Unti-unti akong bumabalik sa realidad ng makaramdam ako na may pumasok sa opisina ko.
At nakatambad sa akin ang walang emosyon na mukha.
Inilapag nya ang mga papers sa table ko. Hay, paper works na naman.
"Tulala ka na naman jan!" Nag crossed arms lang sya, habang ang kamay ko ay nakalagay sa baba ko.
"Daniella naman! Three yrs! Three yrs na ang nakalipas. Hindi mo pa rin ba makalimutan?! My God!! Ano ka ba?!" Inilagay nya kamay nya sa noo nya. Parang na fu'frustrate. "Daniella, kalimutan mo na ang lalaking yun. Sa tingin mo ba makabubuti yang ginagawa mo?! Naku!! Pag nalaman to ng kuya mo, ewan ko nalang sau."
Pagsesermon ni Shemaine sakin. Masisisi nya ba ako? Eh, hindi ko nga rin alam kung bakit nagkakaganito ako. Basta ang alam ko, pag naiisip ko SIYA, nag faflashback lahat ng mga good memories namin. Pero pag naiisip ko ang ginawa nyang pag iwan sakin, naiiyak ako. Tinatanong ko palagi sarili ko. 'Bakit iniwan nya ko? Bakit hindi nya ako winarningan na iiwan nya na pala ako. Bakit? Nakahanap ba sya ng mas maganda kesa sakin? Mas sweet kesa sakin? Mas sexy kesa sakin? mas matalino at mayaman kesa sakin?' Lahat ng mga yan ang laging nakatambad sa isipan ko. Mga tanong kung bakit iniwan nya ako. Siguro nagsawa na sya sakin. Pero umabot naman kami ng limang taon at kahlahati. Pero bakit? Bakit?!!
Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Agad ko tong pinunasan. Nilapitan naman ako ni MinMin para i'comfort.
"Bes, sorry kung nasabihan kita ha? Kasi naman eh. Diba napag usapan na natin 'to? Na hindi mo na sya iisipin pa? Na kalimutan mo na sya? Diba? Diba?!" Tumango ako. "Mag move-on kana Dare. Nasasaktan narin kasi ako pag nakikita kitang ganyan eh" naiiyak na rin sya.
"Ang hirap lang kasing makalimutan sya bes. Isipin mo ha? Three years rin kaming nagsama. Akala ko pa naman sya na para sakin. Akala ko sya na makakasama ko habang buhay, hindi pala. Pero bakit? Bakit nya ginawa sakin to? Ano bang nagawa ko sa kanya? Diba naging mabait naman akong girlfriend sya kanya?" Tumango sya. "Pero bakit iniwan parin nya ako? Oo, 3 years na ang nakalipas, pero... pero ang sakit parin. Sariwang sariwa pa ang iniwan nyang sakit dito." Tinuro ko ang kaliwang dibdib ko. "Ang tanga tanga ko." Humahagolgol na ng iyak.
"Ssh! Tahan na bes, nandito lang ako, kami. Hayaan mo na sya, pakawalan mo na sya sa puso at isip mo, please? Move on kana. Yan lang ang tanging solution. Kalimutan mo na sya. Sinasaktan mo lang sarili mo." Sabi nya habang hinihimas nya ang likod ko. Magkayakap na kaming dalawa to be exact.
Inialis ko na pag yakap ko sa kanya.
Tinignan ko lang sya at ngumiti ng pilit.
"Sige, susubukan ko."