A/N: Poem po ito about kay crush 😊
Actually, inspired po ito when I was in highschool. Based on my own experienced.** **
Oo, crush kita matagal na
Sa sobrang tagal mukha na 'kong tanga
Oo, crush kita matagal na
Sa sobrang manhid mo, di mo madama.Oo, crusk kita matagal na
Sobrang tagal 'di ko pa maamin talaga
Oo, crush kita matagal na
Pero leche crush mo pala'y iba.Umaasa pa naman ako ng sobra taena
Wala naman pala sa'yong pag-asa
Dahil gusto mo naman pala'y iba
Hindi ka pa lumayo, kaibigan ko pa talaga.Iyon pa lang pakikipaglapit mo
Na dahilan ng pagka-fall ko sa'yo
May intensyon pala ang damuhong ito.
Makuha pala ang loob ng bespren ko.So, ito ako ngayon naka-nganga
Habang tinitingnan kayong dalawa
Para tuloy ako ditong tanga
Nakamasid lamang sa kanila.Oo, crush kita matagal na
Sa sobrang tagal 'di ko man lang napuna
Na kapag tinitingnan kita
Ay nakatitig ka pala sa kan'ya.Mga sweetness mo palabas lang pala
O ako lamang itong umasa?
Tanda mo pa ba ang unang libre mo?
Tuwang-tuwa ako kaya't nilagay sa cover ng notebook ko.Sa sobrang kilig ko, 'di ko man lang nakita
Ginagawa mo sa'kin, para sa kanya pala
Akala ko pa naman ako ang bida ng istorya
'Yun pala isa lamang akong hamak na extra.Nadurog ng husto ang puso ko ng maging kayo
Ngunit kailangang ipakita na masaya para sa inyo
Paano ba naman siya ay bespren ko
At ikaw naman sa aki'y kaibigan ang turing mo.Ilang araw ang nagdaan
Mas pinili kong 'wag na lang kayong tingnan
Ngunit nabalitaan ko kayo'y nagkalabuan
At humantong sa isang hiwalayan.Paano ba naman kayo magtatagal?
Eh ang puso niya iba naman ang mahal
Kahit alam mo na pinili mo pa ring maging hangal
Sa paghahabol sa kan'ya 'di ka ba napapagal?Hindi ko napigilan ako'y umasa na naman
Hindi ba't nung umiiyak ka't nasasaktan
Ako ang iyong tinakbuhan at sinandalan?
Bakit naman kasi ang puso mo'y s'ya pa ang laman?Bakit ba sobrang manhid?
Hindi mo man lang napapansin ang isang tulad ko
O ako ang manhid dito?
Dahil ko napapansin na 'di ako ang gusto mo.Dito na lang siguro magtatapos
Tatalikod sa isa't isa at 'di lilingos
Tatangayin ng landas na magkaiba ng agos
Gawin natin ang lahat para ang buhay maging maayos.PawanaMyLavs❤
BINABASA MO ANG
Owned By PawanaMyLavs💕
RandomCompilation of MY IMAGINATION 😘 Originally made of me: PawanaMyLavs❤ Please Read 🙏