MinMin's POV
Nakakapagod ang araw ngaun. Bukod sa trabaho sa ofis, nakakapagod ring tingnan na laging umiiyak at tulala ang bestfriend mo dahil lang sa isang lalaking iniwan sya three years ago. Ewan ko nga ba kung bakit ginawa un ni james. Kahit hint nalang kung anu ba ang rason bakit iniwan nya si dare ay wala rin eh. Kung mangyayari un sakin, siguro ganun din ang gagawin ko. Naaawa na nga ako sa kaibigan ko. Bakit ba nangyayari sa kanya 'to. Wala naman syang ginagawang masama. Naging loyal naman sya kay james. Hay nakakapanghinayang talaga ang relasyon nila. Sa tinagal tagal ng panahon na naging sila, sa isang iglap, mawawala un ng ganun Ganun nalang. lahat ng mga nangyayari sa kanila alam ko. Laging kinukwento sakin ni dare ang mga happy memories na nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng tatlong taon at kalahati at ang paghihiwalay nila na kahit kelan hindi nasagot kung bakit nangyari un. Siguro hindi nga sila para sa isat isa.
***
3rd person
march 11, 2011
4 years
'Happy 4th anniversary babe! I love you ♡'
"Bes, ready na ba lahat?" Masayang tanong ni dare sa bestfriend nya.
"Oo bes, im sure matutuwa 'to si james." Sagot ni minmin sa kanya.
"And im sure sasabihin nyang 'babe, ang swerte swerte ko talaga sau. Magpakasal nalang kaya tayo?' " segunda ni karen, bestfriend rin ni dare.
"Tange! Nag aaral pa tayo. 3rdyr palang tayo nuh, siguro kung engage ok pa" sabi ni dare habang nag iimagine sa mangyayari.
Bigla naman syang napukaw nung nag ring ang cellphone nya. Kinuha nya ito sa pouch.
babe calling....
"Omg! Its James! Wait lang" inayos nya ang boses nya.
Pinindot nya na ang ok button.
"Hello babe! Hapi 4th anniversary nasan ka?" Excited nyang tanong sa boyfriend nya.
"Magkita tayo---- sa park." Walang gana nyang sagot.
Hindi ito pinansin ni dare. Sa halip, ay agad itong nag ayos at umalis nang masaya. Hindi na sya nagpaalam sa dalawa.
Tulala naman ang dalawa nyang kaibigan dahil wala itong mga ideya kung anu ang mga nangyayari.
**Park
Nakarating na si dare sa park agad nyang hinanap si james. Sa hindi kalayuan, nakita nya ang lalaki na nakatalikod at nakaupo sa isang bench. Agad nya rin naman itong nilapitan. Pagkarating nya dun tinap nya ang balikat ng nobyo.
"Oh, babe!" Masayang pag uumpisa ni dare.
"A..ah. hey!" Sagot naman nito at yumuko.
"Uhm? May problema ba?" hinawakan nya ang kanang kamay ng nobyo.
Tinignan lang sya. A cold one. At nagsalita.
"Maghiwalay na tayo. Ayoko ko na." Sabi nya ng parang wala lang sa kanya.
Nabigla si dare ng marinig nya ang mga salitang binitiwan ni james. Tinanong nya ulet ang lalaki at nagbabakasali na iba ang pagkakarinig nya.
"W..what did y..you just s..say?" Hinihiling nya na sana mali nga ang pagkakarinig nya.
"I said, maghiwalay na tayo ayoko na." Tila nabagsakan sya ng langit at lupa sa narinig nya. Hindi talaga sya nagkamali sa pagkakarinig. Agad namang tumulo ang mga luha nya sa mga mapupungay nyang mata.
"B..bakit?" Nanginginig na ang kanyang boses.
"Gusto ko lang" walang emosyon na sagot ni james sa kanya.
Napailing si dare sa sinabi ni james.
"No! Hindi! Alam kong may dahilan ka kung bakit mu sinasabi yan!" Humagolgol na sya ng iyak.
Halata namang pinipigilan ni james na wag umiyak. Tumayo na ito at paalis na nang hinawakan ni dare ang braso nya.
"James! Kung may nagawa man akong mali. Kung... kung may kasalanan man ako sayo o bagay na hindi mu nagustuhan sakin, please sabihin mo. Babaguhin ko, wag mu lang akong iwan. James!!! Please. Nagmamakaawa ako sayo." Lumuhod ito at biglang umulan. Nababasa na sila pero hindi parin sila umaalis sa kinatatayuan ni james.
"Hindi dahil dun. Masasaktan lang kita sa huli. Kaya tapusin na natin to" wala paring emosyon na sabi ni james. Tila wala syang pakialam kung nakaluhod si dare o kung anu pman ang gnagawa nito. Kinuha nya ito ang kamay nya mula sa pagkakahawak ni dare at umalis na.
Naiwan si dare ng nakaluhod parin at humagolgol ng iyak. Hindi sya makapaniwala na sa anniversary pa nila nakipaghiwalay ang taong minahal nya ng tatlong taon. Lahat ng pangarap nila para sa kanilang dalawa naglaho na parang bula. Mga pinagsamahan nila na kahit sa ibang magkasintahan ay hindi pa nagawa. Nakakapanghinayang. Wala na. wala na ang taong mahal nya. Iniwan na sya.