Malungkot at gulo ang isip na umuwi ang dalaga.
"Ikaw naman kasi, sinabi ko na sa iyong tigilan mo na iyang ilusyon mong iyan, kung bakit patuloy ka pa rin sa kalokohan mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ang mayaman at guwapong lalaki na kagaya niya ay para sa mayaman at maganda ring babae?" paninisi ni beanca sa kanya.
"Bakit, maganda naman ako, ah?" pahikbing wika ni Alex.
"Oo nga, masasabing maganda ka, pero hindi ka mayaman, ano?"
"K-kahit na. Puwede namang lalaki lang ang mayaman, ah."
"Ah, ewan ko sa iyo! Akala ko ba, kapag nabulilyaso ka sa plano mo, hindi ka iiyak? Bakit umiiyak ka?"
"K-kasi, gusto ko na talaga siya, eh. Ang totoo, ilang gabi ko na siyang napapanaginipan."
"Ay, gaga! Baliw ka na talaga! Buti pa, bumalik ka na lang sa dati mong pangarap na makakilala ng mayamang matanda na madaling mamatay, iyon pa, baka sakaling posible iyon."
"A-ayoko na nga niyon."
"Puwes, magdusa ka!"
Wala rin siyang napala sa pakikipag-usap kay beanca. Lalo lang lumala ang pagkahabag niya sa sarili.
Pero hindi nangangahulugan iyon na suko na si Alex.
Kinabukasan ay maaga pa rin siyang nagpunta sa resthouse ng binata.
"ANO na naman ang ginagawa mo rito?" maang na tanong ni Jerome nang mapagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Ah, k-kasi, kung aalis ka na rito sa resthouse mo, de isama mo na lang ako sa lungsod."
"Ano? At bakit naman kita isasama?"
"P-papasok akong katulong sa iyo. Basta isama mo na lang ako."
"Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo? Hindi ko nga kailangan ng katulong.Ano ka ba?" bulyaw nito sa dalaga.
Napakagat-labi na lang si Alex, muli siyang nakadama ng pagkabigo.
"Puwede ba, umuwi ka na? Paalis na ako ngayon, eh."
Nanlalatang tumalikod ang dalaga, saka mabibigat ang hakbang na tinungo na ang kanyang bangka.
Hindi! bigla siyang huminto bago pa nakarating sa kanyang bangka. Babalik ako! Kailangang malaman kong pangalan niyal Eh, ano kung galit siya sa akin dahil nabasag kong baso niya noon? Basta itatanong kong pangalan niya! Saka sasabihin ko na rin sa kanya na gusto ko siyang maging kaibigan. Na kung maari, humigit pa sa kaibigan. Bahala na!
Kaya nagmamartsang bumalik sa resthouse ang dalaga. Animo gigerang kinatok niya ang pinto nito.
"Tao po! Sir, buksan mo ito! May sasabihin pa ako sa -"
"O, bakit na naman?" biglang bumakas ang pinto.
"Ah..." napaawang na lang ang bibig ni Alex, tila nalunok niya ang sariling dila. "K-kasi-"
"Kumakain ako, alam mo ba iyon, ha? Maaga akong aalis mamaya para bumiyahe kaya kung hindi importante ang sasabihin mo, you may go now, okay?" pormal ang mukha nito, o mas tamang salita ay galit.
Tumikhim si Alex, saka pinuno ng hangin ang dibdib.
Ngayon, o hindi na magpakailanman!
"Hindi! Ayoko pang umalis! Kailangan mong malaman ang sasabihin ko bago ka bumalik sa lungsod?"
"Ano nga iyon!"
"Gusto kong... g-gusto kong malaman mo na gusto kita!"
"Ano?" muntik nang malaglag sa tatlong baitang na hagdan ang binata.
"Oo, ang pangarap ko noon ay makakilala ng matandang, mayaman na madaling mamatay, para naman makaahon sa hirap ang pamilya ko! Pero nang makita kita, naisip ko, bakit matandang madaling mamatay ang hahanapin ko, eh, meron namang kagaya mo na mayaman na, gwapo pa at bata pa. Kaya lalo kong naisip na ikaw na lang ang gustuhin ko. Kaya gusto kong isama mo na ako! Kapag magkasama na tayo, baka ma-develop ka na sa akin, baka ma-in love ka na sa akin!"
"Ano?" lalong napaawang ang bibig ni Jerome, hindi malaman kung ano ang iisipin o paniniwalaan. Hindi malaman kung nagbibiro lang o seryoso ba ang kausap. O, baka naman sira-ulo!
"Siyanga pala, alexia ang pangalan ko pero kilala ako sa Alex . Ikaw, anong pangalan mo?"
Napatikhim muna si jerome bago sumagot.
"At bakit ko naman sasabihin sa iyo? Ganyan palang mukhang may sapak ka, eh!"
Nagulat siya sa sinabi nito. "At sinong may sapak?" galit niyang sita.
"Ikaw! Gawain ba ng matinong tao iyang pinagsasabi mo? My God! Hindi ka lang nakakagulat, nakakatakot ka pa. Kaya pwede ba, kung saang mental ka man galing, bumalik ka na, okay?"
Lalong napahumindig si Alex, tila gusto niyang tablan at panghinaan ng loob.
"Hindi ako baliw, ano? Nagkataon lang na gusto kita. Ikaw ang pangarap kong maging asawa. Kaya gagawin ko ang lahat para maging akin ka at ako ang pakasalan mo. Dahil ito ang tandaan mo. Mula saaraw na ito, palagi na akong magiging laman ng isip mo. Kahit pa umalis ka na sa lugar na ito, palagi na akong nasa sistema mo, kahit hindi mo ako kaharap, palaging tila naririnig mo ang boses ko."
"Ano? Bakit, mangkukulam ka ba? Kukulamin mo ba ako para -"
"Hindi, pero dahil inamin ko na sa iyo ang totoo na gusto kita, magugulo ang sistema ng utak mo. Saka hindi kita kailangang kulamin, ano? Maganda naman ako, hindi ba? Siguro, kung may lamang sa akin ang mga babaeng nakapaligid sa iyo, iyon ay mayaman sila, mga sosyal, o kaya naman, never na manghina ang loob ko. Minsan ko lang natiyak sabuhay ko kung ano talaga ang gusto ko, at ikaw iyon. Kaya hindi ako titigil hanggang hindi mo ako pinakakasalan!"
"Ano?" laong namangha si Jerome sa sinabi niya. "Aba'y baliw ka na talaga, ano?" Pero ang totoo, nagsisimula nang ma-amused ang binata sa kaharap.
"Basta! Sige, umalis ka na kung aalis ka! Pero tandaan mong sinabi ko, babalik ka rito dahil mami-miss mo ako!" Pagkawika niyon ay nagmamartsang tumalikod na ang dalaga at nagtungo sa bangka niya.
Pagkuwa'y tuluyan na niyang nilisan ang lugar na iyon.
Habang nakatigagal pa ring habol nang tingin ni jerome ang dalaga.
Hindi nito malaman ang iisipin, o ang gagawin.
Isa lang ang sigurado ng binata, hindi siya totoong naiinis sa umalis, bagkus ay may kakaibang pakiramdam siyang nadarama sa kanyang puso.
Isang uri ng damdamin na tila banyaga sa kanyang pandama.
******************************************
Woooot woooot
Comment and votes :)
