IV

574 15 0
                                    

Today is our annual barkada get together. Close friends and some fellow atheletes from Ateneo na naging parte ng barkada namin. Since we graduated from college naging tradition na namin to spend a day together, catch up lang sa mga bagay. Every year iba-iba ang trip namin, but this year we decided to have simple dinner and inuman na rin along Tomas Morato. Pina exclusive namin ang place kasi we want to spend time together na kami lang, hindi yung dinudumog kami to have pictures and we also want to have a little privacy.

Isaac: "Thirds, I heard hindi ka na mag rerenew ng contract sa PBA." He asked.

Thirdy: "Ahh oo." Sabi ko sabay inom.

Raffy: "Why? Are you gonna pursue your dreams of joining the NBA?"

Thirdy: "How I wish. I'm not supposed to say this until next month, pero malalaman niyo rin naman so sasabihin ko na lang sa inyo ngayon."

Matt: "Sabihin mo na bro, pa thrilling ka pa eh." Sabi niya sa akin.

Thirdy: "Our company is at the brink of bankcruptcy." They were shocked in disbelief. "And the only way to save it is to bind a partnership with another company, which is the Casal Corp."

Maddie: "Wait, diba company yun nila Julia?" she asked. Tumango lang ako. "Anong kinalaman ng PBA career mo sa problema ng company niyo?"

Thirdy: "Papayag lang ang Casal Corp sa partnership if pakakasalan ko si Julia." Nanlaki ang kanilang mga mata. Muntik ng maibuga ni Mamu sa akin ang iniinom niya.

Jules: "Uso pa pala ngayon ang arranged marriage? Akala ko sa movies lang yan." Tanong niya na naka kunot ang noo.

Thirdy: "Yan rin akala ko. Pero wala na akong magagawa, this is the only way na makatulong ako sa company namin." I let out a sigh.

Isaac: "Pero I still don't get it. Why'd you have to sacrifice your PBA career if you'll only marry Julia? I mean makakalaro ka pa naman even if you're married diba." Sana nga ganun lang kadali yun pero hindi eh.

Thirdy: "Dad wants me to takeover and run the company, hindi na daw niya kakayanin ang stress kung magpapatuloy siyang magpatakbo nito. Hindi naman pwede si Manong kasi busy din yun sa business nila ni Ate Ly. Si Dani naman, still on her 4th year in college."

Pumayag lang ako sa arranged marriage dahil ayokong mawala ang kompanya namin na pinaghirapan nila Daddy at Mommy. Ito lang din ang paraan na makabawi ako sa lahat ng paghihirap nila para lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan, kaya kahit labag sa kalooban ko, iniisip ko na lang na para sa pamilya ko to.

Kimmy: "Babe you've been busy with your phone kanina pa. Ano bang meron?" tanong niya kay William, boyfriend niya.

William: "I'm reading. There's an article saying another Telecommunications Company will be opening its branch here. They'll start operating next month."

SJ: "Baka yan na ang pag-asa na bumilis ang internet connection dito sa Pilipinas. Ano bang pangalan ng company?" tanong niya.

William: "AT Telecom." Sabi niya ng hindi nakatingin sa amin.

Rex: "Narinig ko na yang company na yan. US based yan, and I've read many positive feedbacks. Maganda daw kasi ang quality ng service na ino-offer. Kung nagkakaproblema, aayusin daw agad nila."

Thirdy: "What does AT mean?" I asked out of curiosity.

William: "AT means Alexandre-Thalia." Napakibit balikat lang siya.

Maddie: "Bigla kong naalala si AJ. Kamusta na kaya yun? Limang taon na rin siyang hindi nagpapakita o nagpaparamdam sa atin."

Weeks after our graduation, bigla na lang nawala AJ. We lost all contact about him, coincidence nga kasi nawala siya kasabay sa pagkamatay ni Bea. Oo, patay na siya. Naaksidente ang sasakyan niya at sumabog ito, at first hindi kami makapaniwalang bangkay niya ang nakuha sa sasakyan until nakita namin hawak ng sunog na bangkay ang isang kwintas na may T❤️B na pendant, bigay ko yun sa kanya on her birthday. I'm putting all the blame to myself sa pagkamatay ni Bea, gago kasi ako. Hindi ko siya pinaniwalaan, I was blinded by my emotions. Gulong gulo ang isip ko sa mga panahong yun, hindi ko na alam kung ano ang totoo.

One More ChanceWhere stories live. Discover now