Miss you like crazy.

9 2 26
                                    

"Babe! Good morning" bati ko kay Paul.

Asawa ko siya.

20 years old kami naging mag asawa. Tandang tanda ko pa ang una naming pagkikita.

*flashback*

Prom ngayon at naka prom dress ako pero longsleeve ito. Kaya kanina pa akong inip na inip. Ang tagal ng mga kaibigan ko eh.

Kanina pa ako dito sa reserved table namin. Halos mag iisang oras na ako dito. Hayst.

Nag mumukha tuloy akong kawawa dito. Dito sa malaking table, tapos ako lang mag-isa ang naka-upo.

Nakinig ko ang tumutugtog sa stage.

Ang ganda ng motif ng prom namin.

Iba't ibang kulay siya at parang disco. Uso ngayon eh.

May dance floor din. Kakasayaw lang namin kanina kasama ang mga designated partners namin.

Sa totoo lang ay hindi pa ako nakaranas na mag mahal wala nga din akong crush eh.

Pag aaral muna ang inaatupag ko. Pero kahit anong gawin ko ay may kulang pa din.

Parang kulang sa inspiration?

Hindi sa hindi ko inspiration sila mama at papa, inspiration ko nga sila eh.

Ang sinasabi kong inspiration ay yung inspiration na kapag nakita mo siya ay titibok ang puso ko ng napakalakas na parang maririnig na ng katabi mo.

Yung inspiration na kapag lumalapit siya sa'yo ay parang tumitigil ang mundo.

Yung inspiration ma kapag may quiz dapat ma perfect mo yun para mapabilib mo siya.

Yung inspiration na nagpapagaling sa'yo sa eskwela marahil para may mabigay ka sa kaniyang magandang kinabukasan at sana ganun din naman siya.

Pero wala eh. Wala pang nangyayaring ganoon sa akin.

Sabi daw nila na lahat tayo ay takot mamatay. Marahil, hindi pa natin nagagawa ang lahat ng gusto nating gawin sa buhay natin. Pero kung nagawa na natin iyon ay enough na ang isang beses mong pagkabuhay para sa iyo.

Naniniwala din ako sa kasabihang live your life to its fullest.

Sayang naman kase ang buhay kung hindi mo gagawin ang lahat ng gusto mong gawin.

Para if that day comes handang handa kana. Yung feeling na hindi mo na iniisip ang opinyon ng isang tao.

May bago nang kumanta napatingin ako doon. Si Jeyo? Akala ko hindi na siya matutuloy dahil -

Nawala ang iniisip ko ng makita ang lahat ng kaibigan kong tumungtong sa stage.

Anong ginagawa nila? Nangaasar ba sila? Tutugtog sila ng hindi ako kasama?

Naging mag kaibigan kase kami noong 1st year highschool kami dahil sa pag babanda. Ako ang lead singer at lead guitarist. Lead singer at guitarist din si Jeyo. Sa drums ay si Kiala. Sa keyboard naman ay si Yassi.

Ang daya naman nila. Napasimangot na lang ako.

"Can I have your attention please?" Announcement ni Jeyo sa lahat ng students na sumasayaw.

Nag mic test pa ito.

Inulit ulit niya ito. Ano to? Nabubulod lang?

Natawa ako sa iniisip ko.

Miss You Like Crazy Where stories live. Discover now