A Mother's Love ll

5 1 0
                                    

Mag-aano naman itong batang ito? Hay.

Pinagmasdan ko ang itsura niya. Naka puting  blouse at puting pang ibaba, may parang hairban din sa ulo.

Kung di ko siya kilala ay mapagkakamalan ko siyang isang demonyitang anghel, marahil nakasuot ito ng puti.

Bakit ko nga ba sinabing demonyita? Kase kapag uutusan mo ang tagal bago sumagot, tapos ang kinaiinisan ko pa ay sa tagal ba namang sumagot ay ang isasagot oa ay "wait lang" sawang sawa na ako sa mga ganiyan niya. Hay.

Bakit nga ba siya naka damit na suot na puro puti?

Ahh... medicine nga pala ang course niya.

Nagiging ulianin na talaga ako ngayon.

Huhuhu baka mamaya ay makalimutan ko na din si Paul?!

Hay. Wag naman sana.

"Ma?" Tawag ulit ni Jameila.

Ay. Nakalimutan kong kausap ko oa nga pala si Jameila.

"Ano bang gagawin mo?"tanong ko sa kaniya.

"Ma-hangout lang kami nila Aries" paliwang niya.

Hangout? Ang hangout naman namin dati ay pag punta sa bahay ng ka barkada tapos ma jamming lang tapos kwentuhan.

"Saan ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang bag niya at isinuot ito.

"Sa Cafè po Ma" sagot nito.

Cafè? Ganun ba kahirap sila Aries, wala silang bahay kaya sa cafè pa ma-inom ng kape?

"Dito na lang kaya kayo sa bahay? Pag titimpla ko pa kayo ng kape" pangungumbinsi ko kay Jameila.

Ano ba itong nangyayari sa mga bata ngayon.

Mainom lang ng kape aabutin na sa Php. 60, eh sa panahon namin ay pang ilang buwan na ang 60 pesos na 'yan, tapos ngayon uubusin nila ang 60 pesos sa kape?!

Aba! Anong nangyayari ngayon?

"Ay, hala! Sige!"pag payag ko sa kaniya.

Sumimangot siya. Ano nanamang problema neto?

"Oh? Ano pang tinatayo mo diyan? Baka ma-late ka" pag papaalala ko sa kaniya.

"Wala kase ako mama'ng pera eh" sabi niya.

Wlaa na ngang pera ba't ma cafe pa? Ewan ko sa mga kabataan ngayon hay.

"Kunin mo ang wallet ko doon sa pasamano" utos ko sa kaniya.

Mabilis siyang lumakad papunta sa pasamano.

Kapag baon talaga eh, ang bilis utusan, pero pag hindi? Ay matagal-tagal yan teh. Aabutin ng siyam siyam.

"Wala naman dito mama eh" sigaw niya. Napasimangot ako at napa-upo sa upuan.

Alangang sa lamesa ako umupo?

"Hanapin mo nandiyan lang iyan" sagot ko sa kaniya.

Aba'y kung ako na lang ang kumuha ng wallet ko ay nakaalis na sana ngayon ang anak ko.

Ay hala! Pabayaan ko na lamg iyan.

"Wala naman mama eh"

"Eh amporkchop, saan naman napunta iyong wallet na iyun ija?" Sagot ko nanaman sa kaniya.

Kasabay ng pag tanggal ko ng salamin ko sa mata. Hay. Stress ang aabutin ko dito.

"Ewan ko ma" sagot niya.

Ang tagal na niya doon ah? Pero determinado ata talaga siya.

"Wala naman ata dito ma eh" pag rereklamo niya.

"Aba'y di naman kayang mag lakad ng wallet iha, ibabalik kita sa nursery" sabi ko sa kaniya.

Isinuot ko ulit ang salamin ko.

Lumakad na ako papunta sa pasamano.

Tiningnan ko ito.

Nasa gilid ng pasamano yung wallet.

Kinuha ko na ang wallet at tiningnan ang nasa loob nito.

200 na lang ang laman nito.

Maluto pa ako ng tanghalian at gabihan bago makuha ang sweldo ko bukas.

Paano na ito?

Pero kailangan din ni Jameila ng pera.

Pwede naman atang huwag na ako kumain ng tanghali at gabi?

Ma-tubig na lang ako.

Oo! Ganun na lang. Pang pa sexy pa nga eh. Hihi.

Kinuha ko ang 100 at ibinigay sa kaniya.

"Salamat ma" kasabay ng pag kuha niya s apera at umalis na ng bahay ng kay bilis bilis.

"Ingat ka, mahal na mahal kita anak" pahabol ko pang sigaw sa kaniya.

Hindi siya nag sigaw pa ulit.

Baka nag mamadali lang talaga siya.

Pero mas mahalaga ba talaga ang lakad niya?

Aabutin man lang ng isabg sekundo sa pag sigaw ulit ng 'I love you ma'

O kaya naman ay yakapin man lang ako.

Okay lang yan. Si Jameila naman yan eh hindi lang naman basta bastang tao.

Alam kong mahal ako ng anak ko, at mahal ko din siya at mas higit pa sa inaakala niya.

Oo! Pinalaki ko siyang wasto kaya magiging mabuting tao siya.

Mahal na mahal ko 'yang batang 'yan kahit minsan ay nag kakasagutan kami, napapagalitan ko siya sa mga bagay ba ginagawa niya, at kahit man siya ang pinakamasama at pinakamakasalanang tao sa mundo. Mahal na mahal ko siya.

Hindi lamang dahil anak ko siya marahil dahil na rin sa pinag samahan namin.

Sana habang buhay siyang nasa tabi ko, pero bawal eh, sooner or later ay mag kakapamilya na din siya, at tatanda't mamamatay na rin lang ako.

Bumukas ang pinto at iniluwal ito si Jameila.

"Ma, sorry nakalimutan ko" sambit nito at yumakap sa akin at isinambit ang;

"Inat ka po ma, I love you po"

Napagaan ang loob ko sa mga katagang iyon.

'Yan lang naman ang nag papabangon, nag papatibok ng puso ko bawat araw, at nag bibigay rason sa akin para mabuhay araw araw.

Kahit mamatay na ako ngayon para lamang sa kinabukasan ng mga anak ko.

Okay lang.

Basta masaya sila at maayos sa kinabukasan.

Mahal na mahal ko sila eh, kaya gagawin ko ang lahat para lamang sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss You Like Crazy Where stories live. Discover now