Chapter 4

16 0 0
                                    

Sa C.R ko sya isusurprise gusto ko kase tago maganda naman yung cr kaya okay lang malinis hindi mabaho.

Inumpisahan nanamin ayusin ang lahat nagdikit kami sa salamin ng sticky notes shape hearth ang ginawa namin at mababasa mo don "WILL YOU BE MY GIRL?"

Sobrang kabado ako. At nagvibrate ang phone ko.

FROM: CLAIRE
HOY ASAN KA?
12:30 pm
FROM: CLAIRE
ANDINE NA AKO SA SCHOOL. SA GATE. Uwian nyo na pala?
12:31 pm

Oh shit di ko na sya natext after class so kelangan ko ng matinding palusot!

TO: CLAIRE
Yes bam, maaga nagdismiss si ma'am kim nalobat phone ko sumakit tyan ko umuwi muna ako then nagcharge. Pabalik narin ako. Sorry bawi ako. Ily.

But the truth is andito ako sa C.R nila katabi lang ng room nila. Yes nandito iba nyang classmate hahahaha mga kaibigan at jowa ng kaibigan ko. Dito lang kasi yung tago shy type kasi ako. Di pako handang ibulgar sa marami pagkatao ko dahil ayoko.

"Huy okay lang ba tanya? Magustuhan nya kaya? Natatakot ako baka ireject nya lang ako." Tanong ko sa girlfriend ni rica kase bestfriend din sya ni claire classmate nya sa isang subject.

"Gaga okay lang yan hindi magtiwala ka lang, nasa room na daw sya puntahan ko muna" sabi nya at lumabas na sya.

Nung papalabas sya sumilip ako sa labas daming tao mga classmate nya andon pati ibang kaibigan ko.

"Magtago ka na dali papasok na sya ready mo na yung music or better na iplay mona once na magopen yung door? Okay." Sabi ni tanya sakin. Shit natataranta ako this is my first time fuck!

Pumasok ako sa isang cubicle dalawa lang ang cubicle nito. Nakaupo ako at narinig kong nagplay na yung music at pumasok na sya bigla nila sinara pinto.

"Yahh ano to hahaha. Gaga kayo asan si sab? Bat di nyo sinabi sakin na may paganto haha" Alam kong si claire nayon. At lumabas ako hawak hawak yung roses at inabot sakanya.

"C-clai-claire" utal utal kong natawag ang pangalan nya dahil sa kaba

Hindi maipinta yung muka nya kilala ko sya, and naramdaman ko na kalalabasan nito, pinilit kong nguniti para di tumulo mga luha ko. Inaya nya muna sa labas si tanya siguro para kausapin shit sabi ko na nga ba.

"Okay lang yan sab atleast you've tried lalabas muna ko sundan ko sila" sabi ni rica at tumango lang ako at kami ni jodi at kyla ang naiwan sa loob.

Nakapag decide na rin ako na alisin nanamin yung pinagdididikit namin. Di na ko umaasa pa. Masakit pala, sobra. Maya maya pa pumasok na ulit si tanya. Ngumiti at sabay yakap sakin at nagpunas na rin ako ng luha.

"Okay lang to. Kaya kong intindihin mahal ko sya e. Maybe she's scared to fall inlove again dahil sa ginawa ng ex nya sakanya" sambit ko sakanila

May ex syang lesbian before, pero nagfailed and puno sya ng galit don dahil sa sinumbat nung ex nya sakanya lahat.

"Ano kase sab, di pa raw kase sya ready. Natatakot pa daw sya di naman sa nirereject ka nya okay lang daw ba na M.U muna kayo" sabi ni tanya at bigla namang pumasok si claire.

"Usap muna kami ni sab kung okay lang?" Pakikiusap na tanong nya sa mga kaibigan ko at tinanguan ko sila.

Namuo ang katahimikan sa loob ng comfort room. Hindi ko alam gagawin ko pero bigla ko na lang syang niyakap.

"Im sorry for doing this. Thankyou claire, sobrang special mo sakin, you fix me. You make me whole again. Okay lang naman kahit hindi mo pa ako sagutin nagtry lang naman ako na baka sakali, kase sobrang mahal na kita at gusto kong maging akin ka. Tatanggapin ko ng buong buo yung magiging disisyon mo claire, handa naman akong maghintay basta wag mo lang ako paasahin hahaha" biro ko sakanya.

"Thankyou sab, you make me feel special too sobrang swerte ko sayo hindi pa talaga ako ready hindi naman kita paasahin not now but soon mahalaga ka naman na sakin sorry." Bakas sa muka nya yung lungkot pero pinilit ko pa rin ngumiti at pangitiin sya.

Naging maayos kame after 6months natapos din kame. Nafell out of love na sya. Ewan ko pero sobrang sakit. Iniwan nya na lang ako bigla nanlamig sya bigla. Hindi ko alam pero di ko sya sinukuan hanggang sa napagod na ako kase alam ko namang may iba na at walang progress halos kalahating taon ko sya sinuyo kung ano bang nagawa ko pero wala naman nagsawa lang daw sya. Ayaw nya na daw pero kahit alam kong may gusto na syang lalaki, kaya tumigil na ako.

END OF FLASHBACK !!!

At dahil medyo gabi na rin kakatapos lang namin kumain sinimulan namin ulit uminom medyo may mga amats na rin at nauna ng umuwi yung dalawang magjowa na sila bea.

"Tangina galit sakin si tanya ano bang masama kaibigan ko naman mga kasama ko tangina" habang tumatagay si rica medyo wasted na rin.

"Eh mga gago sila di nila tayo suportahan ginagawa naman natin lahat para sakanila eh" sagot naman ni lanie

"Easy lang kayk basta masayo tayo dito ikaw sab tagay mo na tahimik mo dyan tipsy na?" Singit ni kyla.

Gago to di ako lasing and never malalasing! "No I'm not, kelan nyo ba ko nalasing sa inuman?  Alam nyo tama na yang drama YOLO!" Sagot ko sakanila.

"Yes YOLO kaya mag move on ka kay claire gago wala kang maloloko dito kilala ka namin" sagot ni lanie na medyo tipsy na.

Bet na bet kasi nila yon para sakin hahahaha nakakalungkot lang din kasi di ko na sya makikita at dahil lilipat na kami ng university.

"I admit, di pa ako nakakamove on yes masak-" biglang nagsalita si jodi

"Oh tagay mo muna to sab mukang malalimlim paghuhugatan mo eh" gago talaga ni jodi eh!

"Masakit pa din naman talaga and how can I move on to the girl who gave me so much to remember? Alam nyo naman tiniis ko lahat! Ang the fact na ipinaglaban ko sya, tho na ang hirap ng sitwasyon kahit na may magagalit saakin, na ipagpapalit nya ako sa lalaking walang ibang ginawa na lokohin lang sya? Sakin pa sya magagalit dahil ayaw nya maniwala saksi kayo don. I broked the walls here" tinuro ko yung puso ko nararamdaman ko na tumutulo na yung luha ko medyo may tama na rin kasi ako. 

"Kasalanan ko ba na di maging sapat? Damn it where did I go wrong? San ako nagkamali? San ako nagkulang? Oh sadyang sumobra na ako? Kahit ulan susuungin ko mapuntahan lang sya! Gusto ko ng makawala sa lahat ng sakin alam ba kung gaano kasakit, pero di ko na nanaisin pang bumalik tama rin yung desisyon na umalis na tayo sa school na yon, bagong buhay bagong pakikisama bagong makikilala at babaunin ko na lang lahat ng alaala namin eto yung huling beses na luluha ako ng dahil sakanya, fuck you claire fuck you!!!!!!!"  Binalibag ko yung bote ng alak at binasag!

"Okay ka na? GROUP HUGGG" sabi ni kyla at nag group hug kami.

"Tara na tangina nyo tama na drama magligpit na tayo mga lasing na kayo" sabi naman ni jodi.

At umuwi na nga kami hinatid ko na rin sila sa mga bahay bahay nila dahil sakin na sila sumakay wala kasi yung service namin.

/////

(A/N)  Sana maenjoy nyo yung story nato pagagandahin ko pa yung flow ng story nato at sisiguraduhin kong mapipintig mga puso at damdamin nyo! 💗💗

ACCIDENTALLY DESTINED (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon