Heirloom-an old hairpin

8 1 0
                                    


Ito ang nasa panaginip ko. Ang Millennium Fox's Shrine. Dito naka seal ang sinasabing Nine-tailed fox, ang sinasabing Ninuno namin.

Nilapitan ko yung shrine at may nakita akong pahabang box. Dahil sa curiosity, binuksan ko yung box at may nakita akong isang mahabang hairpin. Parang may guhit pa ng isang fox ito.

Sa tabi ng box, may librong nakalagay sa shrine

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa tabi ng box, may librong nakalagay sa shrine. Binuklat ko ito ang nakalagay dito ang story ng nine-tailed fox.

Ang kwento ng Millennium fox na ito, kaya daw ito naka seal sa isang gamit dahil isa itong destructive fox. Natatakot ang mga resdidente na baka masira neto ang buong lupain kaya pumunta sila sa Ruben village para humiram ng el moon at ginamit ato para ma seal ang millenium fox na ito. Ngayon ko lang nalaman na ang pangalan ng Nine-tailed fox ay Eun.

"Ikaw... Ikaw ang pinipili ko"

"Well, Well, Well" 

Napatingin ako sa taas at may nakita akong isang Demon. Hindi lang demon, ito yung isang Boss Secretary. Ang balita ko at sobrang lakas neto.

"Napadpad lang ako dito at nakita ko na agad yung hinahanap nami" sabi nung Demon at biglang Tumawa ng malakas. 

Kaya pala sila nandito. Ang habol nila ay yung Nine-tailed fox.

"Anong kaylangan niyo dito?" tanong ko.

"Yan. Yang hawak mo. Yang sinasabi nilang Millennium Nine-tailed fox. Si Eun" sabi nung Demon. Napahawak ang ng mahigpit sa box na hawak ko.

"Hinding hindi ko ibibigay ito. Sa amin lang ito. Hindi namin pwedeng ibigay sa inyo ito" sabi ko ng malakas.

"Ayaw mo? Gusto mong mapilitan?" sabi nung demon at may tinawag siya. May naririnig akong steps sa likod ng wooden door. Biglang nagbukas yung pinto.

Si kuya Felix... Pero nagiba yung itsura niya.

"Kuya! anong nangyari sayo!" sigaw ko. Yung dating black haired at malakas na si Kuya Felix, naging demon yung itsura niya.

"Anong ginawa niyo kay kuya?!" sigaw na patanong ko dun sa demon.

" Ginawa namin siyang demon. Ang galing niya kasing makipaglaban sa amin kanina. Kaya ayun, kinontrol namin siya para malaman kung na saan yung sinasabing Heirloom. So after all this time, alam ni kuya kung nasaan ang shrine na sinasabing legend dahil walang nakaka alam kung nasaan.

"So... ibibigay mo ba yan o gusto mo pang masaktan para maibigay yan?" sabi nung demon.

"Never. Hinding Hindi ko ito ibibigay sainyo" sabi ko. "Okay" sabi nung demon at may inutos kay kuya. Biglang lumapit sa akin si kuya at nilabas yung sword niya. No. No. Please save me.

Nakita kong umilaw yung box. Nilabas ko yung heirloom at biglang nagdilim yung paningin ko.

___

Mapuno.

Ito ang una kong nakita nung minulat ko yung mata ko bago magdilim yung mata ko. Bumangon ako at nakita ko yung village namin na nasusunog. Nasa labas na ako ng village. Bakit ako nandito?

Napatingin ako sa hawak ko ngayon. Hawak ko yung Heirloom. 

Ito ba yung tumulong sa akin? Napatingin ulit ako sa nasusunog na village. 

Si papa.

Napatayo ako agad. Kaylangan kong mahanap si papa. Kaylangan ko ng kasama. Tatakbo na sana ako pabalik sa village kaso para may pumipigil sa akin.

"Delikado. Bumalik ka na lang sa susunod"

Alam ko kung sino nagsasalita. Si Eun. Alam ko.

"Pumunta ka sa North Fluone. Mag ensayo ka. Alamin mo kung paano mo gamitin ang kapangyarihan ko. Ipakita mo sa mga Demons na mali ang kinalaban nila" sabi ni Eun. Tama. Mag eensayo ako. tatalunin ko silang lahat. Babayaran nila ang ginawa nila kay mama. Kay kuya. Sana si ligtas si papa. Babalik ako.

Tumakbo na ako papalayo sa village. Sana makaligtas sila.

___

Morning, North Fluone

"Dito muna ako" sabi ko habang umupo sa isang bamboo. Nandito ako ngayon sa North Fluone dito sa may Bamboo Forest. Hindi ko alam kung bakit nandito ako pero ang sabi kasi sa akin ni Eun ay delikado ang lugar na ito dahil maraming mga kalaban dito.

Nag pahinga muna ako at tumayo ulit para mag ensayo. May inilabas na libro si Eun at nandun lahat ng spells na pwede kong magamit sa pag laban. Kinuha ko yung spear ko at nag simula nang mag training. 

Hindi naging mahirap ang lahat. Para sa akin ay madali ang pag ensayo ko kasi matagal na ang nasanay mag ensayo. Ang mahirap lang ay pati ang magic ni Eun ay gagamitin ko para mas lumakas ako.

*shshssh*

Napatingin ako sa likod nung may narinig akong galaw sa likod ko. Nilapitan ko yung mga bushes at biglang may nagpakitang isang Lord's Keep Spearman. Mga tauhan ito ni Nenya, ang may hawak ng North Fluone. Kasama neto ang mga demons kaya mas lalo akong nainis.

Tumakbo ako papalapit sa kalaban.

"Exorcism Stance 3: Shadaweave!" sigaw ko at binato ko yung spear ko gamit yung shadow spirit at nagcreate ito ng entangling force. 

Natalo ko yung isang spearman pero hindi ko alam at biglang nagsilabasan kahat ng mga tauhan ni Nenya. 

"So nandito ka lang pala. Hinahanap ka ni Demon Victor" napalingon ako at nakita ko yung isang tauhan ni Nenya. si Head Jailer Deborah.

"Hindi ka namin sasaktan kung ibibigay mo sa amin yang Heirloom na yan" sabi ni deborah.

"Hindi ko ibibigay to!" sigaw ko. Bigla na lang akong umilaw at nag iba itsura ko (Check niyo pic sa taas) Nagkaroon ako ng nine tails at yung black hair ko naging white at nagkaroon rin ako ng fox ears. So ito ang power ni Eun.

"Falling Dragon!" sigaw ko. Tumalon ako sa air inislam ko yung ground gamit yung spear ko at napatumba ko yung iba.

"Exorcism Stance 3: Shadaweave!" binato ko yung spear ko gamit yung shadow spirit at nagcreate ito ng entangling force.Nakita kong naghihina na si Deborah. 

"Wolf Stance 2: Wind Wedge!" inistab ko si Deborah swiftly ng madaming beses. Tumalon ako papalayo sa kanya at nakita ko siyang tumayo.

"B-Babalikan kita" sabi niya at bigla siyang nawala. 

I already changed. Mas lumakas na ako.


Ara Han: The Nine-tailed foxWhere stories live. Discover now