Nahulog Na Nga

5 1 0
                                    

Hindi ko alam kung paano na 'to
Ayaw kong mangako
Pero totoo, ikaw lang ang gusto ko
Sa hinaharap ay makasama ko

Gusto kitang yakapin
Ipadama ang aking damdamin
Hawakan ang iyong kamay
Ibigay sayo ang buong buhay

Ayaw kong may kasama kang iba
Mukha mang sobrang selosa
Wala mang tinatawag na tayo
Pagmamahal ko sayo ay totoo

Sabihin man na magkaibigan lang
Hindi iyon magiging hadlang
Dahil gagawin kong tayo'y maging magka-ibigan
Wala ng awatan

Oo, sa una ito'y pagtukso lang
Pero sayo ay tuluyan ng nahulog
Sabihin man nilang ito'y pagkagusto lang
Pero di ko maiwasan ang puso ay kumabog-kabog

Bahala na nga
Basta alam kong mahal kita
Alam kong hindi naman tanong ang "mahal kita"
Pero sana sagutin mo ng "mahal din kita"

Ito lang, mula sa babaeng humanga
At handang magpakatanga
Dahil gusto at minamahal kita

Miss JAE's CrazinessWhere stories live. Discover now