kaya ayaw nang mag-aksaya ng laway."

"Dumale ka na naman! Tigilan mo nga ako! Makatulog na nga uli!" pagkuwa'y patalikod itong nahiga at nagtalukbong ng kumot.

" Batugan! Ang kapal talaga ng mukha!" bubulung-bulong namang wika ni Aling Thelma na nagbangon na para magluto ng agahan bago gisingin ang tatlo pang anak na nag-aaral pa sa kabilang baryo. Nasa elementarya pa lang ang mga ito.

Habang masigla namang itinulak ni Alex patungo sa dagat ang bangka. Pagkuwa'y sumakay na siya at nagsimulang sumagwan.

Suwerte na naman siya ng araw iyon, bago pa lang magliwanag ay tatlong malalaking maya-maya at alumahan ang nahuli ng kanyang lambat, nadagdagan pa iyon ng ilang pusit kaya maaga siyang nakadaong sa pampang ng pribadong resort ng guwapong binata.

Naku, mukhang tulog pa siya, ah. Baka magalit kapag kumatok na ako. Masisira ang tulog niya. Hintayin ko na lang muna siyang magising. Oo nga, maghihintay na lang muna ako!

At para malibang ang sarili, muli niyang sinipat-sipat ang kotseng nakaparada sa tabing rest house bagama't hindi na niya iyon hinawakan.

Mahirap na, baka mahuli na naman siya ng guwapong binata.

Nang magsawa na sa kasisipat sa magarang kotse na pangarap masakyan naglakad-lakad naman siya sa dalampasigan. Nililibang angsarili para hindi siya mainip. Pero nang mapagod ay naisip niyang maupo sa swing na bakal na nasa ilalim ng isang punong-niyog.

Pero dahil madaling-araw pa lang ay gising na siya, hindi napigilan ng dalaga ang sumalakay na antok. Hanggang tuluyan na siyang makatulog sa pagkakaupo sa duyan.

To be continue :)

Si PROBINSIYANA at BOSS ASTIG (cocojam fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon