CHAPTER 6- Secret Admirer (PART II)

218 32 13
                                    

MATTHEW'S POV

"KYAAAH!!! Girls they are here!"

"OMG! Why so gwapo?!"

"WAAAH! Welcome back my prince charming!"

What the heck iwrong with these girls? Sobrang ingay nila na akala mo nakakita ng mga artista, kung sabagay mukha nga kaming artista pero mas gwapo pa kami sa mga artista. *smirk*

Para kaming model kung maglakad, pero sa totoo lang late na kami sa subject namin at eto kami pa-cool parin maglakad.

Patuloy parin kami sa paglalakad ng mapadaan kami sa Ladies locker room at huminto dun si Aaron na may tinitingnan, nagulat ako ng makita kung sino ang tinitingnan nya pero nawala ang pagkagulat ko at napalitan ng ngiti ng makita ko ang asar na asar na mukha nya...ni CC.

How cute...

Isang linggo narin makalipas ng huli ko syang makita, tiningnan ko yung paa nya, mabuti nalang magaling na. Lumawak lalo ang ngiti ko ng maalala ko yung unang araw na nagkakilala kami.

Nakabalik ako sa kasalukuyan ng marinig kong sumigaw si Evans. Ganun ba ko katagal mag reminisce na hindi ko na namalayan na nasa loob na ng locker room si Evans at sinisigawan si CC?

What's going on?

CYRIL'S POV

*Yawn*

Sa wakas uwian na! Makakasama ko na ulit ang bff ko. (My bed) \^_^/

"Hahaha. Komedyante ka talaga Cyril. Biruin mo may silbi pala yang katangahan mo. Nagising diwa namin sa kaengotan mo eh bonus pa yung malahalimaw na pagmumukha ni Miss M. kanina. Ahahaha. Dami kong tawa. Mga bente.Haha..." hindi naman halatang tuwang-tuwa si Chrizaline nuh? Pati si Rishel pinagtatawanan na ko. True friends nga naman. Naka engot na nga, nakatanga pa, ano may idadagdag pa ba kayo? -_-

"Ahahaha. Sobra talaga nakakatawa . Haha. Di na ko makahinga kakatawa. Haha. Teka... bakit ba tayo tumatawa? " napatapal nalang kami sa noo sa sobrang slow ni Irizh. Kung makatawa akala mo may alam eh, wala naman pala.

Ano ba dahilan ng pagtawa nila na parang wala ng bukas?

Sa sobrang antok ko kasi kanina, nakatulog ako sa klase, at ako namang si lucky girl nahuli sa akto, ng tawagin ako ni Miss M.( prof namin sa history) at tanungin kung anong naintindihan ko sa diniscuss nya. Alam nyo ba kung anong sinagot ko? Ah! Nevermind, baka pagtawanan nyo lang din ako pag sinabi ko pa.

"Pwede ba Irizh yang pagka slow mo bigyan mo ng schedule. Hindi yung laging naninira ng moment." asar na sabi ni Chrizaline. May point sya dun.

"Eh bakit kasi di nyo ipaliwanag sakin! Kanina tinanong ko classmate natin kung anong nakakatawa sa sinabi ni Mars Cyril, hindi naman ako sinagot. Tinanong ko si Ms. M, tinarayan lang ako. Ano ba kasi yun? Di ko talaga kayo magets." Magkaroon ka ba naman ng slow na kaibigan eh nuh. -_-

"Ano bang di mo magets?" napatingin kaming apat sa nagsalita... Si Kissette.

"Ah wala! May lesson lang kanina na di nya magets. Hehe. Yun nga." Palusot ko, ayokong sumakit pa ang ulo ni Kissette dahil kay Irizh at isa pa ayokong mabanggit nila Chriz ang kalokohan ko kanina.

"Ahh,yun pala. Sabay na ko sa inyo sa locker room tapos narin klase ko." Buti hindi na nangusisa si Kissette.

Papunta na kami sa locker room para ilagay dun ang mga libro namin. Simula ng araw na makilala namin si Kissette, palagi na sya sumasabay samin pauwi minsan pag lunch break. Masasabi kong naging close na namin sya(pwera lang kay Rishel na aloof sa kanya, I don't know why) at dahil sa kanya nadagdagan ang MABABAIT kong mga kaibigan. Note the sarcasm.

My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon